top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Lolet Abania | June 14, 2021



Nadiskubre ng Department of Education (DepEd) na nasa kabuuang 155 errors o pagkakamali ang lumabas at naimprenta sa kanilang mga learning materials, ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio ngayong Lunes.


Sa inisyal na report, mayroong 163 errors sa learning materials na naitala mula October, 2020 hanggang June, 2021, subalit sa ginawang validation, bumaba ito sa 155, paliwanag ni San Antonio sa pagdinig sa House of Representatives.


Ayon kay San Antonio, mula sa locally-developed materials ang lumabas na 100 errors. Sumangguni na rin sila sa division office level para sa pag-iisyu naman ng errata sa lahat ng naturang kamalian.


Sinabi pa ni San Antonio na naglabas na ang DepEd ng direktiba sa mga guro na pagtuunan ng pansin ang mga pagkakamaling ito.


Aniya, mahigit sa 20 ng naturang kamalian ay mula sa hindi kilalang sources. “Hindi po ‘yan ma-locate, wala pong nakapagpapakita sa amin na nasa DepEd ‘yan o ginawa ‘yan ng DepEd,” sabi ni San Antonio sa House Committee on Public Accounts.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page