top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | January 5, 2026



Bistado ni Ka Ambo


May sakit daw si Ombudsman Boying.

Peke!


----***---

NAKITA raw sa Europe si Usec. Cabral.

Peke rin.


---***---

SINAKOP ng United States ang Venezuela.

Totoo po.


------***---

HINDI tumalab ang anti-missile radar ng Russia at China vs. US.

Alam na ang winner sa WW3.


---***---

MALINAW ang international law.

The same ng gubat.

Matira ang matibay!


---***---

INUTIL ang United Nations.

Exempted sa regulation ang mga superpower.


------***---

DELIKADO ang Taiwan.

Matutulad sa Venezuela.


---***---

NAGING Saddam Hussein si Nicolas Maduro.

Matutuhog din.


---***---

LUMUTANG na ang missing bride.

Hinahanap pa ang missing link.


---***--

TAPOS na ang Christmas.

Ere na ang calvary.


---***--

YEAR of the Horse ngayon.

Sinu-sino kaya ang massive sa gobyerno?


--***--

MAY diperensya ang naging best actress.

Nagreklamo ang mga normal.


---***---

IKAKASA ang Pacquiao vs Mayweather 2.

Bilyun-bilyon ang kobranza.


---***---

MABABA sa survey si PBBM.

Magkano?


---***--

HINDI masusugpo ang fake news.

Panahon pa ng biblical time ‘yan.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | December 29, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Papasok na ang taong 2026, at sinalubong ito ng malagim na pagyao ni ex-DPWH Usec. Cathy Cabral.

Bad omen.


-----$$$--

DAPAT nating maunawaan na ang 2026 ay buwelo mismo sa 2027—ang aktuwal na kampanyahan para sa 2028 presidential election.

Ibig sabihin, sasakyan na ang lahat ng isyu ng mga nagpapantasya na makaupo sa Malacañang.


----$$$--


WALANG  duda, hindi matatapos ang kaliwa’t kanang isyu sa flood control projects, insertion sa budget, at ang misteryosong pagpanaw ni Cabral.

Tama, sasawsaw d’yan ang mga “presidentiable kuno”. 


-----$$$--

MARAMI ang namangha sa gitna ng masalimuot na isyu ay biglang sumungaw ang ulat na pumuporma mismo si DILG Secretary Jonvic Remulla para sa 2028 election.

Kaya pala pilit ginigiba si Chiz.

Sa isang interview sa ANC, sinabi ni Jonvic na pinag-iisipan niya ang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na eleksyon.

He-he-he!


-----$$$--

Hindi malinaw pero may mga nagsasabing mistulang “litmus paper” ang mga sitwasyon para sa lihim na ambisyon ng kapatid ni Ombudsman Boying Remulla.

Kumbaga, tinatantiya at binabarometro lamang ang damdamin at reaksyon ng publiko.

Walang masama, libre naman ang mangarap, magpantasya at magmaniobra nang lihim.


-----$$$--

SA naturang panayam, kinaladkad pa ni Jonvic ang pangalan ni Sen. Chiz Escudero bilang isang posibleng kandidato.

Kumbaga, nasisilip nito na ang posibleng makabangga niya ay ang mister ni Heart Evangelista.

Merong ganun?


-----$$$--

KUMBAGA sa epektos, branded na kasi ang pangalan ni Chiz kaya rito siya sumasakay.

Itinuturing ba ni Jonvic na threat si Chiz o gusto lang talaga niyang wasakin ang reputasyon ng senador?


-----$$$---

MASELAN ang sitwasyon dahil mabibisto nang hindi sinasadya ang malisya o motibo kung bakit ibinabaon ni Boying si Chiz sa isyu ng insertion.

Nilinaw ng ICI na hearsay lang ang mga akusasyon kontra kay Chiz pero nagpupursige pa rin si Boying na maghagilap pa ng mga ebidensiya.


----$$$--

Ang maniobra ng Remulla Brothers ay hindi nalalayo sa diskarte ni ex-Speaker Martin Romualdez laban kay VP Sara.

Pero, malinaw na nag-boomerang ang naturang taktika—napahamak ang ex-speaker at nanatili pa ring popular ang tagapagmana ni Digong.


-----$$$--

PURDOY ang tangkang impeachment kontra kay VP Sara na kinatigan pa ng Korte Suprema.

Ganyan din ang nangyari, nanindigan ang ICI para kay Chiz pero dinededma lang ito ng Ombudsman.


-----$$$--

BAKIT ayaw tugisin o hanapan ng matitibay na ebidensiya ng Ombudsman  si Romualdez?

Kahit ang ICI at DPWH ay nagsasabi na may ebidensiya sila kontra sa dating speaker.


-----$$$--

SA totoo lang, dapat ay maging patas, independent at walang pinapanigan ang Ombudsman partikular sa isyu ng insertion at flood control projects.

At kung magagawa ni Boying ‘yan, d’yan pa lamang niya matutulungan ang kanyang kapatid sa personal nitong ambisyon imbes sa pagsira sa mga kalaban sa pulitika.

Entiendes?




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | December 22, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Pinagdududahan ang pagkamatay ni ex-DPWH Usec. Catalina Cabral.

Hinahanap naman ang nawawalang “bride” sa Quezon City.

Wala bang kaugnayan ang “dalawang kaso”?

 

----$$$--

MAY ulat na aaarestuhin na si Sen. Bato.

Hindi siya dapat magtambay at magpa-selfie sa bingit ng bangin.

 

----$$$--

IBINUNYAG na ng ICC ang resulta ng medical exam kay Digong.

Kung tayo ang titingin, ang sintomas na natuklasan ay maituturing na “Mild Cognitive Impairment (MCI)”.

Kayo na ang mag-search kung ano ang “MCI”.

Makipag-debate kayo sa Copilot, Meta AI at ChatGPT.

 

-----$$$---

SUNUD-SUNOD ang mga yumayaong “personalidad” ngayong Kapaskuhan.

Ang “suspek” ay mismong higit sa P500 na pang-Noche Buena.

 

-----$$$--

MAY lihim na “frat war” sa likod ng flood control at insertion scandal.

Ho! Ho! Ho!

 

----$$$--

BUMUBUWELO na ang US sa pagkubkob sa Venezuela.

Naka-ready na rin ang Russia.

 

-----$$$--

TALIWAS sa Pilipinas na puro “ngakngak” lang—preparado ang Taiwan , Vietnam at Japan laban sa China.

Hindi sila pumapayag na “bombahin” ng tubig ang kanilang mga mangingisda.

 

-----$$$--

HINDI ba puwedeng kapag binomba ka ng tubig, ay bombahin mo rin ng tubig ang Chinese coast guards?

Ilang ulit nang binombomba ng tubig at sinasaktan ang mga mamamayan sa WPS, pero “laway” pa rin ang iginaganti ng Pilipinas.

Sabagay, ere nga pa lang “laway” ay “tubig” din.

Kapag nag-level up ang Pinoy—“dura” naman ang iresbak.

Ha-Ha-Ha!

 

-----$$$--

SA kasaysayan ng Pilipinas, katapangan at pagbubuwis ng buhay para sa soberanya ang ipinamamalas ng mga Pinoy.

Pero ngayon, “dakdak, ngakngak, reklamo”.

Tapang ba ang tawag d’yan o  kaduwagan?Ang pagigiging “martir” ang tunay na dumidilig sa “soberanya”—hindi propaganda at ingay!

 

-----$$$--

PINASABOG ang ilang watercraft ng China na pumapasok sa karagatan ng Malaysiya at Indonesia.

Mula noon, hindi na sila dinuduro-duro!

 

---$$$--

DALAWANG klase lang ng tao ang paboritong biktima ng mga nambubully.

Una, ang mga likas na duwag.

Ikalawa, ang mga takot na isakripisyo ang buhay para sa inang bayan!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page