top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 19, 2024


Showbiz News
Photo: Bing Loyzaga / IG

Engaged na ang bunsong anak nina Bing Loyzaga at Janno Gibbs na si Gabriella sa long-time partner niyang si Marga Bermudez. 


Nag-propose si Marga kay Gabs habang sila ay nasa skiing trip. Masayang bumati naman sa kanila ang ilan sa kanilang showbiz friends tulad nina Nadine Lustre, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Gabbi Garcia, Liz Uy, Andi Eigenmann at Leila Alcasid. 


Naging inspirasyon ng LGBT+ community sina Gabs at Marga. Nabansagan man silang ‘Queer Couple’, pinatunayan naman nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. 

Very supportive naman sina Bing at Janno sa love life ng kanilang bunsong anak. Nakikita nilang masaya si Gabs sa kanyang relasyon, at hindi nila hahadlangan ang anumang plano nina Gabs at Marga sa kanilang future. 


Well, tunay na masuwerte ang mga anak na suportado ng mga magulang ang kanilang choice sa magiging partner in life.



Hindi raw totoo ang umuugong na balita na tatlong buwan na lang ang itatagal sa ere ng game show na Wil To Win (WTW) ni Willie Revillame dahil mababa raw ang ratings at walang commercials na pumapasok. 


Pero, mismong ang Media Quest ng TV5 ang nagsabi na walang katotohanan ang balitang ititigil na ang WTW. Maging si Willie ay hindi rin basta makakapayag na matigil ang kanyang show. Co-producer siya ng WTW, kaya ginagawa ni Willie ang lahat upang magustuhan ng mga viewers ang show. 


Well, tatlong taon ang kontrata ng WTW sa TV5, at hindi naman ito basta ititigil dahil maraming viewers at patuloy na namamahagi ng malalaking premyo sa mga nananalo sa mga games. 


Si Willie Revillame ang tipo ng tao na hindi basta-basta sumusuko sa laban. Mas nagsisilbing challenge sa kanya ang mga pagsubok na dumarating.



Hindi naman maitago ni Ogie Alcasid ang kanyang sama ng loob sa panganay na anak na si Leila dahil sa ginawa nitong pakikipag-live-in sa boyfriend na si Mito Fabie a.k.a. Curtismith. 


Si Leila ay anak ni Ogie sa ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren. Dinamdam ni Ogie ang desisyon ng anak na magsama na sa isang bubong. Ni hindi man lang daw ipinaalam ng mga ito ang kanilang plano na mag-live-in. 


Ganunpaman, dahil pareho nang adult ang anak na si Leila at ang nobyo nito, tanggap na ni Ogie ang lahat. Sakali raw na magkaroon ng problema si Leila at gustong bumalik sa kanila ay tatanggapin pa rin niya.


Malungkot man na nawalay sa kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice, walang choice si Ruffa Gutierrez kundi masanay na hindi niya madalas kasama ang mga anak. 


Parehong sa USA na mag-aaral sina Lorin at Venice. Sa Los Angeles, California nag-enroll si Lorin, at si Venice naman ay sa isang unibersidad sa Texas. 


Hindi nga namalayan ni Ruffa ang mabilis na paglipas ng panahon. Talagang miss na miss niya ang kanyang mga anak, ngunit dapat na raw maging independent sa buhay ang mga ito. 


Parehong matalino sina Lorin at Venice, kaya malaki ang tiwala ni Ruffa na makakapag-adjust sila sa buhay sa USA. 


Samantala, marami namang pinagkakaabalahan dito sa Pilipinas si Ruffa upang hindi niya maramdaman ang lungkot at pangungulila sa mga anak. 


Binilinan niya si Lorin na dalawin ang kapatid na si Venice sa Texas kapag may libreng oras. Nangako rin siyang madalas na tatawag sa mga anak upang alamin ang kanilang kalagayan. 


Proud si Ruffa na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang single mom.




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 18, 2024


Showbiz News
Photo: Mariel Padilla / IG

Tila nagpasaring si Mariel Rodriguez Padilla sa kanyang latest Facebook (FB) post bilang panuya sa mga bumabatikos sa naging pahayag ng kanyang mister na si Sen. Robin Padilla tungkol sa sexual rights ng mister sa kanyang misis. 


Naging mainit na usapan ang mga sinabi ni Sen. Robin tungkol sa sexual urge na kailangang i-release sa misis. Kaya nasabit din sa usapan si Mariel bilang misis nito.


Bilang reaksiyon, ipinost ni Mariel ang picture nila ni Sen. Robin habang nagki-kiss sa lips na may caption, “Oh, may consent ‘yan, ah.” 


Nag-comment sa FB post ni Mariel si Sen. Robin, “Hello babe, I’m in heat (fire emoji).” 


At “naglandian” na ang mag-asawa sa social media na parang nang-aasar pa sa mga bashers nila sa reply ni Mariel sa comment ni Sen. Robin. 


Sey ni Mariel, “Robin Padilla it’s a tie… I’m feeling hot hot hot (dancing emoji).”


True enough, todo-react ang mga netizens sa palitan ng comment-reply ng mag-asawa. 


“‘Yung picture, walang problema, pero ‘yang ‘in heat’ comment n’yo??? Dito pa talaga kayo naglampungan.”


“Female animal ka ata, since in heat ka.”


“Aso sa aso.”


“Proud pa ‘yan s’ya.”


“You really go that low (clapping emoji).”


“Ohhh, she’s trying to be funny.”


Wala raw respeto ang mag-asawa sa mga biktima ng marital rape and sexual abuse. 


“Very disrespectful to all the victims of marital rape and sexual abuse within the confinement of one’s home. Disgusting. Well, what do we expect from these moronic enablers? Kawawang Pilipinas.”


“Disappointed. But not surprised.”


“Making fun and joking about sexual consent is so distasteful. Just, no.”


May nagpasok din ng pangalan ni Rosanna Roces sa comment section ng FB post ni Mariel Rodriguez.


Showbiz Photo
Photo: Rosanna Roces / IG - Robin Padilla / FB

“Robin Padilla I’m in heat ka d’yan, eh, tuod ka nga raw sa kama, sabi ni Rosanna Roces.”



Na-meet namin for the first time ang aspiring child star na si Lyra Tayler kasama ang kanyang ina na si Ms. Efi Parker. 


ree

Gustong mag-artista ni Lyra na may hawig sa dating child star na si Julie Vega. 


Alam ni Lyra ang kanta ni Julie Vega na Somewhere In My Past, pero may hawig din si Lyra sa anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Amila Sabile. 


Puwedeng gumanap si Lyra bilang anak ni Angelica sa pelikula at telebisyon.


Nandito sa Pilipinas ang four-year-old Fil-Brit na si Lyra and her mom for a vacation, at the same time, maipakita na rin ang interes ng bata at talent ni Lyra in performing. 


Bukod doon, gusto rin ni Ms. Efi na makita ni Lyra ang hitsura ng bayang sinilangan ng kanyang ina rito sa Pilipinas, ang Dumaguete City sa Negros Oriental.


Si Ms. Efi ay isang Fil-American na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. Nag-aral at nagtapos sa kursong Mass Communication sa Silliman University sa Dumaguete. 


Nagtrabaho agad si Ms. Efi sa Maynila right after magtapos sa kolehiyo bilang call-center agent at nag-hosting sa isang radio show sa kanyang hometown bago nagtrabaho sa print media.


Hanggang nakakuha siya ng journalism certificate sa University of California, Los Angeles sa Amerika. Dito, nagtrabaho siya sa LA KIZ TV para sa mga kababayan nating Pinoy sa US, kung saan nakatrabaho niya si G Toengi. 


Sa Los Angeles, USA rin niya nakilala ang ama ni Lyra na isang British.


Sa US nadestino ang asawa niya, na hindi puwedeng banggitin ang pangalan dahil sa British government nagtatrabaho ang ama ni Lyra.


“Sumama ako sa dad ng anak ko sa England when I had her already,” natatawang sabi ni Ms. Efi. 


“So, made in America and delivered in the UK si Lyra. Ipinanganak si Lyra noong January 2020 at nag-lockdown noong March that year,”  dagdag pa niya.


Agad na nagpunta sa US Embassy sa UK si Ms. Efi at ipina-register si Lyra bilang US citizen. Pero by blood, British and Filipino si Lyra. 


End of August ay babalik na si Lyra and her mom sa UK. May pasok na raw kasi sa school si Lyra sa September.


Dahil may school, keri na raw si Lyra para sa mga print ad commercial shoot. Lilipad daw sila ng Pilipinas mula UK para rito. 


“Okey naman s’ya (Lyra) palipad-lipad. Natutulog lang siya all throughout ng biyahe (sa airplane),” esplika ni Ms. Efi. Magpapa-accommodate raw sila sa mga gustong kumuha kay Lyra. 


At a very young age, Lyra can speak in English, Tagalog, and Cebuano. In-insist daw ni Ms. Efi na matutong magsalita ng Tagalog si Lyra. Kaya walang problema sa pagde-deliver ng dialogue si Lyra kapag tuluyan na siyang nag-artista rito sa Pilipinas. 


Maaaring makipag-coordinate sa manager ni Lyra Tayler na si Phillip Ababon Rojas sa mga interesado na kunin ang bagong child wonder sa mga proyekto.




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 17, 2024


Showbiz News
Photo: Robin Padilla / IG

Nag-trending sa X (dating Twitter) ang celebrity couple na sina Sen. Robin Padilla at Mariel Padilla dahil sa pinakawalang statement ni Sen. Robin tungkol sa marital sex.


Pahayag ni Sen. Robin, “‘Di mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniniwala—lalo kami, ako—meron kang sexual rights sa asawa mo, eh. So halimbawa, ‘di mo naman pinipili, eh, kung kailan ka ‘yung in heat. Paano ‘yun ‘pag ayaw ng asawa mo, so wala pong ibang paraan talaga kung para maano ‘yung lalaki?


“So, paano ‘yun, mambababae ka na lang ba? Di kaso na naman ‘yun... Wala ka sa mood, paano ako, nasa mood?


“Sasang-ayon naman sa ‘kin ang mga taumbayan ‘pag sinabi kong may iba talagang urge ang mga lalaki. Paano ‘yun, ‘and’yan ang asawa mo to serve you, ayaw n’ya. Ano’ng puwede kong—para hindi ako mareklamo ng asawa ko—ano’ng puwede kong sabihin sa kanya?”

Tinuligsa si Sen. Robin nina Atty. Lorna Kapunan at Chel Diokno.


Say ni Atty. Lorna, “Kailangan po ng counseling o magdasal na lang kaya, manood po kayo ng Netflix, Korean telenovela. That’s why it’s important ‘yung issue ng mutual respect.


“If your spouse refuses, whether valid or hindi, respetuhin natin ‘yung desisyon ng wife or nu’ng husband in that case. ‘Yung statement ng chair, with all due respect, hindi po obligasyon ng isang wife, sabi mo, is to serve the husband. Idadagdag ko lang ‘no kasi maraming lalaking nakikinig, we amended the Family Code to remove the obligation of obedience, mutual respect na ngayon.”


Nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Atty. Chel Diokno sa pahayag ni Sen. Robin.

“Husbands do not have ‘sexual rights’ over their wives. Lahat ng kababaihan ay may pantay na pagkatao at kalayaan sa sarili. No means no. Respeto lang ‘yan,” mariing sabi ni Atty. Chel.


Umani rin ng batikos si Sen. Robin mula sa mga netizens.


Sey nila… “Back to show business ka na lang, sayang ang ipinapasahod sa ‘yo.”


“Nakakahiya ang kabobohan, pati BASIC, wala siyang alam? Common sense na lang sana bilang isang tao, wala rin siya nu’n!”


“Mariel, you’re stuck with a hubby from siglo 1800s.”


“But they’re made for each other, maybe she is as malibog.”


“She had it coming.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page