top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 12, 2025





Naglabas ng reaksiyon sa social media ang ilang celebrities sa pagkakaaresto kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte (PRRD) kahapon.


May kani-kanyang post ang ilang celebrities, especially ang mga kontra sa dating administrasyon, pagkatapos ihain ang warrant of arrest kay former Pres. Duterte at arestuhin siya agad pagbalik ng Pilipinas mula Hong Kong.


Kabilang sa mga nagpahayag ng damdamin sina Jake Ejercito, John Lapus at DJ ChaCha.

Post ni Jake sa X (dating Twitter), “The world is healing.”


Ini-repost naman ni John Lapus ang post ng news item from a broadsheet newspaper na nagsasabing humihiling si Senator Bong Go na ipanalangin ng bayan si PRRD.

Caption ni John sa repost niya sa X: “I pray na makulong (praying emoji).”


Habang ipinost naman ni DJ ChaCha ang statement ng former senator at “mortal na kaaway” ni PRRD na si Leila de Lima.


Post ni DJ ChaCha, “Your time of reckoning is now here - Former Senator Leila De Lima’s message to Former President Rodrigo Duterte.”


Kasunod nito ay may post din si DJ ChaCha tungkol sa isa pang ally ni PRRD na si Sen. Bato dela Rosa.


Post ni DJ ChaCha, “Naglabas na ba ng statement si Sen. Ronald Bato Dela Rosa?”

At kung may pabor sa pagkahuli kay PRRD, meron ding celebrities ang nalungkot sa recent news sa dating pangulo.


Una na d’yan sina senatoriable Phillip Salvador at Senator Robin Padilla na simula’t sapul ay todo-suporta kay PRRD.


Isang panawagan ang ipinost ni Sen. Robin sa kanyang Facebook (FB) account para kay Pangulong Bongbong Marcos kahapon.


Kalakip ng mensahe ni Sen. Robin para kay PBBM ay ang video clip ng news sa pagpapalibing ng bangkay ng dating presidente rin ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.


Pahayag ni Sen. Robin, “Mr. President, once upon a time, when there was no one else to stand by you, my group supported and protected you in our own humble way. We consider ourselves your friends and loyal supporters because we still believe that President Ferdinand Edralin Marcos Sr. was kidnapped and taken to a foreign land against his will, in defiance of our domestic laws.


“My earnest plea, Mr. President, is for you to exercise your executive power to halt the operations of the Philippine National Police in following directives from a foreign entity that undermine our laws and violate our sovereignty.


“The fate of our beloved country now rests in your hands, Mr. President. We must consider the sentiments of our people, especially in these critical times when the world is shaping its future.


“Unity among Filipinos is crucial as we navigate this era of geopolitical conflict and trade wars.”


So, there.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 11, 2025





Viral na naman sa social media ang singer na tinaguriang “Revival King” na si Jojo Mendrez. 


May nakalusot kasi sa socmed na piktyur ni Jojo sa casino kasama ang isa na naman sa mga members ng first batch ng StarStruck na si Rainier Castillo.


Makikita sa piktyur si Rainier na naglalaro at nakaupo sa isang table sa loob ng casino habang nakatayo naman sa likuran ng dating StarStruck member si Jojo.

Sabi nga nila, a picture can tell a thousand words. Kaya kani-kanyang interpretation ang mga netizens sa piktyur nina Jojo at Rainier. 


Ang dating naman sa amin ng piktyur ay tila sinasabi ni Jojo kay Rainier, ‘Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako.”


Actually, out na ang latest song ni Jojo na pinamagatang Nandito Lang Ako (NLA).

Title pa lang ng kanta ni Jojo ay ramdam na on how giving Jojo is as a person. Nand’yan lang si Jojo, willing and able to give help para sa mga taong malapit sa puso niya or kahit siguro sa mga kapuspalad.


In the same manner, mukhang willing din si Rainier na tulungan si Jojo to promote his latest song NLA, gaya ng ginawa ng ka-batch niya sa StarStruck at Ultimate Survivor na si Mark Herras sa revival hit song ni Jojo na Somewhere In My Past.


First quarter pa lang ng 2025 ay ang ingay na ni Jojo sa socmed with the release of his songs including NLA. Hindi na rin kami magtataka kung bakit “national anthem” na rin ng mga lovers ang kanta ni Jojo na NLA.


Why not?


But wait there’s more! May ilalabas pa raw na cover songs si Jojo Mendrez very soon!


Abangan natin ‘yan, ha?



NASORPRESA kay It’s Showtime (IS) host Ogie Alcasid ang madlang pipol nu’ng mapanood siya na nagpe-perform nang live sa isang mall sa Makati City kamakailan.

Ipinost ni Ogie sa kanyang Instagram (IG) ang pag-apir niya at pagtugtog ng piano sa loob ng mall.

Caption ni Ogie, “Had so much fun busking at @powerplantmall today!!! Ty all! Sang my new song too! Video out soon!”

Maraming netizens ang nanghinayang na hindi napanood si Ogie nang live sa mall. Mas bumilib naman ang mga netizens sa ginawa ni Ogie. 

Ilan sa mga comments nila… “Waaaahhh! napakasuwerte naman ng pipol (tao) na nakapakinig at nakapanood in person!!!”

“Wish I was able to witness this!!”

“Very nice Sir Ogie performing live in public like this. Cheers and God bless you more.”

And then, sa sumunod na IG post ni Ogie ay inilahad naman niya ang kanyang paghanga sa mga kapwa niya musikero na tumutugtog in public places.

Say ni Ogie, “So much respect for all the musicians that perform at the malls, the hotels, the side streets, and just simply everywhere. Truly at my core, this is who I aim to always be - a singer-songwriter who just wishes to share my stories and for them to be heard. Ty for the opportunity. I never ever take this gift for granted. Hallelujah!!”

Sa comment section ng IG post ni Ogie ay may nagpaalala nu’ng una niyang napanood na nag-perform ang IS host in public.

Comment ng netizen, “Funny you mention mall performances because the first time I ever saw you perform solo was at Rustan’s Cubao back in the late 90s. For some reason, our Lola always liked going to mass there instead of St. Ignatius, and one Sunday after mass, we caught your concert in the mall. I still remember the energy and effort you put into that performance & to think there’s hardly any people in that small mall. I think I may have seen you perform with Kundirana before that, too.

“Your longevity in the industry is really impressive because of your passion and hard work. Cheers to more!”

Mag-throwback na rin kami regarding sa first performances ni Ogie. Hinding-hindi namin malilimutan ang debut concert ni Ogie sa showbiz. And it was held sa Folk Arts Theater na ang title ay related sa radio during the late ‘80s or early ‘90s. Tanda pa namin ang opening song ni Ogie sa first major concert niya, ang hit song ng bandang Queen titled Radio Ga Ga.

After the concert, kabilang ang name namin kasama ang ilan pang members from the entertainment media sa ending ng concert na ipinakita sa malaking screen na nasa stage.

‘Yun lang.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 10, 2025





Proud na ipinost ni Megastar Sharon Cuneta ang bagong porma ng kanyang katawan on her Instagram (IG) post yesterday.


Panay balandra ni Mega ng kanyang latest photos sa kanyang IG lately.


Ang laki naman talaga kasi ng ipinayat ni Mega ngayon. Nakaka-amaze ang determination at disiplina na ginawa niya sa sarili para pumayat, kaya lalong nagmukhang bata at ate lang siyang tingnan ng kanyang mga anak na babae na sina KC Concepcion, Miel at Frankie Pangilinan.


In her previous post, ikinuwento niya ang kanyang “slimming” journey. Tsika pa ni Sharon, naiyak daw siya nu’ng mawala na ang kanyang “ugly extra weight.”


Post ni Sharon sa IG, “For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear. I went up to a size 24 (!) years ago, and that was when I truly panicked, because my health was suffering. I am now back to size 6-8. A small to medium.


And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn't believe I had finally lost all that ugly extra weight! Not done yet. Just a few more. I thank the Lord everyday.”


Sa dulo ng kanyang caption ay binanggit niya ang brand ng kanyang OOTD pati na ang suot niyang Rolex Daytona watch sa kanyang latest post sa Instagram.


Pinuri-puri siyempre pa si Sharon ng ilan sa kanyang mga celebrity friends gaya nina Ogie Alcasid, Jackie Lou Blanco at Mariel Rodriguez. 


Pati mga bashers daw ni Mega ay nanahimik sa bagong figure niya.

Komento ng isang fan, “Sa sobrang ganda, pati mga bashers, natahimik.”

Nawa’y maging inspirasyon si Sharon nina Miel at KC.



BABALIK na ulit sa Amerika ang comebacking actress na si Hilda Koronel. Kailangan na niyang umuwi ng US para sa kanyang checkup.


Ilang beses na-move ang pag-alis ni Hilda mula sa Pilipinas para sa kanyang checkup. Bago pa siya bumalik ng ‘Pinas, naka-schedule na ang checkup niya sa kanyang doktor sa US.


Ang siste, ‘di pa tapos i-shoot ni Hilda ang “comeback movie” niya under IdeaFirst Production, ang Sisa.


May ilang shooting days pa si Hilda para sa movie, pero kailangan na raw niyang bumalik sa US.


‘Di na raw kakayanin na ma-delay pa ulit ang uwi niya.


Nagkaroon kasi ng problema sa set ng Sisa dahil sa mga bagyong dumaan sa bansa. At dahil sa bagyo, nasira rin ang set ng Sisa na sinet-up ng production, kaya baka raw maghanap na lang ng ibang location for the movie.


But let’s see kung may pagbabagong magaganap sa scheduled flight ni Hilda pabalik ng US.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page