top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | May 17, 2021




Sandamakmak ang espekulasyon ng mga netizens sa pag-alis ng K-pop star at Pambansang Krung-Krung ng ‘Pinas na si Sandara Park sa kanyang talent management na YG Entertainment, Inc. sa South Korea.


Isa sa mga hinala ng mga netizens na dahilan ng pag-alis ni Sandara sa kanyang talent agency ay buntis daw ang former member ng K-pop group na 2NE1.


“Siguro buntis,” comment ng isang netizen.


Naglabas ng official statement ang YG Entertainment Inc. sa kanilang website tungkol sa pag-alis ni Sandara sa kumpanya.


“We are writing this to inform you that our exclusive contract with Sandara Park has expired.

“We would like to sincerely thank Sandara Park, who has been with us for 17 years, for her faith and trust in us during that time. YG will always support her endeavors and will continue to help her as she prepares for her new start. Please show a lot of interest and support to her so she can shine with even more positive energy. Thank you again for loving YG Entertainment’s artist, Sandara Park, this whole time,” saad ng official announcement ng YG Entertainment, Inc..

Nai-reveal tuloy na nakakontrata na pala si Sandara sa YG during the time na sumali siya sa Star Circle Quest noong 2004.


After three years, umalis ng ‘Pinas si Sandara at nagpunta sa South Korea. Doon ay napasama at nakilala siya bilang member ng 2NE1 as Dara.


Tinawanan naman ng isa pang netizen ang duda na buntis si Sandara.

“Hahaha, bakla ka, haha sana nga! Ginawa mong Pinoy culture, ano next? Lilipad sa US at du’n manganganak? Hahaha.”


Reply naman ng isa pang netizen, “Huh? Don’t think so since wala naman siyang ina-announce na may partner na s’ya.”


Hinala rin nila na baka magpapakasal na si Sandara.


Komento pa ng mga netizens…


“Kasi ikakasal na s’ya this year?”


“Kanino, baks?”


“Late 30s ang marrying age ng mga Korean stars lalo na ‘pag sikat.”


‘Kaaliw din ang naging usapan ng mga netizens kung sino ang boyfriend ni Sandara.


“Sino kaya ang boyfriend n’ya, ‘no? Lol, naku-curious ako kasi she is old enough naman to get married maski mukhang nasa 20s pa.”


“Ibahin mo ‘yan sa Pinoy celebs. Hindi sila masyadong nagpa-publicize ng personal relationship nila kaya ‘wag kang ano.”


Some serious assumptions naman ng ibang netizens sa pag-alis ni Sandara sa YG, “Thank God. It’s better to find other company who treats her better.”


“Support her steps like YG doesn't even promote her gigs, they are the one neglecting her.”


“Leaving the company as an artist, pero may stocks s’ya sa YG. So, gusto niya lang more freedom to do what she wants. Feel ko talaga, this year, malalaman na namin sino ang jowa niya.”


So, kayo na ang bahala kung alin sa mga duda nila ang true.

 
 

ni Lolet Abania | December 8, 2020




Nagpositibo sa COVID-19 test ang K-pop idol at singer na si Chungha, dating member ng I.O.I. Ito ang kinumpirma ng agency ni Chungha tungkol sa kalagayan ng K-pop star.


"Chungha recently found out that she had come into contact with a confirmed case and voluntarily got tested. On the morning of December 7, the test results came out positive," ayon sa statement ng MNH Entertainment na inilabas din ng Korean entertainment site na Soompi.


Sa ngayon, naka-self-quarantine na si Chungha at nagpapagaling. Nag-isolate naman ang lahat ng kanyang nakasalamuha, kabilang na ang girl group na Twice kung saan nagkaroon ng direct contact sa kanya si Sana na miyembro nito.


Sumailalim na rin sa COVID-19 test ang girl group na Twice at lahat ng naging close contact ng K-pop star. Lahat ng nakaiskedyul na events ng singer ay postponed muna, pati na ang pag-release ng kanyang first full album na Querencia sa January 2021.


"Chungha halted all of her activities and immediately entered self-quarantine, and she is taking the necessary measures instructed by health authorities," sabi pa ng MNH, ayon sa translation ng Soompi.


"I'm leaving this post in case you get too worried if I don't say anything. I'm sorry and sorry again. I tried to be careful, but I guess it wasn't enough," sey ni Chungha.


"I'll return again and promote in good health!" dagdag ng K-pop star.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page