top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 10, 2023



ree

Hindi pa tapos ang usapin sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ngunit pinagpipiyestahan naman ngayon ng madlang pipol ang bagong lumulutang na tsika patungkol sa ina ng aktor na si Karla Estrada dahil sinasabing lubog ito sa utang.


Saad ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa isang episode ng “Showbiz Now Na,” kalat ngayong maraming utang sa mga kaibigan si Karla tulad ng P2 milyon sa isa at may P3 milyon pa.


Ang sinasabing dahilan ng pangungutang diumano ni Karla ay para raw mabayaran naman ang malaking pagkakautang nito sa pamilya ni Kathryn.


Matatandaang pumutok ang usapan na may pagkakautang si Karla sa pamilya ng dating nobya ng anak ilang araw matapos makumpirma ang hiwalayan ng dalawa.


Ang ipinagtataka lang nila, kasama ang co-host ni Cristy na si Wendell Alvarez, sa laki raw ng kita ng anak na si Daniel, bakit pa nagagawang umutang ng ina nito?


Wala pa namang pahayag o komento si Karla sa mga kumakalat na tsismis sa kasalukuyan.

 
 

ni Nitz Miralles- @Bida | April 18, 2022



May resort pala sa El Nido si Kathryn Bernardo at ang kanyang pamilya na tinawag nilang Isla Amara Boutique and Resort.


Meron itong 42 guest rooms, private pool at ibang amenities para sa mag-i-stay dito. Sa nasabing resort yata nag-stay sina Kathryn at mga kaibigan nang mag-birthday ang aktres, kamakailan.


May ipinapagawa ring bahay si Kathryn para sa kanyang pamilya at ang nabasa naming description, mala-mall daw ang laki nito na tulad ng mansiyon ni Megastar Sharon Cuneta.


Tiyak na may iba pang business at properties ang aktres dahil masigla pa rin ang career niya, sunud-sunod ang endorsements at may bagong show sa ABS-CBN. Noong April 12, may poster reveal ang series nila ni Daniel Padilla na 2G2BT at malamang, malapit na ang airing nito.


Naghihintay din ng pelikula ang KathNiel fans nila Kathryn at Daniel at siguradong hindi sila bibiguin ng Star Cinema at bibigyan ng bagong pelikula ang magka-love team on and off screen.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | January 07, 2022



ree

Nag-trending kahapon sa Twitter ang hashtag na #HuwagAngKathniel bilang sagot at reaction ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa cryptic post ni Xian Gaza na pilit ginagawan ng isyu sina Daniel at Barbie Imperial at pinalalabas na clueless sina Kathryn at Diego Loyzaga tungkol sa dalawa.


May ipinost kasi si Xian Gaza na picture na nasa bahay nina Karla Estrada si Barbie at tinatanong kung may namamagitan ba sa GF ni Diego at kay DJ.


Para sa KathNiel fans, hindi ito tungkol sa ‘di na dapat patulan o ‘di dapat pansinin si Xian, pero idina-drag ang KathNiel sa isyung hindi totoo. Dapat daw nilang ipakita na hindi sila dapat tinatapak-tapakan lalo na ang KathNiel.


Suhestiyon ng isa pang KathNiel fan, turuan nila ng leksiyon si Xian by reporting him and block all his socmed accounts. Hindi rin daw masisira ni Xian ang KathNiel sa cheap, fake at walang katuturang isyu.


Naku, ginagalit ni Xian ang KathNiel fans kaya be ready. Masaya pa naman ang mga fans dahil sa balitang tuluy-tuloy ang construction ng dream house ni Kathryn na sa nakita naming photos ay malaki.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page