top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 2, 2025



Angel Locsin - FB

Photo: Heart at Chiz / IG



Palung-palo ang sunud-sunod na posts ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram (IG) na ikinatuwa ng kanyang mga loyal followers.


May bago kasing endorsement on fashion si Heart na kanyang ibinida sa IG. Patutsada raw ito ni Heart sa mga namba-bash sa kanya sa hindi niya pagpunta sa Paris Fashion Week.


Sey ng mga fans…


“Ay, pasavogue (pasabog). Wala nga sa fashion week pero mas maraming posts na hindi paulit-ulit ang atake. Ganyan lang, Missy. Push!”


“So true! Pero sana she attends the next FW (fashion week) na.”

“Mukhang may idadagdag na naman ang mga haters na ika-cancel na product like as if they even use it.”


Nagbigay naman ng pahayag si Heart bilang suporta sa mister na si Sen. Chiz Escudero sa kanyang IG story.


Say ni Heart, “Tell me that you’ll open your eyes, get up, get out, get away from these liars. ‘Cause they don’t get your soul or your fire!”


Another IG Story niya na nakasulat sa art card with background music titled Open Your Eyes: “Take my hand, knot your fingers through mine, and we'll walk from this dark room…”

Well, hindi ito ikinatuwa ng mga netizens:


“No amount of banlaw and hugas-kamay will do the trick. First Lady wanna be pa naman.”

“Tama. Open your eyes, Heart. Kaso mahirap ibuka ang mata ng taong nakikinabang.”

“She should explain first how the supposedly one of the poorest senators could afford a

million-dollar ring as a gift for her!”


Mapapansin naman sa comment section ng IG post ni Heart recently na puro papuri at depensa sa Kapuso actress ang nakalagay.

Duda ng iba, baka raw



NAGSAMPA na ng magkahiwalay na reklamo si Nadia Montenegro sa Caloocan at Pasay City courts dahil sa bintang na paggamit niya ng marijuana sa loob ng Senate building.


Mula sa report ni Ganiel Krishnan ng TV Patrol, nag-file ng libel case ang abogado ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham Garduque sa Caloocan Regional Trial Court (RTC).


Sabi ni Atty. Garduque, “It is actually false and very malicious to state that my client was caught using marijuana in the Senate comfort room.”


Bukod diyan, nag-file rin si Nadia at abogado niya ng reklamo sa Pasay City Hall laban sa isang Senate staff member for unjust vexation and violations of the Safe Spaces Act.


Sinabi ni Garduque na hinawakan si Montenegro ng mga tauhan ng Senado sa braso at kinaladkad sa pader sa loob ng Senate Hall, na harassment sa ilalim ng batas.


Nakipagkita raw si Nadia sa naturang Senate staff na nag-warning sa kanya na mag-ingat dahil may mga naiinggit sa kanya. And then, pinaghinalaan pa si Nadia na amoy-marijuana pagkatapos niyang dumaan sa isa pang kawani sa Senate.

Agad na nilinaw ni Nadia na hindi ito totoo, bagkus, ipinakita niya ang kanyang vape at nag-alok pa na ipasuri ang kanyang bag.


“After that, nagulat na lang ako na there was a photo that came out on TV and all over the news that I was apprehended, which is not true. No apprehension happened,” kuwento pa ni Nadia.


Medyo natagalan daw siyang mag-file ng case dahil sa pangangalap ng mga ebidensiya gaya ng mga kuha sa CCTV footage.


Sa kabila nito, nabigo raw silang mabigyan nito pagkatapos makiusap sa Senate, kaya dumiretso na agad sila sa pag-file ng mga reklamo.


Hindi nagtagal, nag-resign na si Nadia sa opisina ni Sen. Robin Padilla.

“This is my own battle… I am very pleased with my decision to resign. It gave me so much peace,” lahad ni Nadia.


Itinanggi ni Nadia na nagkaroon siya ng pangamba, tinawag ang mga paratang na ‘peke’ at ‘maling balita’ na sumisira sa kanyang reputasyon.

“I just want the public to know the truth. I went through a lot, but now I am stronger. I know I will have to face this and tell what really happened,” diin pa niya.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 23, 2025



Angel Locsin - FB

Photo: Angel Locsin / IG



Aktibong muli sa social media ang aktres na si Angel Locsin. 

Pagkatapos sa kanyang Instagram (IG), nakapag-post na rin si Angel sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon.


Nawala pala ang dating account sa X ni Angel kaya hindi siya nakakapag-post doon.

Post ni Angel sa X, “Hello everyone, long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na ito, pramis). Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi.”


May ilang netizens ang nagduda kung tunay na si Angel na talaga ang nagpo-post sa X.

“‘Pag na-confirm ito ni Neil Arce, saka ako maniniwala,” sabi ng isang netizen.

Ini-repost ni Angel ang statement ng netizen sa kanyang X account, “Mahal ko, paki-confirm @neil_arce.”


Pagkatapos nito, nag-post na si Angel tungkol sa ipinaglalaban niya at ng iba pang celebrities tungkol sa malalang korupsiyon sa bansa.


Post pa ni Angel sa X, “Ang sa amin, galing sa hirap — ang sa inyo, galing sa mahihirap.”

Ang susunod na aabangan ng madlang pipol ay ang paglantad muli ni Angel Locsin sa publiko.



Pambato dapat ng ‘Pinas, umatras… 

AHTISA, UMAMING TAGASALO LANG SA LABAN SA MISS UNIVERSE 2025 SA THAILAND





NAGHAHANDA na ang Miss Universe-Philippines na si Maria Ahtisa Manalo para sa nalalapit na Miss Universe 2025 pageant na gaganapin sa Thailand sa

Nobyembre 21.


Noong Pebrero 13, 2025, muling na-appoint si Ahtisa bilang Miss Universe Philippines title holder para sa Quezon. Ito na ang ikalawang pagkakataon na irerepresenta niya ang bansa sa isang kilalang beauty pageant worldwide.



ree

Sa isang interbyu, inamin ni Ahtisa na ang kanyang muling pagkakapili ay isang “last-minute decision” dahil sa naging withdrawal ng kanyang lokal na successor. 


Tulad ng kanyang naunang pagtatangka, si Ahtisa ay itinuturing na frontrunner para sa korona. Ang kanyang pagganap sa mga unang yugto ay nakitang mas pinabuti kumpara sa kanyang unang stint.


Samantala, right choice siya bilang endorser ng Pina Skin Care products, isang local Filipino beauty brand, kung saan co-endorsers niya ang kapwa beauty queen na si Yllana Marie Aduana at ang dalawang sikat na aktres na sina Bianca Umali at Julia Barretto.



ree


Ipino-promote ni Ahtisa ang Pina Beauty Glow Lotion at iba pang produkto, at bahagi siya ng campaign na “More Than a Crown”.


Gamit na gamit daw talaga ni Ahtisa ang mga produkto ng Pina Beauty gaya ng Glow Lotion, at malamang ay bibitbitin niya ang brand kahit anuman ang mangyari.





MAGPAPANG-ABOT sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco Martin. 


Pasabog ang maaksiyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episodes kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. 


Sa takbo ng kuwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco). 


Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.


Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw-buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada). 


Samantala, namaalam na sa FPJ’s BQ ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 22, 2025



Arjo Atayde

Photo: Angel Locsin / IG



Binasag na ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik sa social media. Muling nagparamdam si Angel sa mga netizens sa kanyang story sa Instagram (IG) kahapon.

Tulad ng ibang celebrities, hindi rin nakatiis si Angel na maglabas ng kanyang hinaing sa malaking isyu ng korupsiyon na nabulgar sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Idinaan ni Angel sa pag-post ng art card sa kanyang IG Story ang pagbabahagi niya ng kanyang stand sa current crisis sa bansa.


Pahayag ni Angel sa art card, “Today, I'm breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption—may God give you more strength to keep going (praying emoji).

“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods and typhoons. Naiiyak ako sa galit kasi puwede palang hindi sila naghirap. Puwede palang walang nasaktan. Puwede palang walang namatay.


“Ang bigat. Nakakapanghina ‘yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”


Bukod diyan, naglabas din si Angel ng picture niya suot ang black t-shirt na siya ring kulay ng t-shirt ng mga nag-rally sa Luneta kahapon.


Nakasulat sa black t-shirt ni Angel: “Stop flooding us with corruption.”

Hindi lang tayo sure kung iyon talaga ang hitsura ni Angel ngayon gaya ng nasa picture niya na naka-post. Maaari kasing gawa-gawa lang digitally ang hitsura niya.

Nonetheless, muling pinatunayan ni Angel na sobrang concerned talaga siya sa mga nangyayari sa bansa.



ISA si Direk GB Sampedro sa mga executive producers, along with Mr. Alex Rodriguez, ng Selda Tres (ST), isang action-drama mula sa Five 2 Seven Entertainment Production na isinulat ni Eric Ramos.


Ang ST ay isa sa limang pelikulang kasali sa full-length category sa 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.


Powerhouse ang cast ng movie ni Direk GB na pinangungunahan ng veteran actor na si Cesar Montano, kasama sina Carla Abellana at JM de Guzman.


Kasama rin sa Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso at Johnny Revilla.

During the mediacon ng ST ay tinanong namin si Direk GB kung paano nila binuo ang pelikula.


Aniya, “Uh, nag-start kami noong 2023. Kausap ko ‘yung producer namin, si Sir Alex Rodriguez. He wanted to do something na pelikula na may aksiyon na may kabuluhan. So, doon nagsimula ‘yun. Then, gumawa kami ng story ni Eric Ramos.


“Minadali na nga namin ‘yun para masimulan agad ang pelikula. Tapos tuluy-tuloy na hanggang nag-casting na kami, at nabuo ang cast. Ang tawag nga nila, may powerhouse cast daw kami.


“So, sobrang thankful ako na mabigyan ako ng opportunity ng aming partner nga, si Sir Alex.


“Binigyang-laya n’ya ako na makapili ng mga artista at sinuportahan n’ya ako sa pagkuha ng mga artistang feeling namin na nababagay, kumbaga pasok sa tema, sa istorya.”


Ang Selda Tres ay unang mapapanood sa SM Fairview at Gateway sa Sept. 24. Sa Sept. 25 ay sa Robinsons Manila, Trinoma, Market Market at SM Mall of Asia.

Sa Sept. 26, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo, SM Fairview at Gateway C18.

Sa Sept. 27, mapapanood ito sa Trinoma, SM Mall of Asia at SM Fairview.

Sa Sept. 28 magsisimula sa Market Market, Gateway C17, Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.


Sa Sept. 29, sa SM Mall of Asia naman, at sa Sept. 30, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo at Trinoma.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page