top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 8, 2024



Photo: Nora Aunor / IG


Hihilahin ni National Artist Ricky Lee ang Superstar na si Nora Aunor kung kinakailangan para dumalo sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.


May tsika raw kasi na hindi dadalo si Nora sa MMFF Awards Night. Malaki raw kasi ang tampo nito sa komite ng December film festival. 


“Hilahin ko s’ya,” nakangiting sabi ni Sir Ricky.


May possibility din talaga na mapa-attend ni Sir Ricky sa awards night ng MMFF si Nora.

“Eto naman (taon na ito), alam n’yang pang-MMFF ‘to. And yet, nag-participate s’ya. Hindi s’ya nagdalawang-salita. Hindi na siya nagsabing… kasi si Guy, magta-tantrums, ‘Kuya, ‘wag na,’ hindi naman siya nag-ganu’n, eh. So, lumakas ang loob ko na siguro naman. ‘Pag ‘di ko nagawa, ‘wag ninyo akong sisihin. But i-try ko s’ya na i-convince,” esplika ni Sir Ricky.


Si Nora ang may pinakamaraming Best Actress award and the only recipient ng solo award na Best Performer sa MMFF para sa pelikula niyang Atsay.


“At saka ako, siguro, nasa 14 or 15 awards ako sa MMFF. ‘Pag nagsabi ka ng MMFF, agad-agad, Nora. And if you mention films, five or six, agad-agad, Himala siguro. So, part s’ya ng MMFF. At saka, tama, 50th year.


“I-celebrate natin hindi lang MMFF kundi pelikulang Pilipino kasi nangangailangan ng celebration ang pelikulang Pilipino ngayong mga panahon na ito na hindi s’ya masyadong tinatangkilik,” hiling ni Sir Ricky.


May special participation si Nora sa isa sa official entries sa MMFF, ang Isang Himala (IH) sa direksiyon ni Pepe Diokno.


Pero siyempre, isa ito sa mga malalaking surprises ng IH na ipinrodyus ng CreaZion at Kapitol Films showing on December 25.


Ang copyright ng script ni Sir Ricky ay nananatili sa writer kaya puwede siyang gawin sa iba’t ibang platforms at 'di na kailangang ipaalam sa nag-produce ng Himala, ang

Experimental Cinema of the Philippines (ECP).


“Pero ia-acknowledge s’ya, the same way na ia-acknowledge 'yung theater production nu’ng 2018 which is really very good. Naging witness ako noon, eh. Halos gabi-gabi, nanonood ako. 


“Gabi-gabi nag-i-standing ovation, nag-iiyakan sa audience dito sa cast. Talagang nakaka-goosebump. You get the feeling na sana ma-document ito. 


“So what we did that time, nakuha ako ng mga kaibigan na i-shoot natin para magawang  pelikula. Hindi pa si (Direk) Pepe, 2019, eh.”


Sa tingin ni Sir Ricky, perfect ang aktres-singer na si Aicelle Santos na gumanap bilang si Elsa for Isang Himala. 



MULING nag-uwi ng tagumpay at karangalan ang premyadong all-around director at producer na si Direk Nijel de Mesa at ang kanyang NDM Studios.


Nanalong Best Picture at Best Director mula sa Ima Wa Ima Asian International Film Festival (IWIAAFF) sa Osaka, Japan ang kanyang pandemic-inspired film na Coronaphobia na tungkol sa “fake news” at paranoia.


Bumungad naman sa kanya pagbalik ng Pilipinas ang trending news tungkol sa “ex” ng dati niyang katrabahong musikero na si Rico Blanco.


Dahil nagkaroon sila ng ugnayan ni Rico kaya natanong siya ng ilang taga-media kung may chance ba na makatrabaho niya ang ex ni Rico at kontrobersiyal na si Maris Racal.

“Oo naman,” mariing tugon ni Direk Nijel. 


Aniya, “Mahusay pa rin naman s’yang aktres, hiwalay naman ang personal n’yang buhay sa professional. Problema talaga kasi sa ating mga Pilipino, mahirap nating mapaghiwalay ang personal sa professional. 


“Pero I guess, dapat ready ka sa mga ganyan dahil public figure si Maris, eh. Talagang ganyan, nagiging commodity ka na at parang pagmamay-ari ng publiko.


“Ayoko rin naman sa mga nandadaya sa pag-ibig pero kaya kong paghiwalayin ‘yun. ‘Di bale, kakalma rin ‘yang publiko, madali namang magpatawad ang mga Pilipino.”


Lubos na nagpasalamat si Direk Nijel sa mga organizers ng parangal at film festival sa pangunguna ng Global Maharlika in Kansai, Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union in Japan at Kyomigaru Creative Collective. 


Wagi rin kasi si Direk Nijel ng Best Cinematography para sa kamangha-manghang camera shots niya para sa pelikulang ito. Pinasalamatan din ni Direk Nijel ang Universal Records family niya sa kanyang talumpati.


Kabilang din sa mga nagwagi mula sa Pilipinas sina Alfred Vargas, Kiray Celis, Jane de Leon, at si Daiana Menezes para sa Best Supporting Actress. Dinaluhan din ang film festival ng mga artista galing pa sa South Korea, Laos, Myanmar, Indonesia, at siyempre,  Japan.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 6, 2024



Photo: Neri Miranda at Rufa Mae Quinto - IG


No appearance ang singer na si Chito Miranda sa ginanap na Awit Awards sa Music Museum last Wednesday. 


Binigyan ng Lifetime Achievement award ang bandang Parokya ni Edgar sa Awit Awards, pero wala nga ang bokalistang si Chito.


Sa speech ng isa sa mga members ng Parokya ni Edgar ay binanggit ang non-appearance ni Chito that night. Hindi raw ito nakarating dahil alam naman ng marami na meron itong pinagdaraanan sa kanyang personal life. 


Si Chito ay mister ng celebrity/businesswoman na si Neri Naig na nahaharap sa malaking estafa scandal. We heard na nakapagpiyansa raw ng milyong piso si Neri kaya nakalabas na ng kulungan at sa ospital. 


Nabalitang dinala raw si Neri sa ospital for a medical checkup routine sa isang city jail sa Pasay City. May nakapagsabi rin sa amin na sobra raw ang ipinayat ni Neri ngayon. 


Samantala, ang isa pang celebrity na nasangkot din sa iskandalong estafa na si Rufa Mae Quinto ay may  post sa kanyang Facebook (FB) account na nagpapahiwatig ng estado ng nakaambang arrest warrant sa kanya.


Mensahe ni Rufa, “‘Yun na nga, tapos na! (praying emoji) Amen.”


Hopefully, tapos na talaga at wala nang ibang madawit pa. Although, may nakakarating sa amin na may isa pa raw female celeb ang sabit sa iskandalong sinapit nina Neri Naig at Rufa Mae Quinto.


Naku, sino naman kaya siya?



Isang himala para kay David Ezra ang mapasama sa musical film na Isang Himala (IH) sa direksiyon ni Pepe Diokno na ipapalabas sa December 25.


“I play the role of Orly (photographer). Getting the role mismo is a miracle (for me). Kasi ‘yung Himala, The Musical ni Vincent de Jesus, ‘yung legacy n’ya sa ‘kin is 20 years. ‘Yung original staging noon, ‘yung role ni Bituin Escalante was played by Mom (Dulce),” pahayag ni David sa grand mediacon ng Isang Himala.


That time, niyaya raw siya ng kanyang ina na si Dulce na manood ng Himala, The Musical (HTM) sa CCP (Cultural Center of the Philippines). 


“I was 15 years old, nu’ng high school ako. Hindi pa ako kumakanta noon or hindi pa ako nakakapanood ng kahit na anong play. Tapos nu’ng napanood ko s’ya, ‘yung ginawa pa ni May Bayot nu’ng time na ‘yun, sina Isay Alvarez ‘yan. ‘Yung gumanap sa original play ay si Dulce. Dulce is my mom.


“Tapos, fast forward, ten years. Nu’ng ini-stage nila ‘yung 10th anniversary concert, napanood ko si OJ Mariano as Orly. Nu’ng time na ‘yun, kumakanta na ako. Tapos nu’ng napanood ko siya (OJ), sabi ko, ‘Isa ito sa mga roles na gusto kong gawin sa buhay ko kung kailan man ‘yun,” kuwento niya.


And then, five years after, nag-audition si David sa HTM. Dito na nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap. Kaya itinuturing ni David Ezra na isang himala para sa kanya ang pagkakasama niya sa musical film na Isang Himala.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 5, 2024



Photo: Rufa Mae - Instagram


Nagpasalamat si Rufa Mae Quinto sa mga nagpakita ng suporta sa kanya sa kinakaharap niyang kaso.


Nagpahayag kasi si Rufa sa kanyang socmed na “biktima” lang siya at maging ang komedyana ay nagsi-seek din daw ng justice.


Itinanggi ni Rufa na may kinalaman siya sa ‘fraudulent activity’ ng kumpanyang sinamahan niya. Rest assured daw na lilinisin ni Rufa Mae ang kanyang pangalan at reputasyon.


Narito ang post sa Facebook (FB) page ni Rufa Mae kahapon (as is), “Love is patient and kind! Be nice! Love yall! Have a good week ahead of yall! Mahal ko kayo! Thanks also for the love and support you’ve all shown me.”


May nagtsika rin sa amin from a reliable source na nakaalis na raw ng bansa si Rufa Mae. Hindi pa nga lang malaman kung saang bansa nagpunta. 


Sa pagkakaalam namin, green card holder sa US si Rufa Mae. 



MATINDING aksiyon ang hatid ng bagong series ng aktor na si Ian Veneracion, ang Incognito sa direksiyon ni Lester Pimentel Ong.


Ayon kay Ian, “I played the role of Greg Paterno and uh, he has a long history of military service and has worked overseas. He’s a tactician. He’s a planner and s’ya ‘yung nakikipag-negotiate for the whole team. At s’ya rin ‘yung nagbi-brief kung ano ‘yung situation du’n.


“In terms sa sarili n’ya, marami rin s’yang nakaraan na unresolved issues, personal issues na hindi ko pa dapat i-disclose. 


“Pero along the way, makikita rin kasi ‘yung individual journey kada character. That’s I think what really makes it interesting. Hindi lang s’ya aksiyon na maging ganu’n, ‘no? 


“It’s seven different characters and different phases on their journey. Tapos, nagkatagpu-tagpo sila. So, minsan, swak ‘yung dynamics. Minsan, may tension with the lead character. It’s really interesting.”


Lahat daw ng skills ni Ian, especially ang pagpapalipad niya ng eroplano, ay naipamalas niya sa Incognito. Kasama ni Ian sa serye sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at 39th Star Awards for Movies Best Actor na si Baron Geisler. 


Magsisimulang ipalabas ang Incognito sa Netflix on January 17, Friday at sa iWantTFC the next day.


Sa January 20 naman ito magsisimulang mapanood sa A2Z, TV5 at Kapamilya Channel. 

We heard tapos nang i-shoot ang kabuuan ng Incognito. And obviously, napakalaki ng production cost ng bagong serye ng Star Creatives. Pero napag-alaman din namin na bawing-bawi na raw ang nagastos sa produksiyon dahil sa ibinayad ng Netflix sa Star Creatives, na from a source, ‘di raw bababa sa P100 million.


Mga ABS-CBN productions series lang daw ang binabayaran ng Netflix ng ganito kalaki, ha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page