top of page
Search

ni Lolet Abania | May 16, 2022


ree

Nagsalita na ang Queen of all Media na si Kris Aquino hinggil sa estado ng kanyang kalusugan sa harap ng maraming kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya sa social media.


Sa Instagram post ni Kris ngayong Lunes, mariing pinabulaanan niya ang ilang social media post na nagsasabing nakaratay siya sa ospital, o dinala sa ICU, o mamamatay na. “Masyado kayong advance. I’m not yet dead. I’m going to fight to stay alive,” sabi ni Kris.


Sa video post, sinabi ulit ni Kris ang plano niyang pagpapagamot sa ibang bansa. “[I’ve] always been proud of my honesty and courage. Ginusto ko na maka lipad sana nang tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan, ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH,” caption ng aktres sa post.


Una nang sinabi ni Kris na mayroon siyang tatlong confirmed autoimmune conditions, aniya, ito ay chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis. Aniya, ang huli ay nakita sa ikatlong skin biopsy ng pathologist sa Pilipinas at United States.


“My team of doctors here and abroad… are all worried about organ damage in my heart and in my lungs. Kaya lahat ng paraan, sinubukan for me to get to Houston soonest,” ani Kris.


“’Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag-infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids,” sabi niya.


Hiniling naman ni Kris sa publiko na itigil na sana ang pagpo-post sa kanyang socmed ng mga masasakit na salita o anumang batikos para na rin sa kanyang mga anak.


“Kung balak niyo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili niyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin,” giit ni Kris. “Hindi niyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… Please don’t punish kuya [Josh] and Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” saad pa ni Kris.


Noon pa sanang nakaraang buwan nakaalis ng bansa si Kris para magpagamot subalit hindi siya nabigyan ng clearance ng kanyang doktor.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 26, 2022


ree

Labis na ipinagtataka ng marami ang pananahimik ngayon sa social media ni Kris Aquino. Hindi raw niya ito dating ginagawa kahit na noong kasagsagan ng kanyang sakit at bumaba nang husto ang kanyang timbang.


Nagawa pa nga niyang lumabas at dumalo sa rally noon ni VP Leni Robredo sa Tarlac para magbigay ng suporta sa kanyang presidentiable.


At dahil din sa ginawang 'yun ni Kristeta, may mga bashers ang nagpayo na dapat ay ang kanyang kalusugan na lang ang kanyang gawing prayoridad at hindi ang pulitika.


Pero lately ay nanahimik nga ang mundo ni Kris Aquino. Ni hindi nga siya nag-post ng pagbati sa nakaraang kaarawan ni VP Leni Robredo noong April 23 kung saan isang grand rally na dinaluhan ng malalaking artista-singers ang ginanap sa Bay Area ng Pasay.


Nakakapanibago nga para sa lahat ang pananahimik ni Kris. May isang reliable source ang nagkuwento na diumano, may nagaganap na milagro at pagbabago sa health condition ngayon ni Kristeta.


Isa raw nagmamalasakit sa kanya ang nagdala ng picture ni Kris sa Padre Pio Shrine sa Batangas at doon ay pinadadasalan para gumaling ang mommy nina Joshua at Bimby.


Maraming kuwento ng healing miracles si Padre Pio na pinatotohanan ng marami. Kaya, posibleng may milagro ring nangyari kay Kris Aquino.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022


ree

Inamin ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hiwalay na sila ng kanyang fiance na si Mel Sarmiento.


Ito ay ibinahagi ni Kris sa publiko matapos mapansin ng netizens na wala na ang mga larawan ni Mel sa kaniyang IG account.


Matatandaan na noong lang Oktubre nang maganap ang engagement ng dalawa.


Ayon kay Kris, ayaw niyang magkaroon pa ng mga espekulasyon kaya ibinahagi na niya ang nangyari sa relasyon nila ni Sarmiento.


Mababasa rin sa kanyang post ang paglalahad niya ng ilang impormasyon hinggil sa kanyang kalusugan.


"Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kaniyang paghihiwalay?" ani Kris.


"But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, I must end this chapter," ayon pa kay Kris.


"After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left," dagdag niya.


Kasama sa post ang screenshot ng message sa kanya ni Mel: "For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don't get COVID is an enormous responsibility.”


"Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble," ayon pa sa dating kalihim.


Sinabi ni Mel na ayaw niya na makompromiso ang kalusugan ni Kris na mayroong "autoimmune disease."


"On that note, with a heavy heart I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together," ayon pa kay Mel.


Sinabi rin ni Kris na posibleng mangibang-bansa siya para matutukan ang kalagayan ng kaniyang karamdaman.


"I want to spare myself and my loved ones from further rumors & speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed," aniya.


"Do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs/40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity. From last quarter of 2018, I've long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured," dagdag niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page