top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 28, 2024



Photo: Angelica Panganiban-Homan - Instagram


Nag-share ng latest update si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram (IG) after a major hip surgery.


Muling nagpaopera ng kanyang balakang si Angelica para gamutin ang kanyang avascular necrosis.


Ayon sa mga experts, ang avascular necrosis is “the death of bone tissue due to a lack of blood supply”.


Sa kanyang latest IG post kahapon, isang short video ang mapapanood kung saan makikitang nakakalabas na ng bahay si Angelica at nagte-therapy.


Caption ni Angelica, “Recovering from a hip replacement varies from person to person. Minsan mabilis, minsan matagal.


“With @thephysiarephysicaltherapy naging madali recovery ko from surgery. Even before my operation, na-recommend na s’ya sa ‘kin ng ortho ko.


“Malaking tulong to strengthen my body to get ready sa major surgery ko. After 4 days post op, nakalakad na ‘ko without walker, PALAKPAKAN (laugh emoji).”


Nag-comment ang celebrity friends ni Angelica sa development ng kanyang ipinaoperang  balakang.


Say ng best friend niya na si Glaiza de Castro, “Hipbam!!!”


“Tinde mo! Heal well, Mama,” comment ni Ryan Agoncillo.

Marami pa rin siyempre na mga kaibigan niya ang nagdarasal para sa complete recovery ni Angelica.



BY this time, tapos na ni Elijah Canlas i-shoot ang biopic ng Martial Law activist na si Edgar “Ed” Jopson, ang Edjop sa direksiyon ni Katski Flores.


Si Elijah ang gumanap bilang bata at nagkaeded na si Ed Jopson sa pelikula.

Kuwento ni Elijah nu’ng makausap namin sa  QCinema International Film Festival mediacon, “Papunta na kami sa last stretch and uh, mahaba-habang proseso siya. Dahil nga, of course, it’s an independent movie.”


Ang Edjop ay ipinrodyus ni Joyette Jopson, anak ni Ed Jopson, na ginampanan ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa biopic.


“Kaya, it takes a while and it takes a lot of  challenges, and you really have to climb a mountain to finish a film like this,” pahayag ni Elijah.


Dagdag pa niya, “But, everyone in this whole team down to the crew, down to the utility. We’re all very passionate about the message and the story. So, excited ako. Uh, pero malapit na. Last push, last push.”


Para kay Elijah, dream come true ang pagganap niya bilang si Ed Jopson sa pelikula.

“Honestly po, a dream come true talaga. I remember growing up studying about Edjop and even Lian Alejandro. Sabi ko, dream role ko ‘yan to portray, to act especially nu’ng Martial Law era.


“But, ginawa kong thesis noon sa Theater (UP Theater) si Lian Alejandro. So, sabi ko, gusto ko si Lian Alejandro.


“Tapos nu’ng ibinigay si Edjop, sabi ko, ‘Edjop is also a legend,’ you know. Bayani rin talaga si Edjop. So, nag-yes agad ako,” sabi pa ni Elijah.

Ang QCinema 12 ay gaganapin on November 8 to 17. Mapapanood ito sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-La Plaza, at Powerplant Mall.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 27, 2024



Photo: FB / Philippines Defense Forces Forum - Circulated


Speaking of former VP Leni Robredo, nagbigay din pala ng halagang P3 milyong donasyon sa kanyang Angat Buhay Foundation ang TV host na si Willie Revillame para sa relief efforts sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.


May lumabas naman sa X (dating Twitter) ng diumano’y conversation between Leni and Willie.


“Leni: Ipapa-send ko na lang ang resibo.


Willie: Hindi, kahit wala na.


Leni: Bawal 'yun sa amin, eh. Kasi ina-account po namin lahat.”


Siyempre, maraming hanash ang mga netizens sa palitan ng dialogue nina Leni at

Willie, if true.


“‘Yan Willie, mag-file ka ng ITR at gamitin mo ‘yung resibo as tax credit.”


“Leni ‘nananampal ng resibo’ Robredo.”


“‘Yan ang linaw-linaw Willie Revillame! Kailangan transparent.”


As usual, may alegasyon kay Willie ng “red flag” sa pagpapaabot ng donasyon kay Leni.

Sey ng mga netizens:


“Red flag ‘yang galawan ni Willie, hindi pa nga nanalo, ayaw na sa resibo. Ano kaya gagawin n’ya sa pera ng taumbayan? Mawala na parang bula na walang resio? tsk tsk... it is NO for me.”


“Matuto ka sa kanya, wannabe Senator, kailangan may resibo, may resibo, ‘yan ang simpleng halimbawa ng transparency. Salamat, Leni Robredo.”

Ganern.


Yayamanin si ninang! 

ANNE, NAMIGAY NG ALAHAS SA BINI



Viral sa social media (socmed) ang video ng It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis habang namimigay ng regalo sa mga members ng all-female P-pop group na BINI.

It’s Anne’s way for sure of saying “thank you” sa mga members ng BINI after nilang mag-perform sa Team ATJ (Anne, Teddy Corpuz and Jugs Jugueta) sa Magpasikat 2024 sa IS last Thursday. 


Sobrang natuwa naman ang BINI sa pasabog na surprise sa kanila ni Anne na Tiffany & Co. (jewelry) gift. 


Sey ng mga netizens:


“Niregaluhan ni Anne ng Tiffany & Co. ‘yung BINI (crying emoji) ibang level ka!!! @annecurtissmith.”


“Grabe, ang sosyal ni Anne! Cute n’yo so much, BINI!”

“Grabe si Ate Anne magmahal. May kinikilig d’yan kasi crush n’ya si Ate Anne.”


May comment din na parang mayamang tiyahin at ninang si Anne na namumudmod ng regalo sa BINI.


“Parang mga pamangkin na galing abroad ang rich tita na nag-aabang ng pasalubong. Hahaha! Cutie.” 


“Para silang inaanak na namamasko kay ninang.”


Samantala, bigo mang makuha ng team ni Anne ang first place, nanalo pa rin sila as 2nd runner-up. Ang first runner-up ay ang grupo nina Jhong Hilario, Jackie at Ciane.


Habang ang team ni Ogie Alcasid with Kim Chiu, MC and Lassy ang nag-champion sa Magpasikat this year. One of the highlights of the performance ng grupo nina Ogie ay ang death-defying trapeze act ni Kim sa kanta ni Morissette na Isa Pang Araw (IPA).

Idinoneyt naman nina Ogie ang napanalunang cash prize na P300 thousand sa Angat


Buhay Foundation headed by former Vice-President Leni Robredo.

At sa official Facebook (FB) page ng former Vice President ay in-express niya ang kanyang pasasalamat sa It's Showtime hosts for their donation.


“Maraming salamat for your generosity, Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, Lassy and It’s Showtime family,” sabi ni former VP Leni.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 26, 2024



Photo: Angel Locsin - FB


Biglang na-miss ng mga netizens ang aktres na si Angel Locsin sa kasagsagan ng pananalanta ng Bagyong Kristine sa bansa. 


Para kasi sa ibang mga netizens ay isang Darna talaga sa totoong buhay si Angel. Hindi lang daw kasi maaasahan sa pagtulong ang aktres kundi napakaagap pa.


Saanman may nangangailangan ng tulong, darating si Angel at mauuna pa sa pag-aabot ng ayuda kesa sa mga LGUs at matataas na opisyal ng bansa.


Kaya nitong Bagyong Kristine, may netizen ang nag-post at hinahanap si Angel sa mga affected areas ng bagyo. Mapa-Yolanda, Ondoy, lindol man ‘yan o pagsabog ng bulkan, may resibo na nandoon si Angel at may dalang tulong.


Post ng mga netizens sa X (dating Twitter):

“We miss you, Angel, our real-life Darna.”

“Nakaka-miss ka po talaga sa mga panahong (ito) @143redangel.”

“Nasaan na kaya s’ya?”


Naniniwala naman ang iba na hindi tumigil si Angel sa pagtulong sa mga kababayan natin.


“Sigurado, isa rin ‘to sa mga nagbigay na ng donations sa Angat Buhay.”

“For sure, she is helping, wala lang sa limelight.”

“Hindi man s’ya nagpapakita pero sure na nag-aabot s’ya ng tulong sa bawat sakuna sa Pilipinas.”


Iba naman ang reaksiyon ng ilang netizens, “Napagtanto at napagod na ‘yan sa mga tinulungan n’ya, majority humalal sa mga walang kuwenta at inutil na pulitiko.”

“She deserves to take care of herself. Daming stars d’yan, manguna sila.”

True!



ANOTHER ‘feather on his cap’ ang pagkakapili kay Cannes Best Director awardee Brillante Mendoza bilang head ng jury sa 29th edition ng Rabat International Film Festival (RIFF) sa Morocco.


Ini-reveal ito ng mga organizers ng RIFF sa kanilang Facebook (FB) page kung saan naka-post ang larawan ng mga juries na kinuha nila from different countries.

Caption sa FB post, “Let's reveal our International Jury!


“For this 29th edition of the Rabat International Film Festival, we have the great honor to unveil a prestigious jury, chaired by one of the greatest filmmakers of our time: Brillante Mendoza. This world-renowned Filipino director, known for his neo-realistic cinema, won the 2009 Cannes Best Director Award for Kinatay, marking the history of Philippine cinema.


“At his side, Can Saraçoglu (Turkey), director and producer, with more than 30 years of experience and 250 productions at his asset. Founder of Cinetour, he brings together artists and festivals to promote cinema worldwide.


“From India, Rintu Thomas, Oscar-nominated director, marked documentary cinema with Writing With Fire, winner of two Sundance awards.


“We also have the honor to welcome Michel Coulombe (Canada), critic and author, passionate about Quebec cinema, with over 30 years of experience and a key role in the emergence of local cinema.


“Gulnara Sarsenova (Kazakhstan), award-winning director and producer, enriches our jury with her expertise with more than 50 international awards.


“Tunisian producer Dora Bouchoucha, defender of Arab cinema, has contributed to the development of cinema in North Africa and the Middle East since 1994.


“Mohammad Hushki (Jordan) joins us with his award-winning film Transit Cities and his numerous series blending drama, fantasy and sci-fi.


“Finally, Asmae Graimich (Morocco) completes our jury. This talented producer was able to tell authentic narratives, contributing to the radiance of Moroccan cinema.


“Rich in diversity and expertise, this exceptional jury is ready to celebrate the art of author cinema. Stay tuned to experience every highlight of this unforgettable edition!”


Inulan ng pagbati si Direk Brillante from his friends in and outside of showbiz.

Congratulations po, Direk Brillante!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page