top of page
Search

nina Mabel Vieron at Jenny Rose Albason @Overseas News | July 17, 2023




Umabot na sa 31 ang namatay dulot ng ilang araw na malakas na pag-ulan sa South Korea.


Ayon sa firefighting authorities, limang bangkay ang na-trap sa ilalim ng tunnel na nilubog ng malakas na pag-ulan sa central South Korea.


Natagpuan ang limang tao mula sa isang bus na lumubog sa baha sa underpass sa Cheongju nitong Sabado matapos magsimula ang mga rescue worker ng underwater search operations.


Nauna nang sinabi ng Ministry of Interior and Safety na 26 katao ang namatay at 10 pa ang nawawala dahil sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha sa naturang bansa.


Samantala, ang mga nasawi mula sa baha ay hindi kasama sa datos ng ministry dahil hindi agad nalinaw kung ilang tao at sasakyan ang na-trap sa ilalim ng baha.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | July 14, 2023




Isinawalat ng South Korea na muling nagsagawa ang North Korea ng isang intercontinental ballistic missile.


Ang nasabing aksyon ng North Korea ay kasunod lamang umano ng pagbabanta nito dahil sa umano’y ginawa ng U.S. na reconnaissance activity sa ilalim ng teritoryo nito.


Ayon sa ulat ng South Korea, posible umanong isang road-mobile Hwasong-18 ICMB ang sinubukan ng North Korea.


Ang nasabing missile ay isang uri ng solid-fuel at isa sa mga ipinagmamalaki ng North Korea dahil sa mahirap umano itong matunton, hindi katulad ng karaniwang liquid-fuel missile.


Batay pa sa nakalap na impormasyon ng South Korea, ang missile ay maaaring galing sa capital ng nasabing bansa at pinalipad sa layong 1,000 kilometro.


Tinatayang lumipad ito nang nasa 6,000 kilometro bago tuluyang bumagsak sa karagatan sa pagitan ng Korean peninsula at bansang Japan.


 
 

ni Mai Ancheta | May 28, 2023




Sugatan ang 12 pasahero ng Asiana airlines matapos buksan ng isang lalaking pasahero ang emergency exit ng eroplano ilang minuto bago ito lumapag sa airport sa Daegu City, South Korea.


Nakunan ng video ng isang pasahero ang ginawa ng lalaking nagbukas ng pinto ng eroplano kung saan nataranta at naghiyawan ang mga nasa loob ng eroplano dahil sa takot.


Ang Flight OZ8124, isang airbus 321-2001 na may sakay na 194 na mga pasahero at umalis sa Jeju island ng alas-11:45 ng umaga noong Biyernes at pa-landing na ito sa Daegu International Airport ng mangyari ang insidente.


Nagtamo ng minor injuries at hyperventilation ang mga pasahero kung sana siyam sa mga ito ay isinugod sa ospital paglapag ng eroplano.


Ang iba ay hinimatay umano dahil nahirapang huminga dahil sa insidente.


Naaresto naman ang lalaking nagbukas ng eroplano na tinatayang nasa edad 30.


Sinabi ng suspek sa mga otoridad na pakiramdam niya ay hindi makahinga at nais na makalabas agad sa eroplano.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, hindi maayos ang pag-iisip ng suspect.


Sinabi naman ng isang pasahero na akala nito ay katapusan na niya at sasabog ang eroplano dahil sa ginawa ng suspek.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page