ni Ka Ambo @Bistado | December 8, 2025

Naisumite na ng mga medical experts ang medical exam results kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May kopya na ng medical report ang mga abogado ni Digong at ang ICC.
-----$$$--
Gayunman, nananatiling confidential ang detalye at hindi pa isasapubliko.
Aantayin pa ang mosyon ng depensa at desisyon ng ICC bago ito maisapubliko.
----$$$--
HINDI nagpapakita sa Senado si Sen. Bato dela Rosa mula nang lumabas ang ulat na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC.
Ayon mismo kay Sen. Bato, ibi-break niya ang record ni Sen. Ping Lacson sa haba at tagal na pagtatago nang makasuhan ito sa Dacer-Corbito case na nang lumaon ay naabsuwelto rin.
-----$$$--
UMIINIT uli ang isyu sa regodon ng P60 bilyong pondo ng PhilHealth.
Basic, hindi dapat “natutulog” ang pondo ng bayan.
Dapat itong agad ginagamit para sa kapakinabangan ng lahat.
----$$$--
LUMITAW kasi ang iba’t ibang haka-haka nang iulat na ibinalik sa National Treasury ang pondo ng PhilHealth.
Nabahala agad ang mga miyembro ng PhilHealth dahil baka umano maapektuhan ang kanilang benepisyo.
---$$$--
NAGDUDUDA rin sila sa proseso ng paglilipat.
Sa totoo lang, hindi ginalaw ang kontribusyon ng PhilHealth members.
----$$$--
ANG naapektuhan dito ang ay government subsidy, ‘yung pondo ng gobyerno na pandagdag lang sana sa operasyon ng PhilHealth.
Pero siyempre, marami pa rin ang tumutol.
-----$$$--
SA aktuwal, nasakop ito ng General Appropriations Act of 2024 mismong mekanismo.
Ito ay para ma-realign ang sobrang pondo ng mga ahensya para sa mas malawak at mas urgent na pangangailangan.
-----$$$--
INIYAYABANG pa ng PhilHealth na mayroon silang P500 bilyong chest fund.
Napalawak pa nila ang mga benepisyo.
----$$$--
SA ngayon, halos doble ang benepisyo para sa biktima ng stroke at pneumonia.
‘Yung breast cancer coverage?
Mula P100,000, naging P1.4 milyon.
-----$$$--
SA generic medicines na covered mula 21, naging 53 klase na ang sakop.
At meron pang Zero Balance Billing para siguradong walang pasyenteng uuwi nang may baong utang.
----$$$--
NANG magdesisyon na ibalik ang P60 billion sa PhilHealth para sa 2026, ito ay dahil nakita nila na nagawa ng PhilHealth na palawakin ang mga benepisyo.
Patunay ito na kaya nilang hawakan ang pondo nang tama.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




