top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 18, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Malilinaw ang mga ebidensya ng katiwalian sa DPWH, DepEd, DOH at maging sa Bureau of Customs.


Kahit ang mga transaksyon sa AFP, PNP, Department of Agriculture, DSWD, Department of Energy, DENR, BIR, LTO, LTFRB at iba pang kagawaran — ay nangangailangan ng ibayong imbestigasyon.


-----$$$--


ACROSS-ALL-DEPARTMENT ang katiwalian — at siyempre, hindi nakaligtas ang lehislatura — at of-course — ang Malacanang.

Ngayon lang ba nagaganap ‘yan?


Hindi po, kakambal na iyan ng burukrasya.


---$$$--


SA totoo lang, hindi makakaiwas mismo ang Duterte administration sa kaliwa’t kanang alingasngas.


Pero, dapat nating maunawaan — na ganyan din ang sitwasyon sa PNoy administration na nakilala ang DAP; at maging sa PGMA administration na nakilala ang PDAF, CDF at ZTE deal.


----$$$--


ANG administrasyong Erap ay gumuho dahil sa katiwalian pero ang Ramos administration ay sinisisi rin sa malawakang bentahan ng government assets gaya ng military bases at Manila Bay reclamation area na kinaroroonan ng MOA at Ayalas, at iba pa.


Lalong hindi makakaligtas ang Tita Cory administration sa malawakang sikwatan dahil sa “transition period” mula sa Marcos Sr. administration.


-----$$$--


INIYAYABANG na batbat ng corruption ang administrasyong Marcos Sr. — at tanging solusyon umano — ay magpalit ng gobyerno.


Matagal nang wala sa poder si Marcos Sr., pero hindi naresolba ang katiwalian — bagkus ay naging grabe pa ngayon, nang todo at LANTARANG pandarambong gamit ang amendment, insertion at unprogrammed fund sa annual budget.


----$$$---


WALANG silbi ang mga constitutional bodies na naatasang magbantay sa maayos na

pangangasiwa sa gobyerno.


‘Promotor’ dito at ‘kunsintidor’ ang COA, Ombudsman at Civil Service Commission.


----$$$--


NAKIKIPAGKUTSABA siguro ang mga auditor at mas malamang ay kaparte sa kulimbat.

Iyan din ang alegasyon sa Ombudsman na pinagbibintangan ding kunsintidor.


----$$$--


TAMAD naman, hindi kuwalipikado at iresponsable ang CSC dahil walang kakayahan itong iangat ang kalidad ng serbisyo sa hanay ng mga career executive at maging mga rank-and-file.

Batbat ng corruption sa lahat ng antas ng burukrasya — national, regional, provincial, city, municipality hanggang sa barangay.


----$$$--


Tumatakas at iresponsable ang CSC sa kanilang trabaho dahil mistulang “tamemeng ahensya” ito na simpleng administratibo lang ang ginagawa — imbes na serye ng mga programang magmumulat sa career executive at rank-and-file na iangat ang kalidad ng serbisyo-publiko.


‘Nababoy’ na nang todo ang serbisyo-publiko — at dapat sisihin dito ang CSC — dahil sa kapabayaan!


---$$$--


NAKAPAGTATAKANG sa serye ng mga pagdinig sa Kongreso kaugnay ng garapalang katiwalian sa burukrasya — hindi naririnig ang opinyon, panig at komento ng CSC.

Ibig sabihin, “walang patol” ang CSC — na isang kahihiyan at kamangmangan sa larangan ng lehislatura.


-----$$$--


PAANO mababago ang serbisyo-publiko nang hindi isasali sa usapan ang CSC?

Hindi ba’t sandamukal na kabulastugan ‘yan sa larangan ng public administration?


Iyan mismo ang ugat at dahilan kung bakit patuloy ang kapalpakan sa ating pamahalaan — katamaran at kamangmangan!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 17, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Kumakalat ang influenza.

Hindi na kayo nasanay!

----$$$---

Immune system ang susi upang hindi tablan ng influenza.

Kapag maayos ang immune system, kahit dapuan ka ng flu, mabilis ito gagaling.

----$$$--

LIBRE lang at walang gaanong gastos ang pagpapalakas ng immune system.

Una, huwag magpuyat o aktuwal na umiwas na magbabad sa gadgets nang hanggang hatinggabi o ubusin ang oras sa Facebook at YouTube.

----$$$--

MARAMI ang tinatamaan ng influenza ngayon — dahil mayorya ng mga Pinoy ay mahina ang immune system dahil kaka-FB.

Ang Facebook at YouTube — ang tunay na sanhi ng epidemya ng flu, sa akin lang.

-----$$$--

MAMAHINGA hanggang kaya upang mapalakas ang immune system.

Gayundin, kapag gadgets ka nang gadgets, hihina ang immune system dahil malilimutan mong kumain nang maayos at hindi ka maglalakad, bagkus ay magdamag kang nakaupo o nakahilata.

-----$$$--

KAPAG nakababad ka sa screen, sasakit ang batok mo at maging ang balikat — sapagkat puwersado ang iyong daliri.

Mapapagod din ang iyong mga mata at irritable ka ‘pag may kumausap sa iyo — kaya’t magiging tamad ka rin na maglinis ng bahay o kahit maligo — ay hindi mo na bibigyan ng prayoridad.

-----$$$--

NORMAL lang ang pagkalat ng influenza tuwing magpapalit ng panahon — lamig, init, ulan, alinsangan.

Ang hindi normal ay ang sobrang paggamit ng cellphone — at iyan ang magpapahina ng iyong immune system.

-----$$$--

BUKOD sa iwas-puyat at iwas-pagod, dapat ding kumain ng masusustansiyang pagkain.

Imbes kasi na ibili ng maayos na pagkain, titipirin ang badyet upang makabili ng load.

-----$$$--

SA lugar ng mga nagdarahop, kakarampot lang ng kanilang “cash” pero ang prayoridad nila ay mag-Facebook upang malimutan ang gutom.

Aktuwal na nalilimutang kumain at mamahinga kaya’t bagsak-papag o biglang tulog — nang nalalaglag pa ang cellphone nang hindi namamalayan dahil biglang idlip o pagkatulog.

----$$$--

ANG pagkaadik sa cellphone o social media — ang tunay na “epidemya” — hindi ang trangkaso o influenza.

May gamot kontra sa flu, pero ang walang gamot sa pagkakaadik sa paggamit ng cellphone.

-----$$$--

KAILANGAN din ang ehersisyo — maglakad o tumakbo pero dahil adik sa cellphone hindi na lumalabas ng bahay ang mga “sosyal na adik” sa social media.

Libre lang ang gamot — simpleng disiplina.

-----$$$--

ANG pagkain ng gulay at prutas ay nagpapalakas ng resistensya at immune system.

Mababa lang ang halaga ng gulay at prutas — pero kapag ang konting cash — ay inubos sa pagbili ng load — “magkakasya” na lang sa patis, toyo, bagoong at asin ang mga tao — kaya mabilis na tatamaan ng influenza.

-----$$$--

KAHIT mamigay ang gobyerno ng libreng gamot — hindi rin mareresolba ang pagkalat ng influenza — dahil ang immune system ng mga tao ay dispalinghado.

Mas dapat ay gumawa ng mga social activities ang gobyerno tulad ng cultural programs, sports activities at skills training program sa lahat ng sector — nanay, tatay, estudyante, obrero at maging sa mga professionals.

----$$$--

ANG epekto ng teknolohiya ay nagbubunsod ng aktuwal na sakit o epidemya.

Nalilimutan ng mga eksperto — ang kahalagahan ng kultura, sosyal at humanity.

Maunawaan sana ito ng lahat!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 16, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Nagpakita na si ex-Speaker FM Romualdez sa ICI.

Ganu’n lang, wala lang.


----$$$--


USAD-PAGONG ang imbestigasyon sa multi-bilyong pisong anomaly.

Alam na ninyo ang magiging resulta.


----$$$--


ERENG ordinaryong kaso, eh, hindi matapos-tapos, eto pa kayang ang ‘mastermind’ — ay sila-sila rin, mahatulan agad?

Sintido-kumon ang sasagot: Waley!


----$$$---


MATAPOS marahas na mapatalsik ang strongman ng Nepal at Madagascar — nang “walang kaso-kaso” sa korte, alin bansa kaya ang susunod?Bahala na ang “GEN Z” na sumagot d’yan!


----$$$---


ISANG pambihirang bulalakaw ang hindi maipaliwanag ng siyensiya at batikang siyentista.

Bago nila matukoy kung ano ito, baka nandito na sa daigdig — ang mga ALIEN.


----$$$--


KAPAG napasok ang earth ng mga alien, iisa lang ang dapat sisihin at siya ay nasa Pilipinas.

Kasi raw ay kinumbida sila ng isang Pinoy.

Makiki-birthday sila kay Brad Pete.

Alien! Alien! Alien!


----$$$---


NAG-IMBENTARYO ang Malolos City ng mga kaduda-dudang flood control projects.

Hindi ba ito susundan ng ibang bayan sa Bulacan at iba pang lugar?


-----$$$---


IBINUNYAG ni VP Sara Duterte na sabit si ex-Rep. Zaldy Co sa laptop purchase scam sa DepEd.

Siya ba ay aakto ring resource person at state witness?


-----$$$---


Binasted ng ICC ang prosekyutor matapos iprotesta ng kampo ni Digong.

Kahit paano, nakaresbak at nakaiskor din ang mga Duterte.

Parang laro sa bola, nagpapalitan ng iskor sa pambobola.


-----$$$---


DAMANG-DAMA ang krisis sa ekonomiya.

‘Yan ang magtutulak ng walang patumanggang protesta.


-----$$$---


BUBUWISAN daw ang mga online personality.

Huh, ‘yan mismo ang nagpaguho ng gobyerno sa Nepal.


-----$$$---


ANO daw ang ipinahihiwatig ng misteryosong bulalakaw na papalapit sa earth?

Ayon sa matatanda, dambuhalang pagbabago ang magaganap — maraming gobyerno ang guguho nang biglaan at hindi inaasahan.

Huh, kasama ba r’yan ang ‘Pinas?



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page