top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | July 11, 2023



ree


Ang orange ay isang uri ng low calorie at highly nutritious citrus fruit na nakakatulong magbigay sa iyo ng clear skin. Maaari rin nitong mapababa ang chance ng mga tao mula sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.


Ang orange ay lubos na nagustuhan dahil sa natural nitong tamis. Ang sikat na citrus fruit na ito ay particular na kilala sa nilalaman nitong vitamin C. Gayunman, ang orange ay naglalaman din ng mga plant compounds at antioxidants na nakakapagpababa ng inflammation laban sa mga sakit.


Sa article na ito, titingnan natin ang iba’t ibang health benefits ng orange, katulad ng kanilang nutritional profile, at kung paano ito maisasama sa pagda-diet.


1. CANCER. Bilang isang excellent source ng antioxidant vitamin C, ang orange ay makakatulong upang labanan ang pagbuo ng free radicals na nagdudulot ng cancer. Bagama’t ang vitamin C ay necessary at very beneficial, ang amount ng isang tao na kinakailangan para sa ninanais na therapeutic effect sa cancer ay mas higit pa sa inaakala nilang nako-consume araw-araw.

2. BLOOD PRESSURE. Ang orange ay hindi naglalaman ng sodium, kaya tumutulong ito na panatilihin ang isang tao na mapababa ang limit nito. Sa kabilang banda, ang isang cup ng orange juice ay maaaring makapagpataas ng 14% ng daily potassium intake. Ang pagpapanatili ng low sodium intake ay mahalaga sa pagpapababa ng blood pressure.


3. HEART HEALTH. Ang orange ay good source ng fiber at potassium, na parehong sumusuporta sa kalusugan ng puso. Ayon sa 2017 review ng meta-analyses, ang pagkonsumo ng sapat na fiber ay mahalaga para mabawasan ang panganib sa pagkakaroon ng heart disease. Ang isang cup ng orange juice ay kayang mag-provide ng 14% ng daily potassium requirement ng isang tao. Natuklasan din ng ODS na ang mga taong may mas mataas na potassium intake ay malaki ang tsansang malayo mula sa panganib ng stroke at iba pang cardiovascular disease.


4. DIABETES. Ang isang orange na may timbang na 131 grams ay nag-aambag ng 3.14g ng fiber, na halos 10% ng pang-araw-araw na pangangailangan ng fiber ng isang adult. Natuklasan din sa ilang pag-aaral na ang fiber ay maaaring mapabuti ang ilang mga factors na nag-aambag sa development at progression ng diabetes.

5. SKIN. Ang pagkonsumo ng sapat na vitamin C ay makakatulong sa isang tao na mapanatili ang kalusugan at hitsura ng balat. Ang vitamin C ay nag-aambag sa collagen production. Ang collagen ay sumusuporta sa balat, nagpo-promote upang agad na humilob ang mga sugat.


Narito ang iba’t ibang uri ng orange, halina't atin itong alamin:

  • Navel

  • Mandarin

  • Cara Cara

  • Blood oranges

  • Valencia

  • Seville

  • Jaffa


Narito naman ang ilang mga tips kung paano ito gagamitin sa pagda-diet:

  • Gumawa ng fruit salad gamit ang strawberries, pineapple, mandarin oranges, at grapes.

  • Magdagdag ng ilang slice ng orange sa salad para sa tanghalian o hapunan. Haluan ang orange ng walnuts o pecan, isang crumbled cheese, at isang light balsamic o citrus vinaigrette dressing.

  • Gumawa ng homemade juice. Ang fresh squeezed orange ay flavorful, refreshing, at nutritious na maaaring idagdag sa morning routine ng isang tao.


Dagdag kaalaman lang mga ka-BULGAR, ayon sa research, ang mga citrus fruit ay nakakatulong na labanan ang mga cancer at chronic diseases. Oh, mga besh, hindi lang orange ang citrus fruit, i-try din natin ang ibang mga prutas upang makakuha pa tayo ng mas maraming nutrients. Okie?!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | June 20, 2023



ree


Ang Pilipinas ay isa sa pinakamaraming magagandang lugar at tanawin na kung saan maaari mo itong puntahan kasama ang iyong mga pamilya, barkada, at mga minamahal.


Marami ring mga turista ang pumupunta sa iba’t ibang sulok nito upang bisitahin ang mga naggagandahang tanawin.

NAIS MO NA RIN BA ITONG MALAMAN, BESH? HALINA’T UMPISAHAN NA NATIN ITO.

1. HUNDRED ISLANDS. Ito ay matatagpuan sa Bgy. Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ito ang kauna-unahang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 124 pulo, pero 123 pulo lamang ang makikita. Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.

2. LUNETA PARK. Ito ay dating tinatawag na Bagumbayan, noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, rito sa lugar na ito binaril si Dr. José Rizal noong 1896. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.

3. BORACAY. Ito ay matatagpuan sa timog ng Maynila at sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas. Siyempre, hindi mawawala ang isa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa. Bagama’t masyado nang crowded ang Boracay ay puwedeng-puwede ka pa rin mag-enjoy dito dahil sa Instagrammable ambiance ng white sand beach, crystal clear water, giant rock formations, atbp.


4. BANAUE RICE TERRACES. Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Ifugao. Ginawa ito ng mga katutubong Pilipino upang sa kanilang pagsasaka. Sa ngayon patuloy pa rin ang pag-tatanim ng mga naninirahan dito.


5. BULKANG MAYON. Ito ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, Kilala bilang “perfect cone” dahil sa halos “symmetrical cone shape” nito. Ang bundok ay isang pambansang parke at isang protektadong landscape sa bansa na naiproklama bilang Mayon Volcano Natural Park noong taong 2000.


6. DADAK BEACH. Ito ay isa sa magandang beach and Resort sa Pilipinas, matatagpuan ito sa Dipolog Zamboanga.


7. SOHOTON CAVE. Ito ay isang kuweba na makikita sa Samar.


8. NAKED ISLAND. Ito ay matatagpuan sa Surigao, Del Norte, Mindanao, isa itong isla kung saan wala kang makikitang mga puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang. Ito ang pinakamagandang lugar upang lumangoy, ngunit inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang masisilungan. Kaya, besh huwag kalimutan magdala ng sunblock.


Panatilihing malinis ang ating mga tanawin at pook-pasyalan upang hindi masira ang magagandang tanawin ng ating bansa. So, beshie, ano pang hinihintay mo? Bulabugin na ang iyong mga kaibigan at love ones upang makulayan na ang idinrowing na summer getaway this 2023!


 
 

ni Jenny Rose Albason G. Vieron @Life & Style | June 17, 2023



ree


Magkano pa ang laman ng wallet mo? May natira pa ba sa suweldo o literal na dumaan lang sa kamay dahil napunta na sa mga bayarin at pinagkakautangan?


Well, kung ang iba ay nagkakandakuba na sa pagtatrabaho pero mahirap pa rin, iba naman ang diskarte ng isang mister sa bansang India.


Sino'ng mag-aakala na sa kanyang pamamalimos ay puwede siyang maging milyonaryo at makapagpundar ng mga bahay, negosyo, at makapagpaaral ng mga anak?


Ang ating tinutukoy ay si Bharat Jain, naninirahan sa Mumbai, India, na ayon sa report ng Economic Times ay tinaguriang "World's Richest Beggar".


Si Jain ay hindi pormal na nakapag-aral dahil sa kahirapan, at sa ngayon ay mayroon siyang asawa at dalawang anak na lalaki. Kasama rin niya ang kanyang ama at kapatid.


Sa pamamagitan ng pamamalimos sa lansangan ng Mumbai, si Jain ay kumikita ng 60,000 hanggang 75,000 rupees o katumbas ng P39,000 hanggang P49,000 buwan-buwan o mahigit P1,500 kada araw.


Ang kanyang 10 hanggang 12 oras na pamamalimos araw-araw ay nagbunga ng two-bedroom flat na nagkakahalaga ng P7.9 million at dalawang stationary store na inuupahan niya nang P19,900 kada buwan.


Sa kabila ng yaman, patuloy na namamalimos si Jain, kahit pa pinatitigil na siya ng pamilya. Kaya kinikilala ngayon si Jain na pinakamayamang pulubi sa buong mundo. Kung saan, tinatayang nasa halos P50 milyon na ang net worth nito.


Masasabing kakaiba o nakakagulat ang istilo ni Jain para kumita ng pera, malamang may mapapa-"sana all" pa, pero tiyak may mga magtataas din ng kilay.


Babala naman sa mga nagbabalak na mamalimos dahil na-inspire kay Jain, labag 'yan sa batas ng 'Pinas. Mayroon tayong "Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law", na mahigpit na ipinagbabawal ang pamamalimos at magpalimos, puwedeng makulong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page