top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 23, 2024



Showbiz News

Nalungkot ang isang fan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez pagkatapos siyang i-block ng kanyang idolo sa X (dating Twitter). 


Mismong ang fan ni Regine ang nag-post sa X na binlock siya nito.


Post ng fan ni Regine, “Hmmm congrats to me and to you, also. Tama ka, blocked naman (laughing emoji) I still love her tho. Naniniwala kasi akong puwedeng magkaiba-iba ng perspective sa buhay pero nandu’n pa rin ang love. Love, love, love (love emoji).”


Ibinlock ni Regine ang fan dahil sa negative post nito sa pagkaka-delay ng streaming ng bago niyang kanta kamakailan.


Sey ng mga netizens:


“Ang to-toxic n’yo kasi kaya ganyan.”


“Masuwerte pa rin tayo kasi active pa rin si Songbird, kaya sana ‘wag natin s’ya i-pressure.”

Reply naman ng na-block na fan, “I’m not pressuring her, kaya nga kahit anong inilalabas n’ya, itina-try kong i-stream, or i-purchase. I’m more annoyed with SM and how they handle itong Reginified, ‘yun lang naman. No hard feelings for Ate Reg.”


Sinagot naman ito ng isa pang fan ni Regine, “Well, ‘di naman siguro syonga (tanga) ang team ni Songbird, alam nila ang ginagawa nila, kaya maghintay na lang.”


Sagot uli ng fan, “Of course, wala namang nagsabi na shunga ang team n’ya, and yes, you are right sa part na maghihintay pa rin but that doesn’t mean na ‘di na mag-air ng opinion kapag SM is doing it poorly. Afterall, opinionated akong tao (laughing emoji).”


Hirit ulit ng netizen sa na-block na fan, “So kung ganyan ka, ikaw na lang ang mag-produce at mag-manage kay Songbird.”


Sagot uli nito, “Nag-air lang ng opinion, ako na ang mag-manage? not clicking (laughing emoji) but if you insist, you may suggest rin sa mga bosses baka tanggapin nila ako.”

‘Yun na!



NAKAKATUWANG malaman na aktibo pala sa kanyang Instagram (IG) ang fave actress namin na si Hilda Koronel.


Kaya nag-follow agad kami sa socmed (social media) account ni Hilda nu’ng makita namin ang kanyang mga IG posts.


At hindi lang kami nag-follow sa IG ni Hilda, kundi nag-comment pa kami. 

Nagulat at kinilig kami nu’ng makita namin na nag-react si Hilda sa aming comment-post. 


Naglagay ng ‘heart emoji’ si Hilda sa comment na miss na siya ng movie industry, sana ay bumalik na siya ng Pilipinas at gumawa ng marami pang magagandang pelikula.


Ang last movie na ginawa niya ay ang The Mistress (TM) with Bea Alonzo, Ronaldo Valdez at John Lloyd Cruz. Pinalabas ang TM nu’ng 2012. So, 12 years na pala ‘yun.


Looking forward talaga kami na makapanood muli ng bagong movie ni Hilda at para mapanood din siya ng mga batang manonood. 


Ang tanong, sino o ano kaya ang makakapagkumbinse kay Hilda na bumalik ng Pilipinas at gumawa ulit ng pelikula?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 1, 2024


Showbiz News

Ibinahagi ng kilalang content creator at businesswoman na si Rosmar Tan ang naging realization niya sa iskandalong nangyari sa kanya sa Coron, Palawan.  


“‘Yung sa Palawan po, ang sabi, persona non grata but not totally banned. So, puwede pa rin kaming pumunta. Pero siyempre, nagla-lie-low na rin po muna ako ngayon. Alam ko po na nasaktan ko ang mga taga-doon,” pahayag ni Rosmar.  


Katatapos lang daw mag-charity ni Rosmar noong nangyari ang insidente sa Palawan.  

“Nu’ng time po kasi noon, sobrang tired na sa charity, nagbalut-balot kami that time ng mga pamimigay, puyat, pagod.  


“Nag-post lang po ako na du’n gaganapin a day before, parang gabi nu’n. So, hindi ko ine-expect na sobrang dami ng tao and sobrang na-overwhelmed pa ako,” lahad ni Rosmar.  

Nagkautang-utang pa raw si Rosmar noong pagpunta niya sa Palawan dahil wala siyang dalang sapat na cash that time.  


Kapag nagtsa-charity work daw kasi si Rosmar, namimigay siya ng P50,000 cash sa isang taong nangangailangan, bukod pa sa gadget na ipinamimigay niya.  


“So ngayon, sobrang nagsisisi po ako na ganu’n ‘yung naging reaksiyon ko. Pero alam n’yo po, ‘di ako talaga ganu’ng klase ng tao na parang nilahat na ng mga tao na, ‘Ah, ang sama pala,’ ganyan.  


“Parang ‘yung lahat ng kabutihan na ginawa ko, ang pagiging mabait ko, na-judge na sa isang pagkakamali,” paliwanag ni Rosmar.  


Depensa pa niya, hindi lang naman daw sila ang may pagkakamali doon.  


“Siyempre po, parang nasaktan lang din po kami. Kumbaga, tao lang po kami. Kaso hindi naman ako plastic na tao, eh. Naiyak na po ako nu’n,” pag-aalala pa niya.  


Kasama ni Rosmar sa Coron, Palawan incident ang vlogger na si Rendon Labador.  


“Eto po, kay Kuya Rendon, medyo ‘di po kami nagkakasama-sama ngayon. Pero kaibigan ko pa rin po siya. Kaibigan pa rin namin.  


“Mabait s’ya bilang kaibigan. Ang sa kanya nga lang, parang famewhore kasi s’ya na gustong sumikat. Pero bilang kaibigan, mabait naman talaga s’ya,” diin ni Rosmar.  


Bilang BIR ambassadress, may mensahe naman siya sa mga kapwa niya content creators, lalo na ang nabalitang CEO ng beauty products na hinahabol ng BIR ngayon.  


“Ang mensahe ko lang po sa mga content creators na hindi nagbabayad ng buwis, nu’ng umpisa po talaga, ‘di ko alam na pati pala ‘yan, dapat bayaran, ganu’n.  


“Alam naman nating lahat na once na kumikita tayo, dapat nagbabayad ng buwis. Kasi nakakatulong naman po ‘yun sa Pilipinas, eh, sa mga mamamayan na nangangailangan.  

“Kesa nagtatago kayo, kinakabahan, o parang nagtatago kasi nga alam na hindi kayo nagko-comply.  


“So, ‘yun ‘yung mahirap, eh. Kinakabahan kayo araw-araw, ‘di ba, parang ganu’n. Hindi naman po nakakatakot ang BIR kung magko-comply,” pahayag niya.


Dahil sa patuloy na pag-ikot ni Rosmar sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magbigay ng ayuda, posible raw na pasukin niyang muli ang pulitika.  


“Ano po, nu’ng unang beses na tumakbo po ako bilang konsehal, hindi po ako nakapagkampanya noon kahit isang beses.  


“Kasi, sabihin na natin na parang pinilit lang talaga ako nu’n. Kasi parang ako ‘yung nakikita nila, napupusuan nila na, simula po kasi nu’ng 10 years old ako, tumutulong na po ako sa mga tao.  


“As in, dumating na ang panahon na said na said na ang pera ko (sa katutulong) at 20 thousand na lang ang natira nu’ng pandemic, parang ako na ‘yung naubusan.  


“Kaya naisip po nila na saktung-sakto na pumasok ako sa pulitika. Pero tumutulong po talaga ako na hindi dahil gusto kong tumakbo or what.  


“Pinilit-pilit po nila ako nu’n. Eh, buntis po ako, ‘di ako nakapagkampanya. Pero muntik na po akong lumusot nu’n that time.  


“Ngayon po, undecided po talaga ako. Kasi parang meron lang din pong nagpu-push sa ‘kin ngayon na para sa kanila, ako ‘yung parang pinaka-sakto raw po para sa posisyon, para sa ganyan.  


“Pero undecided po talaga ako. Kasi ang mindset ko, nasa pulitika ka man, may posisyon ka man o wala, puwede ka namang tumulong. Kasi, ‘di ‘yan ang focus ko, eh.  


“Matuloy man o hindi, itutuloy ko pa rin po ang pagtulong sa mga tao. ‘Yun naman po ang 100% sure,” ngiti pa ni Rosmar Tan.




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 31, 2024


Showbiz News

Inulan ng batikos si Dominic Roque sa kanyang latest Instagram (IG) post tungkol sa bago niyang bahay. Mas bongga raw kung si Dominic na mismo ang bumili ng condo unit dahil kung renta rin lang naman daw, huwag nang ipagyabang pa sa socmed (social media).


Sey ng isang netizen, “Ito na naman s’ya, puro flex at guwapung-guwapo sa sarili. Gusto ay laging may patunayan.”


Ang siste, dahil renta nga, pinagdududahan pa si Dominic kung sino ang magbabayad ng upa sa bago niyang condo unit.


Sey ng mga netizens…“Kanino na naman kaya galing ‘yan?”


“Rent. Ini-update n’ya caption sa FB, wala pa s’yang kakayahan magkabahay or condo ng sarili.”


“Mahal ang rent sa area na ‘yan. Kapag sa malayong lugar naman s’ya bumili ng bahay dahil mas affordable ang presyo, malayo naman sa trabaho n’ya.”


Ang iba, sarcastic pa sa pag-upa ni Dominic ng bagong condo unit.


“Good for you, Papa Dom. Sana, ‘di na rent para ‘di ka ulit pag-initan ng mga Marites.”


“So what kung rent? Kaya n’yang magbayad ng mahal na rent. Either way, pag-iisipan pa rin s’ya ng masama ng mga tao kung gusto nila.”


Isa sa mga pinagbibintangan na benefactors ni Dominic sa bago niyang condo ay ang pulitiko na si Bullet Jalosjos. 


Reaksiyon ng isang netizen, “Again? ‘Yan talaga si Sir Bullet Jalosjos, mayor sa Dapitan City.”


Hindi nga ba’t nilinaw na ni Congressman Bullet ang naunang isyu sa kanya na “gay benefactor” daw siya ni Dominic at may-ari ng dating condo na tinitirhan ng aktor? 


Bukod kay Cong. Bullet, may tinutukoy din na gay benefactor daw ni Dominic na tinatawag ng netizens bilang si “Senyora.”


Anila, “Galante talaga ‘to si Senyora, baka naman, Senyora (laughing emoji).”


“Senyora, home n’yo raw. Hahaha! I love you… Pahinging 1 thousand.”



Nag-share ang cast members ng Lavender Fields (LF) ng kanilang naramdaman pagkatapos mapanood ang “special edited episodes” na eksklusibong ipinalabas para sa special screening sa Gateway Cinema sa Araneta Center, Cubao.


Ang LF ay pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano.


Pahayag ni Jodi, “It feels different. It feels like you’re watching a film or a series na ‘di ikaw ‘yung nag-play na actor. I mean, ganu’n s’ya nag-i-strike sa ‘kin kasi I don’t really watch my scenes after, ‘yung nagpe-playback. 


“Hindi ako nanonood kasi naiilang ako. So feeling ko, parang, ‘Ginawa naman ni Direk, so I hope okay naman ‘yung ginawa ko.’ So ngayon, kapag binuo na s’ya, pinagdikit-dikit mo na s’ya, kasi parang pieces of puzzles ‘yan, eh, kapag ginagawa namin, ‘di naman ‘yan isinu-shoot chronologically. 


“Pero ngayon, kapag nakita mong may mga moments na parang, ‘Shucks.’ Parang it’s as if hindi mo alam na ‘yun ang mangyayari. Parang bago sa ‘yo lahat. Ang fresh-fresh.”


Sobrang saya naman ang naramdaman ni Janine na nakalimutan niyang siya’y umaarte na habang pinapanood ang “special edited episodes” ng LF


Kuwento ni Janine, “Parang immersed ka sobra sa kuwento, tapos, sobrang action. Ako rin, napapatili, eh. Sobrang exciting kasi to see it all in its final form. Tapos, marinig mo na ‘yung katabi mo nae-excite o parang ganu’n, sobrang exciting. Saka naiinis talaga ako kay Tyrone kasi nakita ko ‘yung mga pinaggagawa n’ya habang nandu’n si Iris sa bahay. Sabi ko, ‘Ano ba ‘to, shucks.’ Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Ang saya!” 


Pahayag naman ni Maricel, “Nakakatuwa kasi totoo ‘yung mga sinabi ni Jodi kanina. Kasi kapag nagsu-shoot kami, naka-concentrate lang kami sa ginagawa namin. Hindi namin alam ‘yung, ‘Ano’ng nangyayari?’ ‘Ano’ng dating?’ Kasi hindi naman kami mahilig manood ng playback. Hindi kami nanonood.” 


Tinanong namin ang ilan sa kanila tungkol sa tagline ng LF, ang “Who are you when no one is watching.” 


Ang naturang phrase ay nakuha ng Dreamscape Entertainment team mula sa naka-display sa bahay ng yumaong top executive ng production na si Deo Edrinal.


Sabi ni Jodi, “Me, I’m just a simple person who has simple joys in life.”


“Eto pa rin. Kung ano ‘yung nakikita n’yo, eto si Jericho. Walang pagbabago ‘to,” bulalas ni Jericho.


“Tao lang. Natutulog. Tapos, ‘yung mga aso ko,” sambit ni Maricel.


Ang LF ay mula sa direksiyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin. 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page