top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | April 24, 2023



ree


Ngayong ‘digital age’, parte na ng araw-araw nating pamumuhay ang paggamit ng laptop o computer, smartphone at iba pang electric devices na mayroong blue light.


At dahil hindi maiwasan, nakakabahalang magdulot ito ng hindi magandang epekto sa ating katawan, partikular sa ating balat.


Bagama’t may mga pag-aaral at ebidensya na nagsasabing ang blue light exposure ay nakakasira sa ating pagtulog – kaya hindi inirerekomenda ang pag-scroll sa socmed before bed time – mas kumplikado umano ang epekto ng blue light sa balat.


At sa totoo lang, hindi natin matitiyak kung gaano karaming blue light exposure ang nakakapagpabilis ng pagtanda ng ating balat, pero hindi ibig sabihin nito na wala na tayong gagawin upang mapigilan ang skin aging.


Sa isang pag-aaral noong 2018 tungkol sa blue light at wrinkles, ang isang oras ng exposure sa blue light ay nakakapagdulot umano ng reactive oxygen species (ROS), na may kaugnayan sa premature aging ng balat.


Samantala, sa isang pag-aaral nito lamang taon, napag-alaman na may kaugnayan ang reactive oxygen species at skin damage, kung saan napabilis umano nito ang aging process. Gayunman, binigyang-diin ng mga eksperto na hindi pa nila alam ang ‘precise’ o tukoy na dahilan ng aging process.


Kaya naman, para maiwasan ang mabilis na aging process at maprotektahan ang inyong skin laban sa wrinkles at dark spots, narito ang ilang tips:


1. MATULOG. Ayon sa pag-aaral, bukod sa blue light, isa ring dahilan ng early aging ay ang poor sleep o kakulangan ng tulog. May isang pag-aaral na ang kakulangan ng tulog ay may malaking epekto sa mababang recovery ng skin barrier. Dahil dito, bagama’t hindi natin kontrolado kung gaano kahabang oras tayong nakatutok sa work computer, make sure na bawasan din ang oras ng panonood ng TV bago matulog upang mas mabilis na makarecover ang ating skin barrier at matulog nang maaga upang mas mabilis na maka-recover ang skin barrier.

2. SKIN CARE. Rekomendasyon ng experts, mag-apply ng antioxidant tulad ng Vitamin C serum, na nakakatulong sa pag-brighten at pag-neutralize ng environmental damage sa ating skin. Napakarami nang available na serums sa local drug store at sobrang affordable pa, kaya naman, kering-keri ‘yan ng budget.


3. MINERAL SUNSCREEN. Inirerekomenda rin ng mga eksperto na pumili ng mineral sunscreen na may kakayahang ma-block o harangan ang UV rays mula sa araw. For sure, alam nating na lahat na mahalagang mag-apply ng sunscreen kung lalabas ng bahay, pero knows n’yo ba na dapat pa ring gumamit nito kahit hindi tayo lalabas? Yes, besh, ‘yan ay dahil posible pa ring makaapekto ang sunlight sa skin kahit nasa loob ka, gayundin kung gagamit ka ng electronic devices tulad ng laptop o computer, cellphone, at TV.


Kung ginagawa mo na ang mga naturang tips, ipagpatuloy n’yo lang ang mga ito. Para naman sa mga ka-BULGAR na nagsisimulang alagaan ang kanilang balat laban sa mabilis na aging, make sure na gagawin n’yo ang mga nabanggit na rekomendasyon.


Gets mo?


 
 

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 24, 2023



ree

Lahat tayo ay nangangarap na guminhawa ang buhay o ‘di kaya ay yumaman.


Kaya ang ilang sa atin ay pinapasok na ang lahat na puwedeng pagkakitaan.


‘Ika nga nila, “Huwag mawalan ng pag-asa, basta masipag at madiskarte ka, sasagana ang iyong buhay.” Kaya naman, narito ang ilan sa mga paraan kung paano mapapalago ang negosyo sa maliit na puhunan:


  1. Dapat ay alam natin kung gaano kalaki ang magiging puhunan sa negosyo upang magkaroon na ng ideya sa puwedeng maging Return of Investment (ROI).

  2. Maghanap na maaaring gawing negosyo na swak sa iyong puhunan. Halimbawa, pagbebenta ng silog meals, pagbebenta ng mga frozen products, at pagtatayo ng online shop. Patok ang mga naturang negosyo para sa mga estudyante at mga nagtatrabaho na wala nang oras para mamili sa mga mall.

  3. Humanap ng magandang lugar dahil mas mainam kung malapit sa paaralan, opisina at sa mga lugar na maraming tao.

  4. Hangga’t maaari, paikutin ang puhunan. Iwasang gamitin ang kita para sa mga bagay na ‘di naman nakakadagdag sa iyong puhunan.

  5. Tandaan mo, responsibilidad mo bilang may negosyo na palaguin ang iyong mga mamimili. Siguraduhin na maayos at malinis ang kapaligiran upang maiwasan ng reklamo ng mga mamimili. Pagdating naman sa online, siguraduhing maayos at maipadala nang tama ang order ng iyong mga customer.

  6. Upang lumago ang iyong negosyo, paunti-unti mong dagdagan ang iyong paninda. Pumili ka ng iba pang produkto na maaari mo pang itinda nang sa gayun ay lumaki ang iyong negosyo.

Higit sa lahat, maging tapat at ‘wag maging gahaman. Dahil mas pahahalagahan ka ng iyong mga customer kung ikaw ay tapat sa kanila.


Oh, alam niyo na mga ka-BULGAR, maaari niyo na rin itong sundin upang pare-parehas tayong umasenso!


Gets mo?




 
 

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 23, 2023



ree


Sawa ka na ba sa iyong ginagawa o ‘di maiwasang isipin na sana ay bumilis ang takbo ng oras upang ikaw ay makauwi na mula sa trabaho? Minsan ba ay sumagi sa isip mong gusto mo nang magpahinga o magbakasyon na lang? Kadalasang naririnig natin na tanong ay, ano ba ang burnout?


Ang pagka-burnout sa trabaho ay ‘di lang basta pagkapagod, gayundin, ‘di ito ordinaryong stress na dulot ng pang-araw-araw na trabaho. Ang mga dumaranas nito ay nawawalan ng ganang magtrabaho at hindi na gaanong produktibo. Ang burnout ay konektado rin sa maraming emosyonal at pisikal na problema.


Ano nga ba ang kadalasang dahilan ng burnout? Narito ang tinuturong dahilan ng ibang tao:

  1. Work-related na mga kadahilanan;

· Mataas na demand sa trabaho

· Pagtatrabaho sa isang magulo o may mataas na pressure na paligid

2. Mga kadalasang dahilan dulot ng lifestyle;

· Kakulangan ng oras sa pagri-relax at pakikisalamuha sa kapwa

· Napakaraming responsibilidad na ‘di nakatatanggap ng sapat na tulong mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay

3. Mga pag-uugaling nagdudulot ng madaliang pagka-burnout

· Pagiging perfectionist

· Pagiging pessimistic

· Pagiging controlling.

Puwede ring ang katawan mismo ang maging dahilan ng burnout. Sa kagustuhang umasenso at lumaki ang kita, ang ilan ay tanggap nang tanggap ng trabaho hanggang sa matambakan nito at mauwi sa burnout.


Ang mga sumusunod ay warning signs na maaring may burnout ang isang tao:

1. Mga pisikal na senyales

· Pakiramdam na laging magkakasakit at laging pagod

· Madalas na pagkakaroon ng sakit ng ulo, sakit sa likuran at kasu-kasuan

2. Mga emosyonal na senyales

· Pakiramdam na walang magawa, talunan, at nag-iisa sa mundo

· Pagbaba ng satisfaction at sense of accomplishment

3. Mga sensyales sa pag-uugali

· Tumatakas sa mga responsibilidad, at pag-iwas sa ibang tao.

· Binubuntong ang frustration sa ibang tao


Atin nang nabanggit kung ano ang ibig sabihin ng burnout, kadalasang dahilan, at sintomas nito. Samantala, narito naman ang ilang tips kung paano nga ba ito maiiwasan:


Ang pagkakaroon ng “me” time, ay makakatulong sa atin upang maibsan ang stress o problemang ating kinakaharap. Kung maaari ay magpasa ng temporary leave of absence at gamitin ito upang makapagbakasyon. Mag-recharge, huminga, mag-isip-isip at mag-enjoy din!


Lingid sa ating kaalaman, ang taong kulang sa tulog ay madalas na iritable, mainitin ang ulo, at minsan ay wala na rin sa pokus. Mahalaga ang pagtulog upang makapagpahinga ang ating utak.


Gayundin, inirerekomenda ang 30-minutong ehersisyo sa isang araw. Maglaan ng panahon upang ma-achieve ang sapat sa pahinga at paglilibang. At magkaroon ng interes sa ibang mga bagay at makisalamuha sa iba, bukod sa mga katrabaho.


Pagbati! Dahil isa ka sa mga ‘di humihinto para makamit mo ang iyong pangarap.


Kaya mga ka-BULGAR, ‘wag kalimutang ngumiti at magpasalamat.


Okie?



 
 
RECOMMENDED
bottom of page