top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
BINI x ENHYPEN / TikTok

Nakipag-collaborate ang Filipino girl group na BINI sa K-Pop boy group na ENHYPEN sa Los Angeles. Nitong Lunes, nag-post ang ENHYPEN ng video sa TikTok na nagpapakita ng mga miyembro na sina Jay, Heeseung, at Sunoo na sumasayaw sa kanilang kanta na “XO (Only If You Say Yes)” kasama ang mga miyembro ng BINI na sina Colet, Stacey, at Sheena.


“X O in LA (with #BINI) #Colet #Stacey #Sheena #SUNOO #JAY #HEESEUNG #ENHYPEN_XO #OnlyIfYouSayYes #ENHYPEN @bini_ph,” saad sa description ng video. Habang isinusulat ang balitang ito, nakakuha na ang TikTok video ng 13 milyong views, higit sa 2.9 milyong likes, at higit sa 117,000 comments.


Kilala sina Colet at Sheena bilang mga ENGENES (ENHYPEN fans), kaya naman masaya ang mga Blooms (BINI fans) para kay Sheena na nakakuha ng signed album at photocard mula sa ENHYPEN. Parehong nag-perform ang ENHYPEN at BINI sa KCON LA 2024 sa Los Angeles noong Hulyo 27.


Itinanghal ng BINI ang “Cherry on Top” sa “M Countdown” preshow ng KCON LA sa Crypto.com Arena. Nag-headline naman ang ENHYPEN sa “M Countdown” main show kasama ang g.o.d, Jo Yuri, ME:I, NMIXX, at TWS.

 
 

ni Eli San Miguel @K-BUzz | July 23, 2024



Showbiz Photo
Photo: BLACKPINK

Nakatakdang magkaroon ng comeback at world tour sa taong 2025 ang K-Pop girl group na BLACKPINK. Inanunsiyo ng founder at executive producer ng YG Entertainment na si Yang Hyun-suk ang magandang balita sa isang YouTube video.


"I can't say we have specific plans yet, but I think a lot of artists will be active simultaneously. There will be a highly anticipated comeback from BLACKPINK and it will also be the year BLACKPINK starts their world tour," ani Hyun Suk.


Matatandaang noong 2022 pa ang huling music project ng BLACKPINK bilang grupo, kung saan inilabas nila ang kanilang ikalawang studio album na "Born Pink."


Nag-renew ang BLACKPINK ng kanilang mga kontrata para sa grupo kasama ang YG Entertainment noong Disyembre 2023. Nagdaos naman ang grupo ng isang two-night concert sa Pilipinas noong Marso 2023 bilang bahagi ng kanilang "Born Pink" world tour.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 22, 2024




News

Inanunsiyo ng YG Entertainment founder na si Yang Hyun-suk na magbabalik ang K-Pop girl group na 2NE1 sa music scene sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang concert.


Agad na dinumog ng mga fans ang announcement post sa Facebook, na ngayo'y may higit sa 700,000 reactions matapos lamang ang labing-tatlong oras. Ipinost ng YG Entertainment ang isang larawan ng 2NE1 sa Facebook at isinulat na, “WELCOME BACK, 2NE1.”


Ipinost din ni Sandara Park ang parehong larawan sa Instagram na may caption na: “What’s up We’re 2NE1. WELCOME BACK, #BLACKJACKS #2NE1 #투애니원 #YG #WELCOME_BACK.” Hindi mapigilan ng mga fans ang kanilang excitement dahil isa itong napakagandang balita para sa grupong binubuo nina Sandara Park, CL, Park Bom, at Minzy, na pitong taon nang disbanded.


Noong Hunyo 27, matatandaang inanunsiyo ni Yang Hyun-suk sa YouTube ang plano para sa 2NE1 matapos ang kanyang pagpupulong kasama ang apat na miyembro. “Today, I have some very exciting news. The first girl group YG announced. The first successful YG girl group was 2NE1,” aniya.


“The members of 2NE1 informed me that they'd like to hold a concert commemorating their 15th anniversary. So we caught up and happily discussed, making it all happen within this year,” dagdag pa niya. Inihayag naman ni Yang Hyun-suk na ang concert ng 2NE1 sa Seoul ay gaganapin sa pagsisimula ng Oktubre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page