top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 7, 2025



Photo: Cristine Reyes - IG


Finally, nagsalita na si Cristine Reyes sa status ng kanyang buhay ayon sa post niya sa Instagram (IG) kahapon.


Ipinost ni Cristine ang piktyur ng lapida sa sementeryo ng kanyang Daddy Metring at mga larawang kuha during his wake.


Sa caption ay tila nagpahiwatig si Cristine tungkol sa estado ng kanyang buhay, kasama na d’yan ang estado ng kanyang puso. Usap-usapan pa rin kasi ang nababalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Marco Gumabao. But until yesterday ay walang opisyal na pahayag mula sa kanila.


Sey ni Cristine sa caption, patuloy siyang tatayo kahit ilang beses daw siyang madapa.


Narito ang buong caption ni Cristine: “Kahit lubos ang kalupitan ng tadhana sa atin. Pinakita mo sa ‘kin kung paano magpatuloy nang walang kapaitan. 


“Kaya patuloy akong tatayo kahit ilang beses ako madapa. Alam ko nand’yan ka kasama ang Panginoon para akayin ako palagi at hilumin ang mga sugat. Happy 40th day in heaven.”


Marami ang nag-post ng mensahe ng pakikiramay kay Cristine sa comment section.

Condolences, Cristine.


Bilyun-bilyon ang kita, mga korup naman…

JOHN: PALITAN LAHAT NG NAKAUPO SA GOBYERNO


Tumalak ang award-winning actor na si John Arcilla tungkol sa mga pulitiko sa ating bansa sa kanyang post sa X (dating Twitter) kahapon.


Isang mahabang post ang isinulat ni John na naglalaman ng kanyang himutok sa lahat ng opisyal na nahalal sa pamahalaan mula senador hanggang sa pinakamababang puwesto.


Mensahe ni John (as is), “Ang mga senador, kongresista at LAHAT ng OPISYAL mula sa itaas hanggang sa pinakamababa ay PINOPONDOHAN ng MILYON MILYON o BILYON BILYON sa kabuuan, at sinusuweldohan mula sa pera ng bayan galing sa BUWIS ng mamamayan at mga INUTANG ng pamahalaan. 


“Interes ba ng bayan ang pinaglalaban nila? Marami sa aming mga GEN X ang NAGKAMALI sa mga pinili namin na deka-dekada nang NAKAUPO (ang iba ay nandaya pa at hindi kami umiimik) pati pamilya nila na nakapuwesto at yumaman na. UMUNLAD NA BA ANG BAYAN NATIN? HINDI PORKE MATATAAS NA ANG BUILDING AT MADAMING PINANATATAYONG INFRASTRUCTURE AY MAUNLAD NA ANG BAYAN. 


“Sino ba ang kumikita d’yan? Mga negosyante at pulitiko? LIBRENG MATAAS NA KALIDAD NG HOSPITAL para sa LAHAT. LIBRENG PAG-AARAL NA MAAYOS ANG MGA PASILIDAD PARA sa LAHAT. MABABANG PRESYO NG PAMASAHE AT MGA BILIHIN. TRABAHO PARA sa LAHAT at MATAAS NA SUWELDO. MERON NA BA? TUNGKULING RESOLBAHAN ‘YAN NG LAHAT NG NAKAUPO. 


“Umunlad na ba or UMAYOS MAN LANG ang BUHAY ng PAMILYA natin? Ilang dekada na ba silang nakaupo, at ilang BATAS NA BA ANG NAGAWA? NA-SOLVE BA ANG KAHIRAPAN ng BANSA? LALONG LUMULUBOG SA UTANG ANG PILIPINAS PERO SAAN NAPUPUNTA ANG PERA? 

“Hindi na natin kailangan ng REBOLUSYON, civil war o KUDETA (pinagdaanan na natin ang mga ganyan may nabago ba?) REBOLUSYON ng PANSARILING INTERES ng ISIP, PUSO at KALULUWA ang kailangan natin. PANAHON n’yo na MGA GEN-Z at MILLENNIALS.”

Nanawagan pa si John sa mga Gen Z at millennial na palitan na ang mga matagal nang nakaupo at dinastiya sa gobyerno.


Pagpapatuloy ng mensahe niya, “Sa BAWAT darating na BOTOHAN, I’m sure na malinaw na sa inyo ang SOLUSYON. PALITAN N’YO NA ANG LAHAT NG isang dekada nang nakaupo, PALITAN N’YO NA ANG MGA MAGKAKAMAG-ANAK NA NAKAUPO. 


“‘Yun ang layunin ng BOTOHAN, ‘di ba? PALITAN NG MGA BAGO AT MAS MAHUSAY ang mga UNANG UMUPO. HINDI PARA PANATILIHIN SILA SA PUWESTO. Iakyat sa pwesto ang MAHUSAY at EPEKTIBO, tanggalin ang HINDI. Mag-research ng mga BAGO at TAMANG TAO. I’m sure alam ninyo na KAYO, PAMILYA ninyo at ang buong bansa ANG MAKIKINABANG SA GAGAWIN NINYO. Good luck!”


May isang netizen ang umapela sa pahayag ni John na nag-comment sa post niya, “Parang si Kiko Pangilinan ba? Ilang dekada nang senador, may nagbago ba?”

Hindi ito pinalampas ni John at kanyang sinagot.


Reply ni John, “Ilan ba ang katulad ni Kiko na pinapaupo n’yo? ‘Yang katuwiran mo ang isa sa dahilan kung bakit walang nagbabago. LAHAT PALITAN. Ano ang magagawa ng isa o kahit sampung matino? Bilangin mo ang lahat ng opisyal sa buong Pilipinas. At lagyan mo ng LOHIKA o logic ‘yang mga sagot mo. Kung hindi, maniniwala akong troll ka or impluwensiyado ng troll.”


Muling sumagot ang netizen sa reply ni John, “Pero ang description mo from your post fits him, ‘di ba? Alam mo sa sarili mo isa s’ya du’n. Bakit biglang iba s’ya? Palitan lahat means lahat lalo na ‘yung dekada na nakaupo.”


At nagbigay din ng kanyang huling reply si John sa netizen, “Anyway I wish you’re not a troll it is easy to block you anyway. Kung inilalayo mo ‘yung issue na napaka-simple namang intindihin. ‘Pag-initan mo ba naman ‘yung iisa dalawa na lang na nakalusot laban sa almost 90% na dati nang corrupt, ano’ng mababago ng isa o dalawa? Kahit pa matino sila.”


Dinepensahan naman si John ng isang netizen, “Hayaan mo na sila, sir. They have their version of the truth, and no amount of persuasion can make them think otherwise.”

Ang ibang netizens naman ay pinuri si John sa kanyang mga pananaw: 


“What I admire about you Sir, is that from among the few in the industry, you have social and political awareness and strive to always be on the side of history. May others follow your example.”


So, there.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 6, 2025



Photo: Ivana Alaawi - IG



Pinutakti si Ivana Alawi ng kanyang mga bashers sa latest post niya sa kanyang Instagram (IG) couple of days after sumabog ang pagkakadawit niya sa complaint affidavit ng misis ni Bacolod Mayor Albee Benitez na si Dominique “Nikki” Lopez.


Isang video na may app na nagta-transform maging Cleopatra ang in-upload ni Ivana sa kanyang latest IG post. 


Ito ang mga comments:


“Para lang siguro ma-divert isipan ng mga tao kaya nag-post ng ganito.”

“Kunwari unbothered — (laughing out loud emoji).”

“Iba talagang mag-alaga si Gov…”


Dinepensahan naman si Ivana ng kanyang mga fans:


“Account n’ya ‘to, so wala ka nang pakialam if mag-post man si Ivana.”

“Naks! Mga galit na galit kuno, iba ang kitaan ng troll.”


Meron ding hindi makapaniwala na nadawit si Ivana sa lalaking may asawa. 


Sey nila, “I can’t believe, Ms. Ivana. You have everything na… Pero bakit? ‘Di ka man lang ba nakukunsensiya? Sana, hinintay mo na lang na ma-annulled sila.”


“2003 pa raw sila (Mayor Albee and Nikki) hiwalay.”


“Not true po. (Taong) 2023, they’re still together ni wife. Nag-file ng annulment nu’ng naging sila ni mayor.”


Samantala, may nagbigay ng mga unsolicited advice kay Ivana.


“If totoo man ang issue sa ‘yo, Ivana, much better putulin mo muna. ‘Di pa huli ang lahat para kumawala sa pagiging side woman, itaas mo value mo at humanap ng binata. If hindi naman totoo, sana ipaglaban mo ang side mo sa korte. Kaso ang tahimik mo ‘day, baka totoo nga.” 


“Bata ka pa, Ivana, maghanap ka ng para sa ‘yo. ‘Wag ka masilaw sa yaman na kayang ibigay ng lalaki na may sariling pamilya. Baka in the future, mangyari rin sa ‘yo at masaktan ka as legal wife.”


“Mema ang mga bashers… mas marami s’yang naitulong kaysa sa inyo.”

“Judge n’yo muna pagkatao n’yo.”


“‘Pag ba tumutulong, enough na ‘yun para kalimutan ang kasalanan?”

“I wonder what would happen to her career if proven to be involved in that issue…”

Unbothered nga po, eh… (laughing emoji).



KALAT na sa social media ang hiwalayan ng singer at ng kanyang non-showbiz husband. Marami pa naman ang umasa na pang-fairytale ang love story nila, that she will also live happily ever after.


Mala-prinsesa kasi ang datingan nu’ng ikinasal si singer sa kanyang non-showbiz hubby na kilalang belong sa international business world, habang si singer-actress ay super successful sa kanyang career. 


Until now naman, bonggacious pa rin ang kanyang career. Katunayan, may naka-schedule siya na project for the last quarter of the year.


Pero pagdating sa kanyang personal life, kilala rin si singer na tikom ang bibig pagdating sa kanyang love life, much more on married life.


Nalungkot siyempre pa ang mga netizens, especially her fans na nangarap sa matagumpay na career at mala-fairytale love story ni singer-actress.


Sey ng mga Marites, “Parang ito ‘yung matagal nang napapabalitang hiwalay na dahil hindi na visible ang asawa sa kanyang socmed (social media), matagal na, nor sa events n’ya and even in private functions. Very strong ang personality nito.”


“L and husband.”


“This is my guess too. SE is L. NS is R.”


“Sayang because nangyari rin sa kanya. Same rin sa parents n’ya. You really can’t have everything. At least she has a career.”


Pansin din ng mga netizens na wala nang post sa kanyang IG si singer kasama ang kanyang hubby.


“Parang ‘di sina L and R, may post pa sila together sa socmed.”

“O, wow talaga? Matagal nang walang post si L with husband, kahit special occasions, waley.

Baka iba ang nasa utak mo.”


Well, sana, hindi true na hiwalay na si singer at ang kanyang non-showbiz hubby.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 4, 2025



Photo: Bea at Vincent - IG


Ang daming excited sa love life ng Kapuso actress na si Bea Alonzo. Bawat kembot ni Bea with her businessman boyfriend na si Vincent Co, nagba-viral sa social media.

Even ang latest post sa Instagram (IG) ng road manager ni Bea na si Cristina “Nina” Ferrer ay pinagpiyestahan.


Kasama kasi ni Nina sa larawan na ipinost niya sa IG ang magkasintahang sina Bea at Vincent. Napaka-sweet ng pose ng aktres with Vincent sa piktyur, nakahilig ang mukha ni Bea sa balikat ng BF habang napakatamis ng kanyang ngiti.


Prior to this, may piktyur din sina Bea at Vincent na nag-viral sa socmed kasama ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero, pati ang iba pa nilang mga kaibigan.

Sa piktyur na nabanggit, kitang-kita na nakaangkla ang kamay at braso ni Vincent sa balikat ni Bea.


Needless to say, magkarelasyon na talaga sina Bea at Vincent. Hindi na kailangang magsalita pa ni Bea or kahit ni Vincent kung ano ang real score sa kanilang dalawa.


Gaya ng kasabihan sa showbiz, what you see is what you get.

Pero siyempre, iba na kapag pinag-usapan na ang kasalan. Maraming fans ni Bea ang nagwi-wish na si Vincent na ang ‘the one’ for her. But at the same time, may nagne-nega rin.


Sey ng mga netizens, “Kung s’ya na nga ang the one ni Bea,  50/50 pa. Uncertain kung magkatuluyan sila.”


“1 year max ‘pag 40 ni Bea at sila pa rin, gora na sa kasal.”

“She just needs to be quiet and play nice until he marries her (smiling emoji).”

Sabeee?



NAALIW si It’s Showtime (IS) host Anne Curtis sa ginawang video sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya noontime show last Monday. Ang naturang video ay naka-post sa X (dating Twitter) account ng IS.


Caption sa video na naglalaman ng mensahe ng mga Kapamilya sa pagbabalik ni Anne, “Ano’ng masasabi ng Madlang People sa pagbabalik ni Anne Curtis? Anne Curtis is now on her SECOND DAY! (kissing emoji).”


Nagmistulang promo ng pelikulang palabas na sa mga sinehan mula sa Star Cinema ang video na ginawa ng IS for Anne na nagre-request na mas maraming araw pa siyang mapanood sa Kapamilya noontime show. Kasi nga, madalas wala sa noontime show ang host-actress.


Caption naman ni Anne sa ini-repost n’ya na video sa X kahapon, “OMG KAYO! Hahahaha! THE EFFORT FOR THE PLAYTIME! LOVE YOU GUYS HAHAHAHAHAHAHA TAWANG-TAWA AKO!”

Nag-comment ang madlang pipol sa post ni Anne:


“Unti-unting bumabalik na saya ko… sana, ‘di ka na um-absent ng 10 years…”


“May pang-3rd day po ba, Ms. @annecurtissmith?”


“You are really a ball of sunshine sa Showtime. Hindi ako nanonood ‘pag wala ka kasi masaya ‘pag kumpleto ang quadro na Vhong, Jhong, Anne and Vice.”


“Sana po mag-blockbuster ‘yung movie n’yo, Ate Anne, Hahahaha!”


“Mima! Feeling ko mae-extend ‘yan hanggang 1 month. Superdupermega blockbuster kasi!”

Anyway, ang dami pa rin talagang nakatutok sa IS mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z, GMA-7, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page