top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021



Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga LGU na gumawa ng diskarte o mabisang paraan para matiyak na mababakunahan kontra-COVID-19 ang lahat ng mamamayang sakop nito.


Sa kanyang ‘Talk to the Nation’, sinabi ng pangulo na kailangan ay matukoy ng bawat LGU kung sino ang hindi pa nababakunahan.


Ipinagmalaki pa niya na noong siya ay alkalde ng Davao ay may paraan siyang ipinatupad para sumunod sa kanya ang mga tao.


Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.


Samantala, nagbabala ang pangulo na posibleng maharap sa kaso ang mga lalabag sa health protocols na itinakda ng mga LGU.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 4, 2021



Ikinamangha ng netizens ang Sari-sari store at Bigasan showcase na handog ng LGU ng San Ildefonso, Bulacan sa mga piling mamamayan ng kanilang bayan.


Nitong nakaraang linggo ay sinimulan nang ipakita ni Mayor Carla Galvez-Tan ang proyektong ito kung saan sinimulang buuin ang mga tindahan at bigasan na ipapamigay sa unang batch na mapipiling mapagkalooban.


Noon pa man daw ay marami nang mga programang pangkabuhayan ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.


Ang sari-sari store at bigasan ay nabuo umano ang konsepto noong masalanta ang bayan ng San Ildefonso ng bagyong Ulysses. Dahil maraming pamilya ang naapektuhan at nawalan ng kabuhayan, naisip umano ni Tan na tulungan ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangkabuhayan.


Kaya nang magkaroon ng pagkakataon at makakuha ng dagdag na tulong mula sa tanggapan ng Pangulo at kaibigan mula sa Ozamis City, doon na unti-unting nabigyan ng kulay ang programang ito.


Sa kasalukuyan ay mayroong 50 recipients ang proyekto, na kabilang sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng mga nagdaang sakuna. Bawat isa ay personal na pinuntahan ng mga nag-organisa nito at isinailalim sa orientation tungkol sa pagiging entrepreneur.


Hangad daw ng alkalde na bawat pamilyang Ildefonsonians ay magkaroon ng sapat na pagkakakitaan maging ito man ay regular na hanapbuhay o negosyo; maliit man o malaki nang sa ganu’n ay masiguradong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat isa.

 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2021


Ipinauubaya na ng Department of Tourism sa mga local government units (LGUs) ang pag-oobliga sa mga travelers at turista kung kinakailangang fully vaccinated na o may RT-PCR COVID-19 test results bago makapasok sa kanilang bayan.


“That is what the [Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases] gave. It is for the LGUs to decide either fully vaccinated or as an alternative to an RT-PCR swab,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon kay Puyat, nakasaad sa kasalukuyang polisiya ng gobyerno, “either/or” at hindi na inoobliga na parehong dapat mayroon nito. “LGU knows the cases, how to handle, and how many hospitals they have in their own destination,” paliwanag ni Puyat.


Binanggit ng kalihim na nais ng ilang LGUs na fully-vaccinated na ang mga turistang papasok sa kanilang lokalidad subalit mas gusto nilang maraming residente sa kanilang nasasakupan ang mabakunahan kontra-COVID-19.


“You don’t only protect the tourist but also the locals,” sabi ng kalihim. Gayunman, sinabi ni Puyat na kailangang i-verify ng isang traveler ang kanyang vaccination status.


“The LGUs want to have the way to authenticate [the vaccination]. Kung ang RT-PCR nga, napepeke, ito pa kaya,” saad ni Puyat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page