top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | December 1, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Disyembre na.

Nagsimula na ang Adviento.

Sinimulan ito sa pakikisawsaw sa maruming pulitika.

-----$$$---

DAPAT ay umiiwas ang mga religious leader sa mga tunggaliang pampulitika.

‘Pag nagbatikusan, madadamay ang kanilang “diyos”.

-----$$$--

BIGLANG sumigla ang maka-KALIWANG grupo.

Huh, nagka-BADYET!

-----$$$--

NAGSAULI ng cash ang dalawang dating DPWH executives na sabit sa flood control projects scandal.

Malinaw na “ligtas” ang malaking bahagi ng kanilang kulimbat.

----$$$--

PINAGDEDEBATEHAN ang P500 budget na pang-Noche Buwena.

Kasya naman ‘yan.

Kasya ‘yan sa “pamasahe sa bus” — patungo sa mga kamag-anak, doon na lang sila makiki-Noche Buena — libre pang alak!

----$$$---

MARAMING gabinete ni PBBM ay hindi kuwalipikado — at walang maitutulong sa kanya.

Ipapahamak lang si PBBM — dahil sa rekomendado ng mga padrino.

-----$$$--

KILALA si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. bilang isang matalino at bar topnotcher.

Pero, sa kabila ng likas na talino, binuo pa rin ni FEM ang Presidential Center for Special Studies (PCSS) na nag-opisina sa Malacanang library.

-----$$$--

OPO, hinugot ni FEM ang pinakamatatalino sa pinakamahuhusay na ehekutibo sa akademya at pribadong sektor para maging consultant sa PCSS.

Kasama rito ang yumaong si Solicitor General Estelito Mendoza.

-----$$$---

PINASIGLA at suportado ni FEM ang Development Academy of the Philippines (DAP) upang mahasa nang todo ang mga career executives at rank-and-file katuwang ang Civil Service Commission (CSC).

Mayroon bang ganyang diskarte si PBBM?

-----$$$--

PAGKAUPONG pagkaupo ni FEM sa Malacanang binuo agad niya ang Presidential Arm for Community Development (PACD) upang makaabot ang serbisyo sa pinakasuluk-sulukang lugar ng Pilipinas.

Pinamunuan ito ng batambatang si Ernesto Maceda.

-----$$$--

NGAYON, sino ang maituturo nating matalino sa gabinete ni PBBM, maliban kay Gibo Teodoro?

Wala po!

-----$$$--

KAPAG matino ang consultant o advisers — makakaligtas sa “blunder” at kapalpakan ang Malacanang.

Nakakalungkot — at kasama tayo sa “nanghihinayang”.

-----$$$--

SA totoo lang, nahahati ang mga maka-Marcos ngayon.

Isang maka-PBBM, at isang maka-Imee.

-----$$$--

MAY ikatlong pangkat ang mga maka-Marcos.

Ito ay ang organic part ng Marcos period — sila ang mga kakontemporaryo o kasabay ni FEM na nagserbisyo sa pamahalaan — mula 1965 hanggang 1985.

-----$$$--

KASAMA sa Marcos Organic ang mga dating kawani at opisyal ng Ministry of Human Settlements (MHS) at Kabataang Barangay.

Sinikap ba ni PBBM at Sen. Imee — na i-reunion man lamang ang mga Marcos Organic?

-----$$$--

NANANATILING iniidolo at minamahal ng Marcos Organic si FEM at Madame Meldy.

Pero, nahati ang mga ito — bilang maka-PBBM at maka-Imee.

Hindi ba’t nakakalungkot?

Nakakapanghinayang!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | November 30, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Magkakaibang pangkat at magkakasalungat ang ideolohiya, motibo at mithiin ng mga magpoprotesta ngayon sa Araw ni Bonifacio.

Nagbabalik ang panahon ng mga propagandista.

---$$$--

KINASTIGO ni Sen. Robin Padilla si Ate Kler (PCO Usec. Claire Castro) kasi’y mistulang palengkera sa pakikipagtutsadahan.

Propaganda kontra propaganda lang ang diskarte — kahit malalayo sa katotohanan!

Kumbaga, may credibility crisis ang mga kumag!

-----$$$--

IYAN din ang reklamo ng kampo ni Sen. Chiz na nagsasabing biktima siya ng isang demolition job.

Pero, sinasangga at naisasalba naman siya ng mga legal expert kaya’t nakakadepensa.

----$$$--

KINATIGAN ang desisyon ng Comelec na pumapabor kay Sen. Chiz, mismo ni retired Supreme Court Justice Adolfo Azcuna.

Ayon kay Azcuna, tama lang na paboran si Escudero ng Comelec dahil walang sapat na ebidensiya na naipresinta ang mga nagreklamo.

-----$$$--

GANOON din naman ang paliwanag mismo ni election lawyer Romulo Macalintal na nagsabing malinaw na hindi lumalabag sa campaign finance rules ang dating Senate president.

Tinukoy ni Macalintal na mahalagang maunawaan ng magkabilang panig ang legal terminologies lalo sa mga corporate codes.

----$$$--

NILINAW naman ni Regal Oliva, isang legal explainer na pangkaraniwang transaksyon ang naging batayan ng reklamo.

Aniya, malinaw na hindi naman nagkaroon ng ilegal na kontribusyon, kaya’t tama lamang ang naging desisyon ng Comelec.

-----$$$--

LUMALABAS ngayon na ang “campaign donation issue” ay bahagi lang ng mas malawak na demolition job laban kay Escudero.

Sinasabing resbak ito kontra kay Escudero dahil inilantad ang mga anomalya sa national budget.

-----$$$--

IBINISTO niya ang mga insertions, mga pagmanipula, at mga iregularidad sa pagbuo ng budget.

Hindi ito nagustuhan ng mga mastermind ng mga kalokohan sa Kongreso.

-----$$$--

SA ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo, siya ang kinukuyog at ginigipit.

Iyan mismo ang nararanasan din ng ex-Marine na si Orly Guteza.

Binabalewala siya ng Blue Ribbon Committee at sinisiraan pa siya.

----$$$--

PERO ayon mismo kay DPWH Sec. Vince Dizon, mahalaga ang testimonya ni Guteza sa kanilang pagrekomenda ng pagsampa ng kaso laban kina Rep. Martin Romualdez at ex-Cong. Zaldy Co.

Iyan din ang karanasan ni Sen. Chiz na idinadawit naman ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

-----$$$--

KAPANSIN-PANSIN na pabago-bago ang testimonya ni Bernardo.

Pero sa huli, tiyak na lalabas din ang katotohanan: Matutukoy kung sino ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng katotohanan.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | November 28, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Itinuturing ng ilang grupo na ang kilos-protesta sa Linggo sa Luneta, na tinawag na “Baha sa Luneta 2.0” o Part 2 — ay isang panlilinlang.

Hindi dapat gamitin dito ang “Part 2” — dahil hindi naman ito inorganisa ng Iglesia ni Cristo na naglunsad ng “mobilization for transparency and accountability.

----$$$--

OPO, ang Nov. 30 protest sa Luneta ay inorganisa ng maka-kaliwang grupo o mga leftist community.

Lipas ang mga isinusulong na “godless ideology” taliwas sa isinusulong ng mga religious group.

----$$$--

ANG delikado rito ay ang pagbubunsod ng pagpapabagsak ng gobyerno — pagtanggal kay PBBM at mismo kay VP Sara, gamit ang marahas na maniobra.

Ibinababala ng ilan na posibleng humiwalay ang ilang pangkat upang dumiretso sa Mendiola kung saan maghahasik ng kaguluhan upang makanakaw ng atensyon ng international press.

----$$$--

ACTUALLY, dalawa ang political rallies sa Linggo -- Bonifacio Day: Isa ang “Trillion Peso March”, at ikalawa ang “Baha sa Luneta 2.0”.Ang “Trillion Peso March Part 2” ay inorganisa ng Trillion Peso March Movement (TPPM) na binubuo ng religious groups ng Catholic Church, civil society at sectoral organizations, at iba pang moderate circles.

----$$$--

ANG “Baha sa Luneta 2.0”, ay kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ng Communist Party of the Philippines (CPP) na may mithiing ibagsak ang pamahalaan.

Kasama rito ang Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) na tutol sa constitutional process of succession.

Pero ito ay binasura nina Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Dumaguete Bishop Julito Cortes.

----$$$--

MISMONG si PBBM ang nagbunyag ng flood control projects scam kung saan nilinaw ni ICI Commissioner Rogelio Singson na aabot sa 1,200 katao ang makakalaboso.

Kaugnay ito ng 80 anomalous flood control projects na pinangalanan mismo ng Pangulo.

---$$$--

DAPAT na maging mapagmatyag ang lahat dahil marami ang sumasawsaw at nagbabalatkayo kaugnay sa isyu ng malawakang corruption sa pamahalaan.

Matuto tayo na unawain ang mga isyu dahil nagsasapawan ng eksena ang mga bida, kontrabida at mga “dakilang extra”.

----$$$--

ISANG muntik nang matabunan ay ang desisyon ng Comelec na nag-absuwelto kay ex-Senate President Chiz Escudero sa isyu ng campaign fund donation.

‘Ika nga ni Heart, SEY CHIZ!

----$$$--

ISANG constitutional body ang Comelec at malinaw na hindi ito nagpadala sa pressure at nagdesisyon nang maayos.

Binusising mabuti ang mga argumento at ebidensya — at natukoy nila na mahina ang ebidensya ng mga nagreklamo.

----$$$---

MAHIRAP paniwalaan na sabay-sabay na nagbigay ng kickback ang 100 contractor kay Sen. Chiz.

Hindi naman kasi siya kaalyado ng Malacañang at isa siyang “independent”.

----$$$--

SA totoo lang, takaw-intriga si Sen. Chiz kasi’y isang showbiz star ang kanyang misis.

Sa gitna ng impeachment issue laban kay VP Sara, nanindigan ang dating Senate president na igalang ang proseso na kinatigan naman ng Korte Suprema.

----$$$--

NOON pang 2023, kinulit niya na magpaliwanag ang mga nasa likod ng National Expenditure Program at General Appropriations Act.

Mula committee hearing hanggang privilege speech, binatikos niya ang pagmamaniobra sa budget.

----$$$--

BISTADO na ang mga mismong bumabatikos sa flood control projects insertion, niresbakan upang ilihis ang isyu tulad sa naranasan ni Escudero.

Kumbaga, gasgas na ang estilong ito dahil imbes na magpaliwanag, rumeresbak ang mga ito gamit ang black propaganda upang patahimikin ang naglalantad ng katiwalian.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page