top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | August 26, 2023


NAIIPIT ang mga residente sa pinag-aagawang teritoryo ng Makati at Taguig.

Bakit ayaw nilang igalang ang desisyon ng Korte Suprema?


---$$$---


SA bagay, binubuwenas din ang mga estudyante dahil lumalabas na “dalawang ayuda” ang puwede nilang tanggapin.


Nagdadaigan ang dalawang siyudad sa pag-asiste sa mga estudyante.


---$$$---


MAY jurisprudence na sa naturang isyu pero bakit ginugulo ang sitwasyon.


Malinaw ang desisyon na ang Parcels 3 & 4 of Psu 2031 (na kinabibilangan ng 10 barangay) na nasa Makati City ay nasa legal na hurisdiksyon ng Taguig City.


---$$$---


ISA sa dapat pagbatayan ay ang kasong Camarines Norte vs Province of Quezon.


Niresolba rin noong November 1989 ng SC ang 67-taong territorial dispute.


Idineklara dito na ang 9 na barangay ay nasa hurisdiksyon ng Camarines Norte.


---$$$---


PINATAWAN ng contempt ng SC ang mismong gobernador at mayor.


Nilinaw ng SC na naiintindihan ng 2 opisyal na final and executory decision hinggil sa dispute subalit sinasadya lamang na hindi sundin.


---$$$---


MALINAW din sa desisyon na hindi na tatanggap ang korte ng anumang pleadings, motions, letters o anumang uri ng komunikasyon ukol sa kaso dahil nagkaroon na ng entry of judgment.


Walang ipinalabas na WRIT OF EXECUTION ang SC, bagkus ipinatupad ito nang maayos ang desisyon.


----$$$---


DAPAT nang mag-move-on ang dalawang siyudad at ipatupad ang desisyon ng hukuman.

Malinaw na iniaayos na ng Comelec, PNP at DepEd ang transisyon.


Iyan ay dapat sundan din ng iba pang ahensya.


---$$$---


PINATAY na ang lider ng Wagner na nagrebelde sa Russia.

Nakakakilabot ang mga ulat.


---$$$---


SINALAKAY ang ilang ricemill sa Bulacan.


As usual, inakusahan sila na nagre-repack ng imported rice para ibenta bilang local rice.

Hanggang balita lang ‘yan.


---$$$---


KINUMPIRMA na ang technical recession na nararanasan ng Pilipinas.

Teknikal at aktuwal nang may krisis.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | August 20, 2023



UULIT-ULITIN natin: Iisa ang long-term na solusyon sa kakapusan ng suplay at mataas na presyo ng bigas.


Ito ay ang pagbubungkal gamit ang heavy equipment sa mga panot na bundok at nakatiwangwang na lupain.


---$$$---


ANG mga ekta-ektaryang nakatiwangwang na lupain ay nakamkam o napatituluhan ng mga haciendero at mga korporasyon.


Kapag iyan ay binuwisan ng gobyerno tulad sa Sin Tax at Sugar Tax, mapipilitan ang mga korporasyong ito na bungkalin ang kanilang lupain upang maging plantasyon.


---$$$---


SA idle land tax, tatabo ang gobyerno ng buwis mula sa pinakamayayaman.

Ibig sabihin, hindi tatamaan ng buwis ang mga ordinaryong tao tulad sa sin tax at sugar tax.


---$$$---


BAKIT hindi gumagawa ng batas para sa idle land tax?


Ito ay dahil ang mga korporasyon at mga multi-bilyonaryong nagmamay-ari nito ay siyang “financer o donor” ng campaign fund.

Kitam?


---$$$---


ISANG “Ferdinand E. Marcos, Sr.” lamang ang may kakayahang gumawa at magpatupad ng batas upang buwisan ang mga multi-bilyonaryo.


Kung tumagal naman sa puwesto si Digong, disinsanay nabuwisan niya ang mga tinatawag niyang “oligarko”.


---$$$---


HANGGANG ngayon, tanging si ex-P-Digong lamang ang maikukumpara sa matandang Marcos kung pag-uusapan ang paglaban sa mga multi-bilyonaryo.

Isa rin itong dahilan kung bakit kinukuyog siya ng mga dayuhan.


---$$$---


MARAMING korporasyon kasi ay may sosyo ang mga dayuhan at maraming bilyonaryo ay dummy ng mga multi-bilyonaryong foreign investors.


Pero, hindi iyan ang isyu, bagkus ay kailangang mahimok ng Malacañang ang mga multi-bilyonaryo na maging bahagi ng industriyalisasyon ng agrikultura.


---$$$---



MALINAW na hindi dapat tayo na magalit sa mga multi-bilyonaryo — dayuhan man o hindi, dahil sila ay may kakayahang isalba ang Pilipinas mula sa anumang krisis.

Sa ayaw o sa gusto mo, may krisis na sa agrikultura.


---$$$---


Ang malawakang importasyon ng agri-products ay kongkretong sintomas ng isang seryosong krisis.


Hindi kailanman solusyon sa shortage at high price ang importasyon.

Pansamantala lang iyan, pero iskema sa isang mala-lehitimong korupsyon!


---$$$---


MAAGA pa lamang ay nararamdaman na ang El Niño.

Maliban sa talumpati at boladas, wala namang aktuwal na aktibidad at programa laban sa napipintong tagtuyot.


---$$$---


KUNG kailan dumaranas ng tagtuyot, saka lamang mag-aapura ang publiko at pribadong sektor.


Walang seryosong pagkilos at desisyon laban sa El Niño sa Luzon, Visayas at Mindanao.


---$$$---


ANG wild fire sa Hawaii at sa Europe ay posibleng maranasan sa Pilipinas partikular sa Baguio City.


Pinaghahandaan ba ito ng mga kolokoy?

Hindeee!!!


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | August 18, 2023


NAIS ibasura ang mga Chinese contractor sa Pilipinas.

Huhh, talaga?


---$$$---


KAPAG ibinawal ang mga Chinese contractor sa mga proyekto sa bansa, tipong handang makipagsuntukan ang isang “unano” laban sa isang “higante”.

Hindi lahat ng “tama” ay dapat maganap o ipatupad.


---$$$---


MARAMING “tama” ang ipinipilit ipatupad, pero ang kinauuwian ay kapahamakan.

Dapat ay maging praktikal, imbes na maging “tigas-titi” lang.


---$$$---


HINDI puwedeng “tigas-tigasan” lang.

Sa alinmang away, hindi nananalo ang matapang, ang nagwawagi talaga ay kung sino ang “pinakamalakas”.


---$$$---


BAGAMAN “tama” na ipagbawal ang mga Chinese contractor, pero hindi ito nangangahulugan ng “tagumpay”.

Emosyon lang ‘yan — na karaniwang nagpapahamak sa isang tao.


---$$$---


HINDI rin dapat pinag-uusapan sa publiko o ilantad sa mga tao ang “detalye” ng anumang impormasyong may kaugnayan sa relasyon sa China.

Ang isyu sa “Chinese contractor” ay isang national security concern.


---$$$---


DAPAT ay manahimik ang mga senador at umiwas magyabang.

Ang isyu sa China ay dapat maselan na pinagdidiskusyunan sa isang “executive session” nang hindi naririnig na media.


---$$$---


INAASAHAN na ang pagtaas sa presyo ng petrolyo at bigas.

Walang susulingan si Juan dela Cruz.


---$$$---


ANG solusyon sa supply ng bigas ay ang pagbubungkal ng mga idle lands.

Bakit walang ganyang programa ang gobyerno?


---$$$---


WALANG karanasan bilang “magsasaka” ang mga nagdedesisyon.

Kailangan ng Malacañang ang isang tagapayo na aktuwal na “magsasaka”.


---$$$---


ANG talino ay hindi monopoly ng mga may sangkatutak na diploma.

Ang isang magsasaka ay mas matalino kaysa sa mga may doctorate degree.


---$$$---


ANG mga edukadong tao gamit ang traditional na eskuwelahan ay nanghihiram at nagnanakaw lang ng impormasyon sa mga sinaunang tao.

Posibleng wala silang talino at wisdom.


---$$$---


PERO ang mga lehitimong magsasaka na apo at apo ng mga sinaunang magsasaka ay posibleng mas matalino kaysa sa nakatungtong sa kolehiyo.


Hinahanap nila ang gumawa ng piramide at iba pang sinaunang gusali, pero dapat nilang maunawaan na “walang eskwelahan” noong unang panahon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page