top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 11, 2021


ree

Patay ang 7 katao at isa ang nawawala dahil sa landslide sa Indonesian gold mine ngayong Martes, ayon sa awtoridad.


Dahil sa walang tigil na pag-ulan, gumuho ang lupa sa South Solok regency, West Sumatra na may kasamang putik at mga bato, ayon kay Local Emergency Department Head Fikri.


Aniya, nasagip ang 9 na katao na kaagad isinugod sa ospital at patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation sa isang miner na nawawala.


Pahayag pa ni Fikri, “Initially, rescuers were having difficulties to evacuate victims to a rescue vehicle because the terrain at the site was challenging.”


Samantala, madalas nakararanas ang Indonesia ng matinding landslides at flash floods tuwing tag-ulan dahil sa deforestation, ayon sa mga environmentalists.


 
 

ni Lolet Abania | January 10, 2021


ree


Labing-isa ang nasawi habang 18 ang nasugatan dahil sa landslides matapos ang malakas na pag-ulan sa western Indonesia, ayon sa report ng Badan Nasional Penanggulangan Bencana (Indonesian National Board for Disaster Management) ngayong Linggo.


Sa isang statement na inilabas ni BNPB spokesman Raditya Jati, ang landslides sa Cihanjuang Village sa West Java ay tinatayang nasa 150 km o 95 miles timog-silangan ng kapital na Jakarta na naganap alas-4:00 ng hapon (0900 GMT) at alas-7:30 ng gabi kahapon. "The first landslide was triggered by high rainfall and unstable soil conditions.

The subsequent landslide occurred while officers were still evacuating victims around the first landslide area," ani Raditya. Ayon pa sa BNPB spokesman, ang patuloy na malalakas na pag-ulan at thunderstorms ang nagpapahirap sa mga awtoridad sa kanilang isinasagawang rescue operation.


Nagbabala naman si Presidente Joko Widodo sa mga residente ng Indonesia, mula sa La Nina weather system, na ang malalakas na pag-ulan ay magdudulot ng mga pagbaha at landslides, at labis na nakakaapekto sa agricultural product ng nasabing bansa.


Ang La Nina pattern ay inihahalintulad sa hindi pangkaraniwang lamig ng temperatura sa equatorial Pacific Ocean.


Madalas na nakararanas ang Indonesia ng mga pagbaha at landslides lalo na sa panahon ng tag-ulan mula November hanggang March, kung saan nagpapalala pa sa sitwasyon ang pagpuputol ng mga puno sa mga gubat sa lugar.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 31, 2020


ree

Sugatan ang 10 katao kung saan isa ang kritikal at 15 naman ang nawawala dahil sa landslide sa southern Norway noong Miyerkules.


Naganap ang landslide sa isang residential area sa Gjerdrum kung saan tinatayang aabot sa 700 katao ang inilikas.


Pahayag ni Prime Minister Erna Solberg, "It is a catastrophe. "There could be people trapped... but at the same time we can't be sure because it is the New Year's holiday, which means people could be elsewhere.


"The situation is still so unstable that it is impossible to do any (rescue) effort other than from helicopters." Samantala, tuloy pa rin ngayong araw ang pagsasagawa ng rescue operations sa naturang lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page