top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 29, 2024



Photo: Anna Marin - FB circulated


Isiniwalat sa unang pagkakataon ng dating artista na si Anna Marin ang naging relasyon nila ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. (SLN).


Sa isa na namang exclusive interview ni Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) channel, nagpaunlak si Anna Marin sa sikat na news anchor at YouTube content creator.


Personal na pinuntahan ni Julius si Anna Marin sa bahay nito sa BF Homes, Parañaque.


Wala roon ang panganay na anak ni Anna kay Da King na si Ronian Poe nu’ng araw na ‘yun, may gig daw sa Boracay dahil isa nang kilalang DJ si Ronian.


Kuwento ni Anna, bata pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Single parent ang kanyang mommy, na maagang hiniwalayan ng kanyang ama.


Ipinasok siya sa isang convent ng mga madre ng kanyang ina para makapagtrabaho ito noon, ngunit inilabas siya nu’ng naging teenager na.


Sa edad na 17, nag-artista na siya at napabilang sa mga babaeng artista ng Crown Seven Productions na pag-aari ni Jesse Ejercito.


Sa pamamagitan ni Jesse, nakilala niya si Da King sa dating Bonanza Restaurant sa EDSA na tambayan ng mga artista. Agad siyang kinuha ni FPJ bilang misis nito sa pelikula nila ni Joseph Estrada, ang Tatak Ng Tondo (TNT) noong 1978.


Kahit wala raw siyang eksena sa pelikula, pinapadalhan pa rin siya ng call slip at nagre-report sa set ng TNT.


Sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan na tumagal ang shooting ni Anna sa TNT, nagkaroon sila ng relasyon ni Da King at siya ay nabuntis sa edad na 18.


Ini-reveal ni Anna na nag-suggest si FPJ na pumunta siya sa US at tumira sa bahay ng kapatid nito nang mabuntis siya, pero ‘di siya pumayag dahil gusto niya sana ay kasama ang kanyang ina roon, na hindi naman puwedeng mangyari.


Tutol na tutol daw ang ina ni Anna sa relasyon niya with FPJ.


Pumayag si FPJ na manatili si Anna sa Pilipinas habang ipinagbubuntis si Ronian. Nasa bahay lang daw si Anna the whole time na buntis siya hanggang makapanganak. 


May mga nakaalam daw na entertainment press sa panganganak niya pero walang naglakas-loob na isulat ito. Except sa blind item ng yumao ring famous talk show host na si Inday Badiday. 


Alam ni Anna na siya ang tinutukoy na nanganak na artista noong panahon na iyon.

Proud ding sinabi ni Anna na hindi naging “absentee” father si Da King sa kanilang anak na si Ronian.


“Hindi alam ng publiko pero actually, sa industry, alam nilang lahat. It was an open secret, eh.  Everybody in the industry knew,” lahad ni Anna.


Mahusay kasing makisama si Da King, hindi lang sa mga kapwa niya artista kundi pati sa entertainment press. At dahil sa pakikisama ni Da King, kahit may nalalaman sila, walang nagtangkang isulat ito.


“Kasi ‘pag may social events, nandu’n kami with the reporters. They’re there, but they will not write about it. And yeah, kahit noon pa, ‘pag may event, nakikita nila kami (ni FPJ), nobody writes about it because everybody loves him,” diin pa ni Anna.


Tumagal ang relasyon ni Anna kay FPJ at madalas ay sinasabi raw ni Da King na isa silang pamilya ng anak niyang si Ronian. Huwag daw i-consider na broken family sila but instead, isipin na they are loved at hindi raw naging absentee father si Da King kay Ronian.


Habang may relasyon si Anna kay FPJ, hindi naman daw sila sinugod o kinompronta ng legal wife ni Da King na si Susan Roces.


“Uh, hindi naman. Of course, may right talaga s’ya, siyempre, ‘di ba? And uh, in fact, ako naman, back then, I remember I had an open apology which I aired in 700 Club, yeah.


“Alam mo ‘yung, kasi nagkakaroon ng realization. Most of my time ay na kay Lord na. So, ‘di ba, ‘yung mga mali, itinatama na, ganyan. ‘Yung mga hindi dapat, hindi na ginagawa, ganu’n.


“Siyempre, ‘yung journey ko, ‘yung life ko with the Lord, ‘di ba, sinusunod ko na ‘yun,” pag-amin ni Anna.


Personal din daw nag-apologize si Anna kay Susan before tumakbong presidente si FPJ. 

And then, nagpakasal si Anna sa kanyang churchmate. Before her wedding, nagpadala na si Anna ng letter kay FPJ informing him about her wedding. But a day after her wedding, dumating daw sa bahay nila si FPJ, hindi alam na ikinasal na si Anna.


“Funny nga, eh. Nagdyo-joke sila, ‘Why? Are you going to stop the wedding?’ And then, my husband left the house to give us space to talk,” kuwento pa ni Anna.


Sad to say, namatay din ang mister ni Anna because of COVID sa US. Ngayon, single na ulit si Anna Marin at inaalagaan na lang ang isang apo kay Ronian Poe.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 28, 2024



Photo: Danilo Barrios - Instagram


For the first time ay nag-join ang dating Streetboys member at aktor na si Danilo Barrios sa annual Celebrity Bazaar sa World Trade Center sa Pasay City nu’ng Christmas. 


‘Yan ang kuwento ni Danilo sa amin when he invited us to visit ‘yung puwesto niya at ng misis niya na si Regina “Reggie” Barrios para magbenta ng Tatio beauty/health products na business nila. May pampaputi, pampalusog ng internal organs at pampa-diet ang products nina Danilo at Reggie. Mismong si Danilo ay na-try ang Tatio slimming product nila, tumaba raw siya nang husto bago pa ang ginanap na reunion concert nila ng Streetboys. Kaya habang nagda-diet daw siya ay umiinom siya ng slimming product na ibinebenta nila.


Nagtitinda raw talaga ng mga gamot noon pa ang misis niya, iba’t ibang products hanggang sa nabitawan niya ‘yung iba. Kaya ang ginawa ng misis niya, nag-create sila ng sarili nilang mga gamot and then, sa Japan mina-manufacture. User din daw ang misis niya ng kanilang mga products noon.


“Tapos nu’ng nagkaanak na, medyo huminto na rin s’ya. Kasi, medyo na-busy na rin sa mga bata at sa ibang bagay, especially sa mga matatanda. Kasi ‘yung mga lola namin, sa ‘min nakatira, kaya ‘di na rin s’ya nakakalabas ng bahay. Sobrang bihira na lang. Kaya feeling n’ya, okay na s’ya doon,” lahad ni Danilo.


Mabibili raw ang products nila sa online, pero dati raw ay may shop sila sa Tomas Morato sa Kyusi. 


Pahayag niya, “After ng pandemic kasi, walang pumapasok, parang siguro, na-burnout din kami ng wife ko, itinuloy na lang namin online. So, mas okey ang online. Wala kaming masyadong iniisip na tao at saka mga pinabayaang something.


“Binabalak namin next year, kung susuwertehin pa rin kami, why not? We will still try ‘pag medyo… ‘yung isa kasi, bunso, four years old pa lang. So, mahirap iwanan sa bahay at mahirap din iiwan kahit kanino lang.”


Gusto pa raw nilang magkaroon ng baby number five. Sey niya, “Why not kung papalarin tayo at bibigyan ng Panginoon. The more, the merrier.”


Dati nilang ambassadors sina Kris Bernal ar Sugar Mercado.


Aniya, “Si Kris, 2018, 2019. Si Sugar, isa sa ano ng wife ko, friends sila. Close sila. So, kinuha na rin n’yang endorser.”


Recently, may celebrities na nademanda at nakulong dahil sa pagiging endorser at part-owner daw ng isang beauty clinic. 


“Walang ganyan sa ‘min. ‘Yung company kasi namin, wala naman nu’ng parang stocks. Hindi ganoon. Products po talaga ‘yung ini-endorse namin para sa kanila. ‘Yun din po ‘yung usapan namin. So, hanggang doon lang din po ‘yung ano. Kasi ayaw din naming magkaroon ng ‘yung kagaya ngayon, ‘yung mga nangyayari na gulo. 


“At least ‘yun, ‘pag may contract doon lang s’ya. Pinapirma po namin sila as endorsers lang po, hindi part ng company. Kasi, mahirap din po, eh. Kasi baka kung saan din po mapunta or whatever kaya doon na lang po sa pagiging endorser,” paliwanag ni Danilo.


Kinumusta naman namin ang experience niya sa pagsali sa isang bazaar.


“Masaya kasi marami kang nakikita, especially kami (ng mga anak ni Danilo). Lagi kami sa Tarlac, medyo close. Ngayon, medyo maraming nakikita. Maraming nagpapa-picture na nakakatuwa. 


“Kasi may iba especially ‘yung matatanda, nakikilala pa nila ako. Nakakataba po ng puso. ‘Yung mga kids naman, lagi nagsasabi, ‘Mama, sino yan?’ ‘Papa, sino yan?’ 


“Siyempre, ‘di na nila ako inabutan. Pero nae-explain din naman ng mga parents nila. So, very ano, nakakataba ng puso talaga. Sobra, grateful,” kinikilig na sabi ni Danilo.


Nagdadalawang-isip naman si Danilo kung babalik siya sa pag-aartista. May 13 years na rin daw since umarte sa harap ng kamera si Danilo.


“Busy na rin po ako dito, eh. At saka sa family. Siguro ‘pag medyo lumaki na ‘yung bunso ko. Saka ‘tong mga maliliit ko, pa-baby pa rin sila (Hugo at Isabel).


“Saka masarap din silang ano, eh, hangga’t gusto nila na binebeybi sila. So, why not, I will experience that. I’d like to expereince that kesa doon sa hindi ko sila nakikita,” diin pa niya.


Pero hindi naman daw niya totally isinasara ang kanyang “doors” sa pagbabalik-

showbiz. 


Sa ngayon kasi ay mas gusto ni Danilo Barrios na nasa tabi siya ng family niya.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 24, 2024



Photo: Vilma Santos sa Uninvited


Sulit ang panonood namin ng Uninvited sa sinehan on a rainy Christmas day sa pagsisimula ng ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF).


Thanks to Mentorque Productions headed by Bryan Dy na nagpatawag ng special screening ng Uninvited for the entertainment media at nagkaroon kami ng chance to watch another excellent film ni Vilma Santos.


Halatang ginastusan ang production value ng Uninvited mula sa mga artista, costume at sa set. Bongga rin ang musical scoring, lights and sound effect. Pati ang promo ay sobra ring ginagastusan.


Simula pa lang ng Uninvited, mahu-hook ka na agad na tapusin ang entire film. Napakahuhusay din ng mga artista mula kay Ate Vi hanggang kay Nonie Buencamino na may surprise appearance sa movie.


Kita talaga na kinuha ng Mentorque ang mga pinakamahuhusay na artista to make sure na kayang-kayang makipagtapatan sa credentials ni Ate Vi as a multi-awarded actress.


Well, ibang-iba ang ibinigay ni Aga Muhlach bilang si Guilly.


Hindi lang inaral kundi pinagbutihan talaga ni Nadine Lustre ang performance niya sa kanyang role.


And the rest, especially ‘yung mga nakaeksena si Ate Vi, ‘di sila ‘nagpalamon’ ‘noh!

After ng special screening ay nakatsikahan namin ang producer ng Uninvited na si Bryan.


Ayon kay Bryan, “Talagang nakakatuwa po, eh. Nag-viral s’ya on its own today and I think, even though it’s R-16, we’re pretty confident it will surpass Mallari’s performance last year. Because, we saw the numbers coming in already.”


Pero sabi ng iba, mas matindi raw ang labanan sa takilya ng mga entries sa MMFF this year.


“Yes. Actually, ‘yun talaga ang… which is very, very fortunate for the film industry. Ang daming magagandang pelikula and uhm, lahat kami, alam kong, it’s a friendly competition. But at the end of the day, it’s a competition.


“Pero nakakaaliw at nakakatuwa na lahat ng producers, lahat po ng mga artista brought their A game for this 50th golden anniversary. Bagay na bagay sa 50th MMFF,” lahad ni Bryan.


Sinagot din ni Bryan ang isyu na bawal daw mag-promote sa GMA-7 ang ibang entries sa MMFF na ‘di produced ng network.


“Alam n’yo po, we understand the decision ng lahat-lahat. But I have to tell this in the industry, ‘no? I think we have to be more helpful to each other. Let’s have a friendly competition. Let our product speak for itself. Kasi mas kakailanganin natin ang isa’t isa, ‘di ba? Lalo na ngayon na bumabangon pa lang ang film industry. We will be needing each other along the way lalo na po sa amin na mga baguhan. Pero kami, we respect everyone’s decision,” lahad niya. 


Last year, si Ate Vi ang nanalong Best Actress. May mga naniniwala na makakapag-back-to-back win ang Star for All Seasons this year.


“Alam mo si Ate Vi, just to be honest, wala na s’yang dapat patunayan. At the end of the day, ang pinakamahalaga sa akin is did she enjoy doing this?


“I mean, that’s more important than anything. I know that there will always be pressure. But at the end of the day, I think whatever it is, ‘di ba, uh, Vilma Santos will always be Vilma Santos.


“Kami nga, lahat kami nagpunta rito, alam namin na it’s a competition. We brought everything, nakita n’yo naman. Walang tapon lahat.


“Nakita n’yo si Aga (Muhlach). Kita n’yo po si Nadine (Lustre). Kita n’yo po lahat ng cast. Talagang ganoon po kagaling si Dan Villegas, lalo pa’t naka-tandem si Tonette (Jadaone).


Naka-tandem pa si Irene (Villamayor). 


“So, we just brought everything here. I think everyone deserves it but definitely, it’s really up to the jury and we respect that. 


“But of course, yes, Ate Vi is my best actress. At kung makikita n’yo naman ‘yung range ng akting n’ya na ipinakita rito, talaga namang from pent-up to outburst, ‘di ba?


“Ako, I’m just happy sa reaction of the people now, lalo na ‘yung mga nakapanood online, it’s really heartwarming. Nakakataba po ng puso,” esplika ni Bryan.


Anyway, sugod na at huwag palampasin sa mga sinehan ang Uninvited. Now na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page