top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 1, 2025





Nag-taping si Bea Alonzo para sa episode ng Magpakailanman ng GMA-7 na planong ipalabas sa nalalapit na Semana Santa o Holy Week.


Si Zig Dulay ang direktor ng episode. Siya rin ang direktor ng drama-crime-mystery-series ni Bea na Widows’ War (WW).


Speaking of WW, ipapalabas na rin pala sa Netflix ngayong Abril ang Kapuso hit drama series na pinagbidahan ni Bea, kaya abang-abang na lang tayo.


Samantala, may mga intrigang kumakalat sa showbiz na hindi na raw ire-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Bea sa kanila after ng WW.


A reliable source told us na kaya hindi pa inire-renew ang contract ni Bea sa GMA-7 ay dahil ‘di pa naman ito expired, so bakit nga naman magkakaroon ng contract signing for renewal?


At ayon pa sa aming source, nakipag-meeting na raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan sa GMA-7 para sa bagong teleserye ng aktres.


Concept daw muna ng bagong teleserye ng aktres ang gagawin, then, ‘yung mga artistang makakasama ni Bea. Bongga sana kung with Marian Rivera naman na women empowerment ang tema.


Bago ang teleserye, gagawin muna ni Bea ang movie niya under Direk Erik Matti na ipapalabas naman sa HBO.


Ang bongga ni Bea, ha? Mapapanood na sa Netflix, may HBO movie pa.


Hopefully, may mga international producers na maka-notice kay Bea sa mga streaming platforms na nabanggit para magkaroon siya ng legit na foreign movie from a prestigious film studio.


With regards to Bea’s love life, mukhang happy naman ang Kapuso actress. For sure, marami ang umaali-aligid na suitors ni Bea ngayon, ‘di lang mga artista kundi pati rich businessmen.



ELEVATED ang businesswoman-turned movie producer na si Ms. Cecille Bravo for this year’s Philippine Faces of Success na ginanap ang awarding ceremony last Saturday.


Pinarangalan si Tita Cecille as Lifetime Achievement awardee sa larangan ng business. Ilang beses na rin kasi siyang binigyan ng karangalan ng Philippine Faces of Success.


Pahayag ni Tita Cecille, “I’m so elated, grateful and thankful. And, this will inspire me more to do more sharing, giving. Kasi ayaw kong sabihin, ‘Ah, tumutulong lang tayo dahil may kapalit.’ Pero tutulong tayo kahit walang kapalit. Sabi nga, limitless.”


Para kay Tita Cecille, napakaimportante ng mga ganitong parangal.


“Kasi ito, nagpe-pave rin ng way para mas makita ko kung sino pa ba ang dapat tulungan.

Nakikita ko rin ‘yung ibang katulad ko na nabibigyan ng award.


“Alam n’yo ba na ina-admire ko rin sila? Iniidolo ko rin sila. At ‘yung iba d’yan, iniidolo ko na. Na ngayon, ang sarap ng feeling na makakasabay ko sila because ‘yun na nga, eh, nagawa nila ‘yung gusto nilang gawin, ‘yung mang-inspire and I’m very thankful,” paliwanag ni Tita Cecille.


Inaabangan na rin ang susunod na movie project na gagawin ni Tita Cecille after ng Co-Love niya sa Puregold’s CinePanalo.


Ayon kay Tita Cecille, “May mga brewing pa pero in the works pa and under negotiations. I’m just trying this kasi bago sa akin ‘to. So, titingnan natin.


“Dahil sa totoo, ang hirap din palang mag-produce. Costly na, tapos totoo talaga, hindi naman kumikita, ‘di ba? Even ‘yung movies, magagaling ang plot, ang actors and everything.


Lalo nga kasi ngayon, maraming puwede na lang panoorin kung saan-saan. Hindi na nanonood sa talagang tipikal na sinehan. So, minsan, nag-iisip din ako. Pero we will see. Why not?”


Nagkaroon din ng special role si Tita Cecille sa Co-Love, kaya na-curious kami na malaman kung may kasunod pa siyang movie o TV project.


Aniya, “Actually, (sa) totoo, may nag-o-offer. Tapos, may nagsasabi pa sa ‘kin, ‘Sige na, i-try mo pa. Dugtungan mo pa.’ So, I’m considering it dahil it seems ‘pag natuloy ito, mukhang mother ang role ko, mother na mahirap.”


Challenging daw ang role para sa kanya but not pagganap bilang mahirap. Inamin ni Tita Cecille na pinagdaanan din niya sa buhay ang pagiging mahirap.


Paglalahad niya, “Kaya siguro maganda ring marating mo kung ano o nasaan ka ngayon. Kasi sabi ko nga, ang success, hindi mame-measure ‘yan sa kung ano’ng meron ka. Ang success n’yan, kung happy ka ba sa kung ano’ng narating mo. At doon ba sa narating mo, may natuklasan ka ba? Wala kang nasagasaan? Wala kang naapi?”


Agree. Congratulations again, Tita Cecille!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 30, 2025





Hindi na nakatiis ang dating BFF (best friend forever) ni Kathryn Bernardo na si Trina Uytingco sa mga pamba-bash sa kanya ng mga netizens. Kaya naman may post siya sa X (dating Twitter) ng kanyang saloobin.


Post ni Trina sa X kahapon, “Please stop leaving hateful messages and comments targeting my character. Please have some decency and respect before you comment on peoples’ personal lives (which you all know nothing about).”


Ilang araw nang pinag-uusapan sa X ang biglang “pag-disappear” sa buhay ni Kathryn ni Trina, unlike before na laging nakikitang magkasama ang dating magkaibigan. At nitong nakaraang kaarawan ni Kathryn, ‘di raw binati ni Trina ang kanyang BFF.

Sey ng mga netizens:


“I trust that you and Kathryn will always remain the best of friends and stronger than ever. These hateful messages come from people who are unhappy and full of discontent in their lives. All is well!”


“Lods (idol), mahal kita. Sana maging okey pa rin kayo ni Kath sa kabila ng pinagdadaanan n’yong magkaibigan ngayon. Please sana kung ano man ‘yung naging problem n’yo.”


“Leave them alone, ‘yung mga fans na walang respeto kahit saan na lang nag-comment. Gumawa kayo ng GC n’yo, du’n kayo mag-Marites.”

Lagi raw nawawalan ng kaibigan si Kathryn.


“Kathryn is always losing friends.. why kaya? May friendship issue na naman pala siya with Trina na long time friend n’ya noon.”


Walang malinaw na dahilan kung bakit nagkaroon diumano ng gap sina Kathryn at Trina. Pero kung babasahin ang mga naka-post na comments sa X, ay mahihinuhang may kinalaman ang nababalitang boyfriend daw ni Kathryn ngayon na si Lucena City

Mayor Mark Alcala.


Sey pa ng ibang fans:

“We are with you, Trina!!! (teary-eyed emoji).”

“Kathryn Bernardo is THE RED FLAG (red flag emoji).”

“Bakit red flag? Dahil hindi pinili ang idol n’yo?”

“Sa mga fanney ni @bernardokath, ‘di naman kasalanan ni @trinaguytingco na (red flag emoji) enjoyer ‘yung idol n’yo. Na mas pinili n’ya ‘yung CHEATER/TRAPO over sa friendship nila.”

“Beh, ikaw na ang mag-debunk kung totoo ba ‘yung kay Mayor at Kathryn. Hindi ma-debunk nu’ng nanay, eh, sabi lang single si Kathryn. Natural, pero nagde-date, kaya nga may manliligaw, eh. Alangan namang tinitignan lang.”

“After this, kung basted man o sagutin ni Kath ‘yung (red flag emoji) na ‘yun.. markado ka, Trina sa ‘kin. Ikaw nga mas pinili mo dyowa mo over friendship tapos si Kath, ‘di puwede?”

“Her allegedly ending friendship with Trina just to be with #that man (crying emoji) can’t defend her anymore.”

“Hayaan n’yo muna si Kath, mga Mhie. Ibigay n’yo na sa kanya ‘yan. Seven years old pa lang nagwo-work na si accla. Twenty-two years n’ya na tayong pinapasaya. Sabi n’ya nga  ‘di ba? Let her experience PAIN. Kung du’n s’ya matututo at mag-grow, just LET HER. That’s her life and her life alone. Dedma na muna kay Tita Min… (crying emoji).”



BUMALIK na ulit sa Amerika ang award-winning actress na si Hilda Koronel. Lumipad siya paalis ng Pilipinas noong Thursday night.


Pero bago siya umalis, nagpaalam siya sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at fans via her Instagram (IG) account.


Sey ni Hilda sa kanyang IG post, “Goodbye for now, Manila. To all my family, friends, and fans– maraming salamat (heart emoji).


“To my SISA FAMILY- thank you so much! (red heart emoji).”


Bago umalis ng Pilipinas, tinapos talaga ni Hilda ang lahat ng eksena niya sa kanyang comeback movie, ang historical-thriller na Sisa, sa direksiyon ni Jun Lana at produced by IdeaFirst.


Actually, na-extend nang na-extend ang pag-stay ni Hilda sa Pilipinas. Nagkaroon kasi ng aberya sa set ng Sisa.



Ikinuwento ng kaibigan ni Hilda sa IG ng aktres at ni Cathy Babao ang nangyari sa set.

Caption ni Cathy sa IG post niya, “Filming proved grueling, especially under the oppressive heat of Tarlac, where the production had relocated after the original Tanay set was washed away by heavy rains. The scorching sun, the dust swirling through the air, the layers of prosthetics and period costumes-it all took a toll. 

“Imagine the make-up, the heavy costume, and the wig under that heat! Add to that the dust kicked up by the wind. She would often fall ill from vertigo.

“Some of the most demanding days began at midnight, with a 1 AM departure for the set, followed by two hours of prosthetics and makeup. Our first shot had to catch the sunrise. The shot was stunning, but imagine climbing the hill in full costume at 4 AM? But it was worth it.”

On another separate IG post of Hilda, proud na idinispley ng aktres ang luggage na ibinigay sa kanya ni Bea Alonzo.

Nagkasama sina Hilda at Bea sa The Mistress (TM), na huling movie ng veteran actress bago siya namalagi sa US.

Ipinalabas ang TM 13 years ago, kung saan nakasama nina Hilda at Bea si John Lloyd Cruz at ang yumaong si Ronaldo Valdez.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 29, 2025





Umani ng batikos ang clothing brand na Bench sa social media mula sa ilang netizens. 

Inireklamo kasi ng isang netizen ang quality at presyo ng damit na ibinebenta ng kumpanya ng sikat na businessman na si Ben Chan.


Bunsod na rin ng bonggang fashion show ng Bench, kaya nag-react at nag-post ang isang netizen na hindi satisfied sa clothing brand.


Ayon sa post, “Bench championing themselves as a local brand that focuses more on celebrity endorsements than improving their overpriced subpar quality products.”


Ini-repost ng isa pang netizen ang komento na ito sa X (dating Twitter) kahapon. 

Caption niya, “Hahaha! So true. I don’t buy Bench. The products may be a bit cheaper than some brands, but if you look at the quality of the cloth, design, sizing standards, craftsmanship, you’d realize they’re actually a bit overpriced. You don’t really need to look far for the reasons. 


“Just look at its celebrity endorsers who they pay in millions. You like Bench because you feel like a celebrity too, admit it. But do these endorsers actually use what they wear on the billboards?”


May nag-comment sa post kung aware kaya ang mga celebrity endorsers ng Bench sa quality ng produkto nila.


“Are the celebs aware that the products they endorse are of low quality? (in love emoji).”

“They couldn’t care less. It’s the talent fee they care about.”

“OMG! (Oh my God!) Pinoy celebs have no integrity. Shocker.”


Nalurky (naloka) naman kami at may mga ganitong hanash pala ang mga netizens laban sa Bench.



NIYAKAP nang mahigpit ni Kim Chiu ang singer na si Frenchie Dy nu’ng nagkita sila sa special block screening ng NICKL Entertainment para sa movie nina Kim at Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) last Thursday.


Kasali sa MLWMYD si Frenchie at kabilang din siya sa talent management ng NICKL Entertainment, ang CLNjK bilang isa sa mga mentors.


Matatandaang napabalita na muling inatake si Frenchie ng Bell’s Palsy noong Pebrero.



Nahaplos naman ang damdamin ng mga netizens, especially ang mga followers ni Kim at mga fans ng KimPau loveteam, dahil sa mainit na yakap ng aktres kay Frenchie nu’ng muli silang magkita.


“Kim is so caring and loving talaga. Kaya love siya ng kahit sinong makatrabaho niya. So is Pau. But there’s nothing like the warmth that Kim's hug brings.”

“Naiyak ako (crying emoji). Feel ko ‘yung warmth ng hug ni Kim.”



PINATUNAYAN ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) na panalo ito sa puso ng mga Pinoy matapos magwaging Best Mini Series sa 38th PMPC Star Awards for Television nitong Linggo, Marso 23, sa Dolphy Theater.


Tuwang-tuwa ang action star-lawmaker na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. na gumaganap bilang si “TOLOMEEEE!” sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye. 


“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksiyon at tawanan, kundi aral at lalim din. 


“Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.


Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksiyon, tawanan, at kurot sa puso.

Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla at iba pang mahuhusay na artista.


Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang WMNPSMNM.

Hindi pa ito kinukumpirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang. 

Babalik kaya si Tolome sa telebisyon? Abangan!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page