ni Julie Bonifacio @Winner | August 8, 2024
Gaya ng inaasahan namin, umabot na sa Senado ang alleged sexual abuse complaint ni Niño Muhlach para sa kanyang anak na si Sandro Muhlach kontra sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Cruz.
Humarap si Niño sa Senado at idinulog ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang anak. At doon ay ‘di niya napigilan ang pag-iyak habang dinidinig ang kanyang reklamo sa Senate inquiry na pinangunahan ni Sen. Robin Padilla.
Pinayuhan daw kasi si Sandro na huwag um-attend ng Senate hearing mula sa Behavioral Science ng Department of the National Bureau of Investigation. Ito’y para na rin sa mental health ni Sandro.
Pahayag ng ama niya sa Senado, “Bilang ama, I may not have been a good husband but I could proudly say that I did my best to be a good father sa abot ng aking makakaya. ‘Yung mga anak namin, tinuruan namin maging magalang, maging marespeto.”
Hindi makapaniwala si Niño sa ginawa ng mga sangkot sa sexual abuse complaint niya sa kanyang anak dahil kilala ng dating Child Wonder si Jojo Nones, ang headwriter ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na kasama rin sa ginanap na Senate hearing.
“Sobrang galang ko sa kanya, sobra ang respeto ko sa kanya. ‘Pag may events kami, ako pa ‘yung unang lumalapit sa kanya. Sir Jojo pa nga tawag ko sa kanya, eh. ‘Di ko talaga matanggap na nagawa n’ya sa anak ko ‘to, sobrang sama po talaga ng loob ko kay Jojo Nones. Kung makita n’yo lang talaga anak ko,” lahad niya.
Hindi naman nakarating sa Senate hearing sina Jojo Nones at Richard Cruz kaya pinadalhan sila ng subpoena ni Senator Jinggoy Estrada for the next session.
Hats-off talaga kami sa mga OFWs ever since. Hindi lang ang pamilya nila ang kanilang iniaangat kundi maging ang ating bansa. Sila ang tunay na nagbibigay ng ginto sa kaban ng ating bayan.
Tulad na lamang ng pamilyang Pinoy na nag-viral sa socmed. Nakaka-inspire ang pamilyang Pinoy na napanood namin sa isang video na nagtiyaga at nalampasan ang struggles sa naging buhay nila sa Canada.
Bakit nga ba tayong mga Pinoy ay pinipili nating mangibang-bansa?
Ang video ay pinamagatang Kuwentong OFW: Buhay Canada Para sa Pamilya. Ang pamilyang OFWs na nasa video ay sina Ralph Pineda, Cone Mantilla and Maricar Bonifacio-Mantilla.
Ginawa ang napanood namin na video na konektado sa ini-release na movie na pinamagatang Maple Leaf Dreams starring LA Santos at Kira Balinger na isinulat at idinirehe ni Benedict Mique.
Si Direk Mique ang nagdirek ng much-talked about films na ML (a Cinemalaya entry) at ang Monday First Screening.
Ipapalabas ang Maple Leaf Dreams sa mga sinehan sa September 25.