top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida  | July 15, 2024



Showbiz News


Walang epekto ang pamba-body shame ng mga haters at bashers ni Kathryn Bernardo na kesyo hindi siya bagay magpa-sexy dahil sa bow-legged (sakang) siya. 


Hindi rin daw bagay ang dance number niya sa Century Tuna Superbods Finals at kung anu-ano pang kanegahang ipinukol sa kanya.


Kaya namin nasabing walang epekto ang pamba-body shame sa kanya dahil ‘yung post ni Kathryn na suot ang costume sa dance number na nilait ng kanyang mga bashers ay may more than 1 million likes na and counting.



Saka, iilan lang naman ang hindi nagustuhan ang dance number ni Kathryn, mas marami pa rin ang nagkagusto dahil kakaiba raw at nakakapanibago. Para kay Kathryn, it was a memorable night at bahala kayong mga bashers.


Also, matagal nang in-acknowledge ni Kathryn ang kanyang imperfection at naging tema pa nga sa kanyang vlog. Comment nga ng mgs fans nito, ‘yun lang ang kayang ipintas ng basher kay Kathryn, wala na silang iba pang masabi.


Hindi rin maikakailang marami talaga siyang fans at kabilang siya sa mga celebrities na umaabot sa 1 million ang likes sa kanyang mga post.



NAGKITA-KITA ulit sina Heart Evangelista, John Lloyd Cruz (JLC), Jericho Rosales, Sam Milby at Bea Alonzo sa joint birthday celebration nina JLC at Mariole Alberto. 

Sa photos na ipinost ni Heart, makikitang at ease na talaga sila ni Jericho dahil magkatabi pa sa ibang picture.


Nakakatuwa at nagko-comment na rin si Jericho sa Instagram (IG) ni Heart nang mag-post ang aktres ng kanyang beauty regimen gamit ang beauty line niya. 


Nag-comment si Jericho ng “Hmmm... skincare +investment.” Sayang lang at hindi sumagot si Heart sa comment ni Jericho.


Well, nakakatuwa ang businesswoman side ni Heart dahil sa nag-comment na mahal ang beauty products niya, sagot nito, “Quality ito, bigyan kita ng discount.” 


Hindi siguro ine-expect ni Heart na marami ang manghihingi ng discount sa kanya.

Sa pumuna na pumayat siya, sagot ni Heart, “Yes, I was recovering from a bad episode (sad emoji). I’m much better now. I had pancit canton.”


Marami ang natuwa sa pagsagot ni Heart sa mga followers niya at na-promote pa ang product niyang Luxelle Pureliving. 


Samantala, pinuna ang suot ni Bea Alonzo dahil nag-effort daw nang husto, samantalang si Heart na isang fashion influencer ay casual lang ang suot. Mabuti at ipinagtanggol si Bea ng fan ni Heart na kaya ganu’n ang suot nito ay dahil sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda at hindi para i-upstage si Heart.


Napansin lang ng ibang fans na wala sina Kathryn Bernardo at iba pang A-lister na kasama sa grupo nina Heart at Bea kapag nakikipagkita sila kina Mr. Johnny Manahan at Mariole.



IT is refreshing na ma-interview si Ruru Madrid na hindi natatanong tungkol sa kanyang love life at sa girlfriend niyang si Bianca Umali. Focused sa kanya at sa kanyang trabaho ang mga tanong na nakakatuwa.


Ang tinukoy namin ay ang Zoom interview kay Ruru para sa finale ng Black Rider (BR) na magtatapos na sa July 26. Proud si Ruru na nagustuhan ng mga viewers ang series at may mga nagre-request ng Book 2. 


Sa BR din nakita ang husay niya sa action at dito rin siya natawag na “Primetime Action Hero.”


“Ito ang longest series na ginawa ko at ang daming nangyari in between. Naaksidente ako, nagkasakit at naospital, pero nagawa pa rin namin at heto, matatapos na kami.


Ang saya lang na dahil sa BR, ang dami kong nakatrabahong action stars na ang iba ay active pa rin ngayon,” sey ni Ruru.


Ang sey naman ng aktor sa tanong na “Ano naman ang dating sa ‘yo ng title mong Primetime Action Hero?” ay “Salamat sa title, pero kahit walang title, masaya na ‘ko.


Nakakatuwa naging hero ako sa mga bata dahil dati, ako ang umiidolo. Ang sayang malaman na may mga bata na ginagaya ang ginagawa ko sa BR at pati pananamit ko, ginagaya rin nila.”


Nai-share ni Ruru ang dream na makagawa ng action film, “Sana after ng TV series, sa film naman ako gumawa ng action project. And yes, dream ko rin maging director ng sariling action series. Gusto ko ring mag-produce at ako na ang magdidirek, pero matagal pa ‘yun at hindi ko pa iniisip.”


Well, may pasilip sa mga eksena sa last two weeks ng BR at ang dami pang malalaking action scenes na aabangan. Plus, magbabalik si Phillip Salvador at sa kanya manggagaling ang linyahan na descendant ni Lapu-Lapu si Ruru.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 24, 2024



ree

Muling pipirma ng kontrata sa Star Magic at Kapamilya Network ang aktor na si Daniel Padilla pero mas curious ang madlang pipol kung totoo ang usap-usapang tatalon na ng “Crown Artists Management” ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan nga ay umugong ang mga tsikang aalis na ang aktres sa Star Magic at wala pa ring post si MJ Felipe na nu'ng nakaraan nga ay kinumpirma ang muling pagpirma ni Daniel sa susunod na buwan sa kanilang kinalakihang network.


Dumagdag pa sa ingay ng mga Marites ang artikulo ng PEP Troika na may posibilidad daw na CAM na ang magma-manage kay Kath.


Magkakaroon na nga ng mas malawak na oportunidad para sa aktres dahil maaari na siyang gumawa ng mga proyekto sa labas ng ABS-CBN at Star Cinema kung totoo man ang mga tsismis.


Matatandaang nilinaw ng ina ni Kath na si Min Bernardo na hindi aalis sa Kapamilya Network ang award-winning actress matapos ang isyu ng hiwalayan nila ni Deej.


Wala pa namang pahayag si Kathryn at tahimik lang ang Star Magic, ABS-CBN, pati na ang CAM sa mga tsismis.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 18, 2023



ree

True nga kaya ang kumakalat na usap-usapan ngayon na may alam daw si Seth Fedelin sa naging “one-time fling” nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla?


Inispluk ng Philippine Entertainment Portal o PEP na meron silang apat na reliable sources at ang isa rito ang nagbulong ng tsikang nag-usap umano nang personal sina Andrea at Kathryn upang magkaaminan sa nasabing isyu, na may namamagitan nga sa kanila ni Deej.


Unang lumapit daw si Andrea para personal na makausap ang aktres na nangyari bandang madaling-araw sa opisina ni Kath sa Quezon City.


Ipinasilip daw ni Andrea ang palitan nila ng mensahe ng noon ay nobyo ni Kathryn na si DJ.  Parte pa nga raw ng mensahe ng dating nobyo ng aktres ay ang pagpapaalala nito kay Andrea na ayusin ang isang nakakaalam ng ginawa nilang dalawa na walang iba kundi si Seth.


Taong 2021, buwan ng Nobyembre raw nu'ng unang nagkaroon ng ugnayan sina Andrea at Deej, na tiyempong cool-off naman ang aktres sa kanyang dating nobyo na si Seth. 


Wala mang pahayag ang mga nasabing panig sa mga kumakalat na tsismis para linawin na ito sa madlang pipol, tatlo pa sa apat na sources ng PEP.ph ang may parehas na kuwento sa naunang source.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page