top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 9, 2025





Himala para sa Kapuso host na si Kim Atienza ang pagkakaligtas niya sa aksidenteng sinapit niya kamakailan.


Ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang Instagram (IG) ang ilang larawan sa nangyaring aksidente sa kanya.


Kasama sa IG post ni Kuya Kim ang X-ray ng nabaling buto sa kanyang ribs at video habang sakay ng ambulance papunta sa ospital.

Caption ni Kuya Kim, “Thank you Lord for my 4th life!


“Riding home from work a huge dog darted straight to my path, making me crash. I flew 8 feet over my handlebars hitting the pavement with a thud. I heard a loud crack and knew something was broken.


“As I lay on the street stunned, miracle of miracles, in seconds, a fully staffed ambulance arrived giving me first aid and stopping the cars from running me over.


“It was a miracle that the boys of FEPAG EMS PHILS were right behind me, off duty on their way to have dinner in Malate.


“The FEPAG boys brought me to MMC, checked me in the ER and quietly left when they knew I was okay.”


Sinamahan si Kuya Kim ng kanyang mga anak na sina Feli at Emman sa emergency room ng ospital.


Aniya, “Feli and Emman were in the ER to take care of their broken papa. (That was so comforting seeing them!)

“I'm on pain meds now, off work and off riding for a few days till my rib heals.


“God loves me so much. I could’ve broken my spine or banged my head leaving me with graver injuries (or death) but all I have is a broken rib.


“I could’ve been run over in the dark if not for the off duty FEPAG boys stopping traffic for me.”

Muling pinasalamatan ni Kuya Kim ang Diyos sa himalang nakamtan niya at sa kanyang mga anak na sinamahan siya sa ER.


“Thank you to the FEPAG boys for being angels and good Samaritans that night.


“Thank you to the Barangay officials (Ch August and kagawads) for watching over me and my disabled bike.


“Thank you to my buddy @marc_castromd for setting my rib and helping me heal.


“Maraming maraming salamat Panginoon. You are good, unchanging and ever present in everything I do.


“I have nothing in my heart but Gratitude. Life is good. God is good all the time,” pasasalamat pa ni Kuya Kim.



IPINAGMAMALAKI ng Fire at Ice LIVE! ang inaabangang limitadong muling pagpapalabas ng critically acclaimed stage play na Choosing (A Stage Play).


Tatakbo mula Hunyo 6 hanggang 15, 2025 sa Doreen Black Box Theater, Areté, Ateneo de Manila University, ang makapangyarihang two-person drama na ito—na isinulat ni Liza Diño-Seguerra—ay babalik pagkatapos ng matagumpay na debut nito noong 2024, na nag-aalok sa mga manonood ng isa pang pagkakataon na maranasan ang isang matapang at malalim na nakakaantig na kuwento tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at mga pagpipilian na tumutukoy sa atin.


“Through Fire and Ice LIVE!, we are committed to showcasing world-class Filipino productions and keep our local performing arts scene thriving,” pagbabahagi ni Liza Diño-Seguerra, co-founder ng Fire and Ice LIVE! at playwright ng Pagpili


Pagpapatuloy ni Liza, “Ang dulang ito ay naglalaman ng aming pananaw na gawing isang pandaigdigang karanasan ang pagkamalikhain ng Filipino, na naglalahad ng isang kuwento na parehong malalim na personal at nakakatunog sa pangkalahatan.”


Ang paparating na muling pagpapalabas ay nangangako na bubuo sa mga lakas ng dula habang nagpapakilala ng mga banayad na pagpapahusay para sa mga bago at bumabalik na manonood. 


Nagbabalik si Dr. Anton Juan bilang direktor, tinitiyak na mananatili sa produksiyon ang matalas nitong pagkukuwento at emosyonal na epekto. Inulit din ng kilalang kompositor na si Vincent A. De Jesus ang kanyang papel, na naghahabi ng isang evocative musical score sa salaysay.


May limited two-weekend engagement ang play mula June 6–15, 2025 sa Doreen Black Box Theater, Areté, Ateneo de Manila University sa Quezon City.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 7, 2025





BLIND ITEM:


Naiiyak ang kausap naming producer ng isang dance concert habang nagkukuwento ito dahil until now ay hindi pa rin siya nababayaran ng mag-asawang nanghiram sa kanya at sa misis niya ng mahigit isang milyong piso.


Ang mag-asawang naggarantiya sa kanila na mababawi ni produ ang puhunan at kikita pa sila ay may pa-events production. ‘Yung mister ay taga-showbiz at non-showbiz naman ‘yung girl.


Inabot ng mahigit P5 million ang production cost ng dance concert, but later on, nadiskubre ni producer ang mga ginawang pagpa-padding sa mga ibinayad na talent fee (TF) sa mga dancers, DJ, guests, at pati na ang ibinayad ng nakuhang major sponsor sa dance concert ay “Kinatrina Halili” (read: binawasan) pa raw ng mag-asawang negosyante.


Like kunwari, ‘yung dapat na P3 million na sponsorship fee nu’ng major sponsor nila, half lang ang idineklara sa produ na pumasok.


Overpricing din ang ini-report na TF ng mga performers. 


Ang siste, nu’ng naniningil na si produ para sa revenue ng show, tumalbog ang dalawang tseke na tig-P250,000 na inisyu sa kanya nu’ng mag-asawa, na until now ay hindi pa rin daw nalilinis sa bangko.


And then, to the rescue raw ang ina nu’ng isa sa mag-asawa at nag-issue ng tseke na naglalaman ng P1 million, pero tumalbog din at waiting siya kung paano maaayos ito.


Ang nakakalungkot pa raw nito, kinamatayan na ng anak nila na may sakit na leukemia ang dilemna na inabot nila. Alam daw kasi ng anak nila lahat ng tungkol sa pagpo-produce nila sa dance concert at perang in-invest nila rito.


Sa kabila nito, wala raw paramdam ang mag-asawa sa kanya kung kailan ibabalik ang kanyang pera gayung nakikita niya sa socmed (social media) ang pagbibiyahe-biyahe abroad nu’ng taga-showbiz na mister at may mga gigs na inaapiran.

Naku! Ayaw ng universe ng ganyan, ha?



PUMANAW na ang ama ni Angel Locsin na si Angelo M. Colmenares sa edad na 98 last March 5. Kinumpirma raw ito mismo ng pamilya ng yumaong ama ng aktres sa ABS-CBN.


Humihingi ng pagrespeto sa privacy ng pamilya sa pagyao ng daddy ni Angel. At the same time, nagpasalamat ang pamilya ni Angel sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pang-unawa at pakikiramay sa kanila.


As of this writing, wala pang inilalabas na detalye sina Angel sa pagyao ng kanyang ama. For sure, devastated si Angel, kasi alam naman sa showbiz kung gaano nito kamahal ang kanyang ama.


Nagpadala rin kami ng mensahe ng pakikiramay sa uncle ni Angel at manager ni Tony Labrusca na si Mario Colmenares.


Ang aming taos-pusong pakikiramay kay Angel at mister niyang si Neil Arce, pati na sa buong pamilya nila.



NAKATAKDANG ipalabas sa Netflix Philippines ang nakakatakot na action drama na Crosspoint sa direksiyon ni Donie Ordiales sa Marso 13, 2025, kasunod ng matagumpay na theatrical release nito.


Isang nakakahimok na collaboration sa pagitan ng Pilipinas at Japan, ang pelikula ay pinagbibidahan ng award-winning Filipino actor na si Carlo Aquino, na nakilala sa Whispers in the Wind (WITW), at Emmy-nominated Japanese actor na si Takehiro Hira, na kinilala para sa kanyang pagganap sa Shogun.


Desperation brings people to the most unexpected crossroads. Sinusundan ng Crosspoint si Manuel Hidalgo (ginampanan ni Carlo Aquino), isang dating-promising Filipino actor na naninirahan ngayon sa anino ng Tokyo, na pinilit na gumanap nang ilegal sa mga Filipino pub upang mabuhay. 


Nagpupumilit na takasan ang kanyang nakaraan, nagkrus ang landas nila ni Shigeru Yamaguchi (played by Takehiro Hira), isang dating construction manager na nalulunod sa utang at panghihinayang.


Nilaliman ni Carlo Aquino ang kanyang mga personal na karanasan para tunay na gumanap bilang Manuel Hidalgo, na sumasalamin sa mga hamon na kinakaharap ng maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).


The film boasts a powerhouse cast including Sho Ikushima, Sarah Jane Abad, Dindo Kurosawa, Kei Kurosawa, I Yama Arroyo Arianne, Polo Ravales, Zeppi Borromeo, Misa Shimizu, at Rie Shibata.


Philippines-based Fire & Ice Media has successfully sold the Asia Pacific rights for Crosspoint to Netflix in a major deal secured during the Asian Contents & Film Market (ACFM) in Busan. 


This strategic move highlights the growing demand for high-quality Filipino cinema on international streaming platforms.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 6, 2025



Photo: Direk Brillante Mendoza - FB


Bago umalis ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza patungong Japan para sa Cinema at Sea Okinawa Pan-Pacific International Festival last week, ipinapanood muna niya sa kanyang mga artista ang latest film project niyang Bansa (Motherland).


Dumating sa special screening ng Bansa ang bidang si Rocco Nacino kasama sina Kiko Matos, Richard Quan, Mon Confiado, Jes Mendoza at Joem Bascon.

First time ni Direk Brillante na idirek si Rocco kaya mahaba raw ang naging preparasyon nila bago ginawa ang Bansa.


“Nag-workshop kami. Pinapanood ko sa kanya ‘yung mga films ko, kung bakit ganito ang treatment ko, ganito ako magdirek. I always explain it to them.”

Nag-training pa raw sina Rocco na ang mga nagbabantay ay totoong SAF (Special Action Force) para makuha nila ang tamang kilos at pagsasalita ng grupo.


Balak ni Direk Brillante na ipapanood ang Bansa (Motherland) sa mga kapulisan.

“More than anyone else, para sa kanila ang pelikulang ito, para ma-inspired sila. Sila kasi talaga ang binibigyan ng papuri rito, eh, ‘di ba? Especially ngayon, ang gulu-gulo ng bansa natin, parang wala ka nang makitang maganda.”


Pinasok din daw ni Direk Brillante ang Bansa sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.


“Hindi s’ya napili,” pag-amin ni Direk Brillante. 


“Siyempre, alam naman natin ang requirement ng MMFF, ‘di ba? I mean, hindi naman sa pag-aano, sa palagay mo, kapag ipinasok namin ‘to, dudumugin na kami ng mga tao? I mean, let's be realistic, ‘di ba?


“Unang-una, ang lead ko rito, si Rocco Nacino. Eh, si Rocco, hindi pa s’ya talaga considered na leading box office actor like Piolo Pascual, Alden Richards.


“Actually, ano ‘yun, eh, suntok sa buwan ang ano namin doon. Sabi ko, ‘‘Wag na tayong umasa d’yan.’ And blessing in disguise na rin kasi ang laki ng expenses ‘pag kasama ka sa filmfest. Eh, nakita naman natin ang resulta ng filmfest, wala naman talagang kumitang pelikula.


“No, I mean, in reality, tatlo lang naman ang kumita, ‘di ba? The rest, wala. Kasi, ang mga tao, hindi naman nila alam ang production expenses. Eh, kaming producers, alam namin.


“Itong mga pelikulang ganito kasi, hindi naman naghahangad ng blockbuster kasi I’m just being realistic.


“Unang-una, alam ko ang audience ko. Alam ko ang manonood dito, kaya magpakatotoo ka na lang, ‘wag ka mag-ilusyon,” sabay tawa ni Direk Brillante.



Nag-trending agad sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Ginawan na agad ng iba’t ibang version ang mga behind-the-scenes video na kuha kay Andrea ng mga bystanders sa set ng BQ habang kinukunan ang mga eksena niya.


Sobrang excited si Andrea sa kanyang career this year. Pagpasok pa lang ng 2025, may malaking teleserye agad siya at bonggang manager.


Ang mahusay at inirerespeto sa showbiz na si Shirley Kuan na ang bagong manager ni Andrea, na nu’ng una ay nagha-handle na rin ng product endorsements ng aktres. 


For the longest time, si Shirley ang manager ng veteran and award-winning actor na si Albert Martinez. Then, after umalis ni Bea Alonzo sa Star Magic ay personal niyang ipinahanap si Shirley para mag-manage sa kanya. Same thing with the award-winning and comebacking actress na si Hilda Koronel.


Pero kahit wala na sa Star Magic si Andrea, ang importante ay nananatili pa rin siya as one of Kapamilya’s prime artists.


Sa unang entrada pa lang niya sa BQ ay nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.


Singtindi ng aksiyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa palaban na karakter. Malayung-malayo ito sa mga papel na ginampanan niya noon.


Wish ni Andrea ay magtagal siya sa BQ na napapanood gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page