top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 29, 2024



Showbiz News

    

Inalala ni Angelica Panganiban ang kanyang yumaong ina na si Annabelle “Ebella” Panganiban sa ika-40 days ng kamatayan nito.


Isang matamis na mensahe ang caption ni Angelica sa video clip ng kanyang ina during the actress’ beach wedding with her hubby Gregg Homan na ginanap sa Siargao noong April 20.


Caption ni Angelica, “11:18 PM exactly 40 days ago, tinawag ka na ni Papa God. Sabi nila, ngayon ka raw aakyat papuntang heaven. 


“Sana hindi ka hiningal paakyat, Ma. Sana masaya ang welcome party mo d’yan sa taas, sana rin nakita mo ang celebration mo rito. Maraming bumisita at nagpaalam sa ‘yo, Ma. Sana nakita mo ang mga luha at narinig mo ang mga tawanan namin, habang pinag-uusapan ka namin. 


“Sana may last sermon pa, Ma. Sana may huling tawanan pa, at bilin, huling I love you. Sana mas marami pang oras, Ma.


“Hinanda mo ‘ko sa maraming bagay, pero hindi du’n sa wala ka na. Hindi ako handa sa huling usap, huling yakap, huling asaran at huling tawa mo.


“Ma, ikaw ang bumuhay sa ‘kin, kaya ikaw ang buhay ko. Kumpiyansa sa mga takot ko, gabay sa dilim, katahimikan sa gulo. Pagmamahal at pagpapatawad sa bawat galit ko. Ikaw ang Mama ko, ikaw lang. Mahal na mahal kita, Ma. Hanggang sa muli.”


Pumanaw ang ina ni Angelica sa edad na 61 noong Agosto 20. 


Prior sa 40th day ng ina ni Angelica sa kanyang Instagram (IG) post ay naka-upload sa YouTube (YT) channel na The Homans, ipinasilip ng aktres ang naganap na first birthday celebration ng anak nila ni Gregg na si Amila Sabine or simply si “Bean”.


Hindi na nahintay ng ina ni Angelica na makasama sa birthday celebration ng kanyang apo. Ginanap ang birthday party ni Bean sa farm ni Angelica sa Batangas kung saan sinunod niya ang pangalan ng kanyamg farm sa ina, ang “Ebella.”


Sa naturang vlog din ng birthday celebration ni Bean sa Ebella Farm ay nabanggit ni Angelica ang dream niya na makapagtayo ng Ebella building. Ganyan kamahal ni Angelica Panganiban ang kanyang ina, bagama’t hindi si Ebella ang kanyang biological mother.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 29, 2024



Showbiz News

    

Kahapon ay isinulat namin sa aming kolum na in-unfollow ni Nadine Lustre ang magdyowang sina James Reid at Issa Pressman.


And now, ang sisterette naman ni Issa na si Yassi Pressman ang nag-unfollow kay Nadine. 


Samantala, marami ring netizens ang nakapansin na naka-unfollow ang aktres na si Bea Alonzo sa Kapuso artist na si Kyline Alcantara.

Ito ba ang latest sa showbiz ngayon, ang mag-unfollow?


Anyway, wala namang maisip na dahilan ang mga netizens kung bakit nag-unfollow si Bea kay Kyline. Wala ring isyu na lumabas tungkol sa dalawang Kapuso female stars.


May tsika rin na baka naman talagang hindi naka-follow si Bea kay Kyline ever since. 


Hmmm… Ayaw naming isipin na baka may gumagawa lang ng isyu sa kampo ni Kyline para pag-usapan siya at the expense of Bea. ‘Di nga ba’t nito lang ay maraming nabuwisit kay Kyline dahil sa pa-echos niya na may ire-reveal sila ni Kobe Paras na something sa kasagsagan ng isyu nila ng rumored boyfriend? Pero may bago lang palang serye na magkasama nilang pagbibidahan, kalurks!


Ipinaubaya na lang sa utol na si Lovi…

ANAK NI FPJ NA SI RONIAN, AYAW NANG KINOKONTROL KAYA 'DI NAG-SHOWBIZ


DJ Ron Poe

Na-surprise kami na makita ang only son ni Da King Fernando Poe, Jr. (SLN) na si Ronnian “DJ Ron” Poe sa launch ng iPerform Media app na ginanap sa BSK Club sa BGC, Taguig last Thursday. 


Isa si Ron sa grupo ng mga kilalang DJ na mapapanood ang mga content exclusively sa iPerform Media na may kakaibang ultimate app experience.


Ang iPerform ay pinasimulan ng foreign musician na si Max Soussan. He’s been in different countries na, pero gusto niya na ang Pilipinas ang unang maka-experience sa iPerform app.


Unang nakilala ng publiko si Ron sa tunay niyang pangalan na Ronnian Poe. Siya ang solong anak ng dating artista na si Anna Marin kay Da King FPJ.


Year 2007 nang pinasok ni Ron ang pagiging DJ. He’s only 20 years old nu’ng namatay si FPJ noong December, 2004. And now, he’s 44 na.


Nakatanggap daw siya ng message from Max, naghahanap ito ng mga artists at DJ.

Teen-ager pa lang si Ron ay natuto na siyang mag-DJ sa tito niyang nasa Amerika.


“My content para sa iPerform are original tracks na ipinrodyus ko, especially for the fans. 

“Ang mapapanood n’yo sa content ko is more like of DJ music, mga house music, yeah,” sabi ni Ron.


Bukod sa iPerform, tuloy pa rin ang tattoo business ni Ron.


“Uh, okay naman (ako). Just working on my DJ job and try to open up more tattoo shops. As of now, I have six. Makati, QC, BGC, Palawan, El Nido. ‘Yan, five pala,” tsika niya.


Never daw niyang kinonsidera ang maging artista gaya ng kanyang mga magulang at half-sister na si Lovi Poe.


“Ako, just to be honest, I’d like to do everything by myself kasi. So alam mo naman sa showbiz industry, they control you, eh. 


“So parang I see that with my mom, with my… and everything like that. They tell you what to do. They tell you what to wear, ‘di ba? I’m sure you guys know that. So, parang for me, ayaw ko ng ganu’n. Ano na lang po ako, dito na lang po ako sa likod ng kamera,” lahad niya. 

At hindi rin daw siya nagpa-pressure being the only son of Da King FPJ, kaya hindi siya nag-artista.

“No naman,” diin niya. 

“It’s just… it’s not really you rin, eh. It doesn’t come out as you. Mas gusto mo ikaw talaga. What can you give the world as yourself, ‘di ba? So parang, let it naturally come out na lang.”

Mas gusto raw niya to make a name by himself. 


Natanong namin si Ron kung nagkaroon ng pagkakataon na naimbitahan siya ni Coco Martin na lumabas sa mga top-rating FPJ action series ng aktor, tulad na lang ng sister niya na si Lovi na lumabas sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


“Oh, no. (I’ve) Never met him (Coco), eh. Uh, no, no,” sagot niya. 


Just in case alukin siya ni Coco to appear sa BQ, ‘di naman sarado si Ron sa posibilidad na tanggapin ito. 


“Uh, maybe. Maybe, it would be, yeah, possible. I mean, what will I do there? I could be a DJ in the background or something,” suhestiyon pa ni Ron Poe. 


Anyway, present din sa grand launch ng iPerform ang mga bandang Orange and Lemons at Lily. May exclusive pasilip din ang dalawang banda ng mga contents nila sa iPerform.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 28, 2024



Showbiz News

In-unfollow na ni Nadine Lustre ang kanyang ex-on-and-off screen partner na si James Reid sa Instagram.


Sa hindi pa malamang kadahilanan, hindi ito ine-expect ng mga netizens especially ng JaDine (James at Nadine) fans. All along kasi, akala ng marami ay okey na sina Nadine at James. 


After their breakup, pumayag pa si Nadine magpa-manage sa Careless Entertainment ni James for her singing career. Taon na rin ang lumipas and it seems going smoothly naman ang talent-manager relationship ng dalawa. 


So, bakit ngayon lang in-unfollow ni Nadine si James? 


May kinalaman kaya ito sa isyu ng pag-alis ni James as co-owner sa Careless dahil sa nababalitang boyfriend ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh?


Naapektuhan din kaya si Nadine ng pag-alis ni Liza sa Careless kaya in-unfollow niya si James? Or, ang malaking hula namin na dahilan kaya ginawa ito ni Nadine ay dahil sa recent interbyu ng aktor-singer.    


May statement kasi si James na ayaw niyang makatrabaho o makatambal ulit si Nadine. 

At sa ganda ng takbo ng personal life at professional career ni Nadine ngayon, hindi rin siya atat na makatrabahong muli si James.


Bukod kay James, in-unfollow na rin ni Nadine ang girlfriend ni James na si Issa Pressman.  


Well, tama rin naman na gawin ito ni Nadine, if true nga na hindi na pina-follow ng aktres si James.


Sey pa ng ibang mga netizens, noon pa nga raw dapat ginawa ni Nadine ang pag-unfollow sa magdyowang James at Issa. Bintang kasi ng ibang fans ay inahas ni Issa si James Reid from Nadine Lustre.



HATE ni Diamond Star Maricel Soriano ang mga taong plastik. 


Siyempre, sa tinagal-tagal na niya sa showbiz, marami na rin siyang na-meet na “taong plastik”, kaya kabisado na niya kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong uri ng human being.


Pahayag ni Maricel,  “Nakakasama ng loob 'pag alam mong patuloy ka niyang kinakausap na kaplastikan naman lahat, ‘di ba? Parang gusto mo s’yang tadyakan. Gusto ko (laughs).


Pero walang ganu’n na nangyari. Relax lang ako (laughs). 


“‘Pagka ganu’n kasi, ang hirap. Kahit siguro kayo ang nasa sitwasyon na ‘to, pinupuri kayo nang pinupuri pero ‘di naman pala s’ya totoo, na pagdating sa ibang tao, kung anu-ano ang sinasabi against you and all of that. Hindi kasi dapat ganu’n. 


“Dapat kapag nakikipagkapwa-tao ka, nakikipagkapwa-tao ka sa tao, ‘di ba? Pero kung pina-plastic ka, eh, sana umalis na lang sa harap mo.”


Samantala, may nakaka-miss kay Diamond Star sa kanyang notorious ‘sampal’ scene sa bago niyang Kapamilya drama series na Lavender Fields (LF). 


Ibang Maricel kasi ang karakter niya. Very demure and very respectful, pero ‘di naman very cutesy. Kasi ang role niya bilang si Aster Fields ay mentor ng karakter ni Jodi Sta. Maria as Jasmine Flores sa LF.


Kuwento ni Maricel, “Dito, ‘di ganu’n. Iba naman, kaya gusto ko ito, eh, kasi iba. Haping- happy ako kasi kasama ko si Jodi at talagang napakagaling n’ya rito.” 


Ibinahagi rin ni Maricel ang pagkakaiba ng role nila ni Jodi sa LF, “Ang difference ng character ko rito at ni Jodi is ‘yung anak ko, nawawala. Si Jodi, naghahanap ng nawawala rin n’yang anak. Kaya nakita ko rin sa kanya si Marigold (who plays her daughter). 


“Siyempre, ninenerbiyos kami pero nu’ng nakita namin ang reaction ng mga fans and friends, natuwa kami kasi ‘yung pinaghirapan namin, ‘di nabalewala. Lalo na ‘yung role ni Jodi rito dahil may mga action scenes ang anak ko rito, ang galing-galing n’ya, kaya ang sarap din n’ya talagang panoorin.”


Ang Lavender Fields (LF) ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng Batang Quiapo (BQ) sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page