top of page
Search

ni BRT | April 27, 2023




Halos 74,000 trabaho na ang maaaring apply-an sa job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na Labor Day.


Nasa 73,779 ang job vacancies sa taunang labor day job fair, at maaari pang dagdagan habang papalapit ang Labor Day sa Mayo 1.


Karamihan sa mga trabaho ay galing sa business process outsourcing, manufacturing, financial and insurance activities, manpower services at sales and marketing


Kaugnay nito, may 40 venue ang job fair sa buong bansa pero sa SMX Convention Center sa Pasay ang main venue na bukas na simula Abril 30.


Paalala sa mga aplikante, magdala ng sapat na kopya ng resume, diploma, transcript of records at certificate of employment.


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022



Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Linggo, ang kanyang huling mensahe para sa Araw ng Paggawa o Labor Day bago siya bumaba sa posisyon sa Hunyo 30, kung saan kinilala niya ang naging tagumpay mula sa mga hamon sa buhay at mga susuungin pa ng mga Pilipinong manggagawa.


“On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development,” saad ni Pangulong Duterte.


“This administration, even if it is coming nearly to a close, shall remain committed to providing the people with the opportunities they need to realize their full potential. It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” dagdag ng Punong Ehekutibo.


Samantala, kinilala rin ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga laborers na nagtatrabaho nang mabuti para pantustos sa kanyang sarili at maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“We extend a special recognition of the low-wage earner who gets by, as well as our medical frontliners and other essential workers who we now realize impact our lives significantly during this pandemic,” sabi ni Velasco.


“This occasion also reminds each one of us the importance of working hard in life, and that without hard work, nothing can be achieved,” ani pa Velasco.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 1, 2021




Nagprotesta ang iba’t ibang grupo ng ralista sa Welcome Rotonda, Quezon City upang ipanawagan ang karagdagang sahod para sa mga minimum wage earners at production subsidy para sa mga magsasaka, kabilang ang sapat na ayuda para sa lahat, kasabay ng ipinagdiriwang na Labor Day ngayong araw, Mayo 1.


Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), pasado alas-7 nang umaga pa lamang ay naka-deploy na ang mga pulis sa Liwasang Bonifacio upang harangin ang mga nagpoprotesta. Gayunman, hindi sila nagpatinag at patuloy pa rin sa pagwewelga.


Paliwanag ni KMU Chairperson Elmer Labog, "Labor Day should honor workers but the PNP is insulting us by depriving us of our right to air our grievances. Liwasang Bonifacio is a freedom park and the police should back off. The protests will push through despite this harassment.”


Batay din sa kanilang tweet, “Ang sigaw ng manggagawa at mamamayan ngayong Mayo Uno: Ayudang sapat para sa lahat, P100 daily wage subsidy sa manggagawa! P10k ayuda sa nawalan ng trabaho at maralita! P15k production subsidy sa magsasaka! Subsidyo sa pasahod ng MSMEs!”


Samantala, wala namang iniulat na nasaktan sa rally.


Maayos din nilang nasunod ang pagsusuot ng face mask at face shield laban sa banta ng COVID-19.


Gayunman, hindi pa rin naiwasang magkadikit-dikit at mawala ang social distancing habang nagpoprotesta.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page