top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 27, 2024



Showbiz News

Buti pa ang ex-girlfriend ni Jake Zyrus na si Alyssa Quijano ay back in the circulation again. May balitang engaged na siya sa kanyang boyfriend, as in lalaki talaga, ha?

Si Alyssa ang huling karelasyon ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na pinag-usapan nang todo. 


At si Alyssa rin ang sinasabing naging mitsa ng “away” ni Jake at ng ina nito na si Racquel Pempengco. Mas pinili raw kasi ni Jake si Alyssa over her mom na tutol na tutol sa kanilang relasyon.


Hmmm… sounds familiar.


Anyway, ipinost ni Alyssa sa kanyang Instagram (IG) account ang mga larawan sa naganap na proposal ng kanyang boyfriend last week.


Caption ni Alyssa sa kanyang IG post: “09.16.24 The easiest ‘YES’ I’ve ever said! Can’t wait to spend forever with you Mahal! I love you!” 


Naka-tag sa post na ito ni Alyssa ang pangalang Daryus Dar. In-speculate tuloy ng mga netizens na ito ang pangalan ng fiancè ng dating X Factor Philippines contestant.


Duda pa ng mga netizens, naka-move on na si Alyssa kay Jake since 2017 pa. This is also the same timeline ng mga posts ni Alyssa ng picture nila ng kanyang boyfriend pa noon, na ngayon ay fiancé na niya.


Habang si Jake ay nananatiling tahimik sa socmed. Wala tayong makuhang update kung may love life siya ngayon at kung ano ang latest sa kanyang showbiz career.



NAGPAALAM na sa FPJ's Batang Quiapo (BQ) si Dante, ang karakter na ginampanan ng aktor na si Dan Alvaro, nitong Martes.


Sa episode 419 ng sikat na serye, matinding aksiyon ang naganap nang muling magharap ang grupo ng mga Montenegro at ni Don Facundo sa pangunguna naman ng kanang kamay nito na si Marcelo (Nonie Buencamino). 


Sa bakbakan, namatay si Dante matapos mabaril ni Ramon Montenegro (Christopher de Leon).


Nagawa namang mabaril ni Marcelo ang ama ni Ramon na si Don Julio Montenegro (Tommy Abuel).


Sa socmed, nagpasalamat at nagpaalam ang Dreamscape Entertainment sa karakter ni Dan Alvaro.


Matatandaang isa sa mga sikat na action stars si Alvaro noong 1980s na nakilala sa kanyang pagganap sa pelikulang Bagong Hari at Condemned kung saan nakasama niya

ang batikang aktres na si Nora Aunor.


Mapapanood ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5,  iWantTFC at TFC.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 26, 2024



Showbiz News

Dinepensahan si Arnel Pineda ng co-member niya sa Journey na si Deen Castronovo sa mga bashers ng Pinoy singer. 


Umani ng batikos si Arnel pagkatapos ng kanyang performance with Journey sa Rio de Janeiro, Brazil recently. Nagkaproblema raw kasi si Arnel sa kanyang ear monitors kaya nahirapan siya na maabot ang tama at matataas na tono habang kinakanta ang signature song ng Journey, ang Don't Stop Believin’.


Dahil dito, nag-post si Arnel sa kanyang Instagram (IG) at nagbigay ng kanyang saloobin sa nangyari. 


Part of his post, “It’s really amazing how one thousand right things you have done will be forgotten just because of THIS. And of all the places , it’s in Rock In Rio… 


“Mentally and emotionally, I’ve suffered already, and I’m still suffering, but I’ll be ok.

“So, here’s the deal now. I am offering you a chance now (especially those who’ve hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here. And if GO reaches 1 million… I’m stepping out for good.”


In fairness, ang daming nag-comment ng stay and good words for Arnel na nabasa namin sa IG post niya.


Hindi rin pinabayaan si Arnel ng mga kasama niya sa Journey gaya ng drummer ng grupo na si Deen Castronovo na may mahabang post para ipagtanggol siya sa mga bashers. 


Mensahe ni Deen, “I don’t do social media much, if at all anymore. My Social Media Manager, Karen, runs my sites and posts for me. So, I miss it a lot, unless it’s brought to my attention.


“Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR! He gives to YOU ALL and Journey, the best that he can give you. 


“Out of maybe a handful of shows in 17 years, Arnel has faced the facts. The voice is a BIOLOGICAL INSTRUMENT, subject to weather, fatigue, virus, bacteria, jet lag etc. Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over?


“To the trolls, you are the blessed many. The ones who can armchair sing and trash the few that do what he does every night. They DO NOT have that luxury; they must BRING IT EACH and EVERY NIGHT or FACE YOU and your OVER INFLATED OPINIONS! If YOU can DO BETTER – then, DO IT!! 


“I know very few who can pull off what Arnel does without ego and with passion and grace. BACK OFF TROLLS! You are MESSING with MY FAMILY NOW and I am A RABID PROTECTOR OF MY OWN!!!


“This is America, where everyone and anyone can voice their opinion. Consider this though when you do. Is it KIND? Is it TRUTH? Is it NECESSARY? We’ve all seen that meme, and it rings true here as it does anywhere it’s posted.

“To the people who GET IT, THANK YOU, we appreciate you! 

“To the INEPT… PROVE IT and WALK IT or SHUT IT!”

Ang taray, ‘di ba? 


Anyway, short but sweet naman ang mensaheng ipinost ng musician and singer-songwriter ng Journey na si Jonathan Cain bilang suporta kay Arnel.

Caption ni Jonathan sa kanyang IG post: “16 years and STRONG! You’re not going anywhere! Love you and grateful for you (praying and fire emoji).” 


Kahapon ay may video na ipinost si Arnel sa kanyang IG. 


Una ay nag-apologize siya sa mga fans ng Journey sa mga aberyang naidulot ng isyu ukol sa performance niya sa Brazil. 

Sinabi rin niya na hindi perfect ang banda nila at may pinagdaraanan sila ngayon. Lahat naman daw ng banda ay may mga problema.


“But who’s not going through some bad stuff these days?” sey ni Arnel sa video.

Nabasa raw niya ang comments ng mga fans nila at nagpapasalamat siya sa magagandang mensaheng ibinigay para sa kanya.


“Here comes the good people to my rescue no matter what they’re going through, good or bad, soon as they saw my post quickly and bravely, they didn’t hesitate to send their kindness, sincerity topnotch generosity of their pleasure time just to express how genuinely caring and willing to fight for me, to reason with me,” pahayag pa ni Arnel.


There’s still so much good in this world pa rin daw and then he thanked God for being by his side. 


So, there. Tuloy na tuloy pa rin ang journey ni Arnel Pineda sa bandang Journey for the rest of the band’s concert tour around the world this year.



NAGPAALAM na sa FPJ's Batang Quiapo (BQ) si Dante, ang karakter na ginampanan ng aktor na si Dan Alvaro, nitong Martes.


Sa episode 419 ng sikat na serye, matinding aksiyon ang naganap nang muling magharap ang grupo ng mga Montenegro at ni Don Facundo sa pangunguna naman ng kanang kamay nito na si Marcelo (Nonie Buencamino). 


Sa bakbakan, namatay si Dante matapos mabaril ni Ramon Montenegro (Christopher de Leon).


Nagawa namang mabaril ni Marcelo ang ama ni Ramon na si Don Julio Montenegro (Tommy Abuel).

Sa socmed (social media), nagpasalamat at nagpaalam ang Dreamscape Entertainment sa karakter ni Dan Alvaro.


Matatandaang isa sa mga sikat na action stars si Alvaro noong 1980s na nakilala sa kanyang pagganap sa pelikulang Bagong Hari at Condemned kung saan nakasama niya ang batikang aktres na si Nora Aunor.


Mapapanood ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5,  iWantTFC at TFC.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 25, 2024



Showbiz News

Mabilis na itinanggi ni Priscilla Meirelles na nagkabalikan na sila ng mister niyang si John Estrada. Spotted kasi sa isang car racing event sa Singapore ang ex-couple. May lumabas sa socmed (social media) na picture na magkasama sina John at Priscilla sa event, kaya nag-conclude agad ang mga netizens na nagkabalikan sila.


Ani ng isang netizen, “Magkasama po sila, nakita ko isang post n’ya sa FB (Facebook), kanina lang, kasama si John.”


Maayos na nag-reply si Priscilla sa comment na ito ng netizen, “Work lang po, thanks for understanding (heart emoji).”


After ng reply ni Priscilla ay may nag-comment na netizen, “She is single - not ready to get married, having fun traveling, too many men to choose from!”


May mga ipinost din si Priscilla na pictures nya habang nasa Singapore sa kanyang Instagram (IG).


Caption ni Priscilla, “F1 Singapore Race with my EW Villa Medica Famila Day 1 was a wrap. More to come! (race car and heart emoji).” 


Isa sa mga pictures ni Priscilla na naka-post ay kasama niya ang mag-asawang Aubrey Miles and Troy Montero, pati na si John Estrada.


Marami rin ang nakapansin sa pagpayat at pagseksing muli ng katawan ni Priscilla Meirelles, kabilang na si Ruffa Gutierrez.


Ayan, balik-alindog na ang dating beauty queen.



IMPRESSIVE ang background ng baguhang singer na si Joshua Kim. Out na sa mga streaming platform ang kanyang first EP (Extended Play) titled Alone in Melbourne.


Korean ang ama ni Joshua at Fil-Chinese ang kanyang ina. Joshua Kyle Sun-Myung Chio Kim ang kumpletong pangalan niya.


Kuwento ni Joshua, “‘Yung grandfather ko, galing sa Seoul (South Korea). He came here para mag-aral. Then, he met my grandmother. So, I’m one-fourth Korean, ‘di talaga ako nakatira sa Korea.


“Actually, I was born near Chicago, in America. Kaya ano, they call me the United Nations sometimes. Ang dami ng bansa connected to me.”


Sa US siya ipinanganak dahil doon nagtatrabaho ang kanyang mga magulang bilang programmers. 


After graduating Summa Cum Laude sa University of the Philippines ng kursong

Bachelor in Computer Science noong 2022, a few months lang ang lumipas ay agad na siyang nagpunta sa Australia to work sa isang start-up company.


“Minsan gumagawa kami ng search engine, AI (artificial intelligence) work. Sa Australia, Melbourne-based company,” lahad ni Joshua.


Pumupunta siya ng Australia once or twice a year lang. 


Nagawa ni Joshua ang Alone in Melbourne nu’ng nagpunta siya sa Australia and for the first time ay nalayo sa kanyang pamilya nang ganoon katagal.


“So, ‘yun, uh, feel ko dati, gusto ko mag-abroad, foreign company, ganu’n. Pero pagdating ko d’yan, du’n ko na-realize na na-miss ko ang mga friends ko. 


“Na-miss ko ang family ko. Sobrang clingy ko pala. Homesick, ‘yun. Eh, ‘di ba, ang daming OFWs na ganu’n din? Mga Filipinos, very close tayo pero kailangang pumunta sa ibang country para magtrabaho. Tapos ‘yun, feel ko, maraming makaka-relate. 


“Kahit wala ka sa Melbourne, kahit nasa Abu Dhabi ka. May mga friends ako sa Singapore, sa New York. 


“‘Yung sa akin, one month lang ako sa Melbourne. Alam ko may ibang tao na mas mahirap pa, mas mahirap ‘yung experience nila.”


Ang iba pang songs sa single ni Joshua Kim na Alone In Melbourne ay ang Tempo, Pockets, Breeze at ang Silence Footsteps.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page