top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 11, 2025



Photo: Paulo Avelino - IG


Sa tinagal-tagal ni Paulo Avelino sa ABS-CBN, marami ang nagulat na hindi pala siya under ng Star Magic na siyang nangangasiwa ng kanyang career ngayon.


All along, akala ng mga netizens ay under Star Magic si Paulo dahil sa alaga at magandang takbo ng kanyang showbiz career. Now they know na recently lang talaga naging official Star Magic artist ang aktor.


Last Monday ay naglabas ng official announcement na mananatiling Kapamilya star si Paulo pagkatapos pumayag na magpa-manage sa Star Magic.


Ang dating manager ni Paulo na pumanaw na ay si Leo Dominguez na manager din nina Lovi Poe, Janine Gutierrez atbp..


Ang name ng talent management dati ni Paulo with Lovi and Janine ay LVD Management Corporation. 


Sey pa ng mga netizens, “See, no recall naman talaga si Paulo. Walang may alam or walang interesado until makasama ni Kim (Chiu). Masuwerte s’ya at napasanib-puwersa kay Kim. Naging pangkabuhayan showcase n’ya. ‘Di ba?”


Sinagot ito ng isang netizen at sinabing hindi nito alam na madami nang ganap si Paulo, prior to his projects with Kim.


“Hala! Ngayon lang nag-Star Magic si Paulo? Saan agency s’ya dati? Mabuti na lang, magaganda serye n’ya sa ABS kahit hindi s’ya talent ng Star Magic. Gustung-gusto ko acting n’ya sa Bridges of Love at General’s Daughter. Okey din s’ya sa Linlang, nakakaawa naman doon.”


“Good luck to you! I hope they stop promoting you as half of a LT (love team) but as an individual artist with your own name recognition.”


Sa ngayon, hindi pa raw ire-reveal ng Star Magic ang mga gagawing proyekto ni Paulo under their management.


Although, sinabi ng aming source na may gagawin ulit na teleserye si Paulo with Kim Chiu. At para na rin sa KimPau fans, kakaibang teleserye this time ang gagawin ng kanilang mga idolo.


Ang bagong teleserye nina Kim at Paulo is totally different sa mga nagawa na nilang proyekto, ayon sa aming source. And then, may movie rin na gagawin sina Kim at Paulo na ididirek ni Olivia Lamasan. This will be Direk Olive’s directorial comeback.


Exciting ang mga upcoming projects nina Kim at Paulo, ‘di ba, mga KimPau fans?


PROUD na ipinost ng aktres at balik-government post na si Aiko Melendez ang pictures niya sa Instagram sa programa ni King of Talk Boy Abunda sa GMA-7 na umere nu’ng Lunes.


Caption ni Aiko sa Instagram (IG) niya, “Fast talk interview with the King of Talk, Tito Ninong Boy Abunda.


“I finally had the time for a meaningful conversation. They say I’m fierce and brave? 

“Well, as you grow older, you learn to choose your battles. When to fight and what's truly worth standing up for, at the right time and in the right moment. Beautiful. Today was something.”


Bahagi ng panayam kay Aiko ni Kuya Boy ang paksa sa pagkakaiba ng buhay-artista sa mga hindi artista.


“The minute that you come out on TV, you make yourself public and you’re accessible to everyone already. Unlike when you’re just someone from an ordinary life, eh, hindi ka nila pakikialaman,” sey ni Aiko sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Pagbabahagi pa ng batikang aktres, isa sa mga naging challenges niya bilang artista ay ang paglabas sa role na nakasanayan na nila.


Isa si Aiko sa mga taga-showbiz na nakahanap ng mga tunay na kaibigan with her co-actors in the industry.


“Kaya lang, hindi mo rin maaalis na ‘pagka meron kang tunay na kaibigan na dadaan din

kayo sa mga bumps sa buhay,” lahad ni Aiko.


Wala naman daw tao ang hindi dumadaan sa mga pagsubok sa buhay.

Knows sa showbiz ang mga matatalik na kaibigan ni Aiko. Kabilang d’yan sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan at ang magkapatid na sina Gelli at Janice de Belen.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 10, 2025



Photo: Sanya Lopez at VP Sara Duterte - Instagram


Pinag-initan ng mga netizens ang picture ng aktres na si Sanya Lopez kasama si Vice-President Sara Duterte.


Binatikos si Sanya pati na ang kanyang bagong single na Hot Maria Clara (HMC) dahil sa nag-viral na photo niya with VP Sara.


Nag-number two kasi sa Spotify PH ang HMC, ang kanyang first ever single sa GMA Music na inilunsad 3 years ago.


Caption ng netizen sa picture ni Sanya with VP Sara sa X (dating Twitter) kahapon, “Paanong hindi magiging hot Maria Clara, eh, sumasama sa mga taga-impiyerno?”


Dinepensahan naman si Sanya ng kanyang mga fans and followers sa social media.


“Nagpa-picture lang (grimacing face emoji).”

“Sus, pati na naman pagpapakuha ng picture ni Sanya, papatulan ninyo? Hahaha!


Ganyan na ba kababa IQ ninyo? Hahahaha!”


“This is paid, and you would do it too for a check! Davaoeños chose her to be there, not her! Let her do her gig.”


“Girl, that was the peak of First Yaya/Lady and AFTER the election. She was the top pick of Davaoeños to grace the inaugural. It’s just the same as any celebs who are PAID to work to entertain in those parties. Ask Meme Vice.”


Pansin ng mga supporters ni Sanya, may gusto lang siraan ang Kapuso star dahil palung-palo ang kanyang HMC na composed by Direk Njel de Mesa, na siya ring nagdirek ng music video ng kanta.


Ale, ah, ganu’n na nga!

FEMALE CELEB, MAS PINILI ANG CAREER ABROAD KAYA HIWALAY NA SILA NG MISTER


BLIND ITEM:

IBA-IBA ang natanggap naming reaksiyon mula sa ilang showbiz insiders tungkol sa blind item namin sa isang sikat na female celebrity (FC) at sa kanyang non-showbiz husband (NSH).

Lumabas kasi sa socmed (social media) ang tsikang hiwalay na sina FC at NSH. Although, open secret na pala sa circle of friends ng magdyowa ang kinahinatnan ng relasyon nila.


Matagal na raw hiwalay sina FC at NSH na nanirahan sa ibang bansa.


In demand si FC abroad, kaya okey lang sa kanya na roon na manirahan. While si NSH ay may tsikang nananatili pa ring nakatira sa Pilipinas, sa bandang South. Mas type raw kasi nito ang buhay sa Pilipinas kesa sa ibang bansa, bagama’t nabalita noon na businessman abroad si NSH, kaya marami ang napaniwala na bagay siya kay FC.


Sabi ng source namin, “Tahimik si FC, kaya walang balita sa new single life n’ya.”

Tsika pa sa amin, marami raw makukuha si NSH kapag naghatian sila ng conjugal properties (or baka naghatian na nga).


May business daw dati si NSH na parang digital production, pero wala nang balita ngayon. Baka raw nag-flopchina (talo) ‘yung business ni NSH. Kasi kung bongga ito, mababalitaan natin na dumami ang projects.


Basta lagi raw playing golf si NSH sa kilalang subdivision na malapit sa dating bahay ni FC.


Samantala, hindi masagot ng source namin kung may prenup agreement sina FC at NSH. Pero kahit hatian pa ng yaman ni FC si NSH, hindi naman ito malaking kawalan sa sikat na female celeb.


Non-stop kasi ang bayad sa kanya every time ginagamit ang kanyang mga artworks. And in dollars, huh?!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 8, 2025



Photo: Chiz Escudero at Romnick Sarmenta - IG


Binanatan ni Romnick Sarmenta si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa X (dating Twitter) kahapon. 


For the past weeks ay inulan ng batikos si Sen. Chiz sa social media mula sa mga netizens. May kinalaman ito sa pagdinig ng impeachment case kontra kay Vice-President Sara Duterte.


Naiinip na ang mga netizens, pati na rin ibang mga pulitiko at kapwa-senador ng mister ni Heart Evangelista kung kailan uumpisahan ang Senate hearing para sa impeachment case ni VP Sara.


Isa si Romnick sa mga artistang mahilig magbigay ng kanyang opinyon sa lagay ng bansa at mga palpak na tao sa gobyerno.


Post ni Romnick sa X, “Ang tanong: Naiintindihan ba ng Senate President ang tungkulin n’ya? Nagbabasa ba s’ya ng Constitution? Nagsisilbi ba s’ya para sa kapakanan ng tao? O sa mga pinipili n’yang unahin at pagsilbihan? O iniisip ba n’yang mas mataas s’ya sa sambayanan?”


Maraming mga netizens ang kumuda at umayon sa mga sinabi ni Romnick sa X.

Ito ang sey nila…


“Feeling ko, absent s’ya lagi nu’ng idini-discuss ‘yung Constitution, lalo na ‘yung kung ano meaning ng forthwith at mandate (laughing face emoji).”


“Matalino si Chiz, tanga-tangahan lang ‘yan ngayon in his quest to stay in power as SP.”

“Ang loyalty ni Chiz ay na kay Sara Duterte at hindi sa taumbayan. Sigurado, malaki nakulimbat n’yan!”


Pati ang kilay ng mister ni Heart ay pinag-initan din ng mga netizens. 

Nagkalat ang memes ni Sen. Chiz na may koneksiyon sa kilay niya.


“Kilay at hikaw ang iniisip n’ya, ang sagwa namang tingnan, s’ya lang at asawa niya ang nagagandahan siguro (smiling with squinting eyes emoji).”

“Feelingera kasi itong si Senator Kilay…”


Pati si Heart ay nadadawit na rin sa pamba-bash kay Sen. Chiz, “Chiz can be an effective bodyguard to his wife every time she's in Paris for a fashion show, instead of being a Senate President.”


Sa huli, pinuri ng netizen si Romnick dahil sa kanyang ipinost.


“Parang si @SayChiz dapat yata ang nag-artista na lang. At itong si Romnick na lang ang naging presidente ng @senatePH. ‘Di hamak na mas may saysay at laman ang utak ni Romnick. Kamalas talaga ng Pilipinas.”

“Pati ba ang Pilipinas, laitin? Haller!”


Ano’ng sey n’yo, mga Ka-Bulgar?


Panukalang batas ni Sen. Robin, nakakabahala raw… DIREK BRILLANTE, PUMALAG SA PAG-CENSOR NG MTRCB SA STREAMING APP


SPEAKING of Senate, naglabas ng open letter ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza para sa Mataas na Kapulungan sa dalawang Kamara na gumagawa ng batas sa bansa.


Ang open letter ni Direk Brillante sa mga senador ay bilang reaksiyon sa pagbibigay ng mandate sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na i-classify din ang streaming platforms.


Ayon kay Direk Brillante, “Senator Robin Padilla’s proposed bill regulating streaming content through the MTRCB is deeply troubling. The stated intention is to protect children, but this is blatant control over our individual viewing choices in the privacy of our own homes. 


“Who has the right to dictate what we can and cannot watch? Should a government agency have this power? Is the control they already exert over cinema and television not enough?


“We live in an age of social media and widespread internet access. We cannot, and should not, control what every citizen chooses to watch. This is not the government’s purview; it is a matter of personal responsibility.


“Kung ang layunin daw ng bill ay upang proteksiyunan ang moralidad ng mga kabataan, ang pagkokontrol sa access to content is not the answer,” sey ng international award-winning director. 


Diin pa niya, “That responsibility lies with parents in raising their children. If a child witnesses corruption daily, from the barangay level to the highest echelons of government, how can they be guided towards righteousness? This is where our focus should be.


“Everything begins in the family. Who we are today is a product of our parents’ upbringing, and no one else’s. Let’s keep showbiz where it belongs—out of the business of governing others. Let's stop the political grandstanding.”

Ang dapat daw unahin ng mga artistang nahalal sa gobyerno ay ang kapakanan ng film workers. Until now ay wala pa raw malinaw na batas ang naisampa para sa proteksiyon ng mga manggagawa sa film industry.


“After years of acting, experiencing the hardships of filmmaking, and serving in politics, have they not paused to consider how they might help their fellow workers?

“Had Eddie Garcia not died, perhaps the law regarding fair working conditions would have been enacted sooner. It’s a basic law that should have been in place long ago.

The industry has been languishing, yet no action has been taken to revive it, while ordinary film workers struggle to survive. Even directors and writers resort to odd jobs just to make ends meet.


“We live in modern times. Let us not be hypocrites. Let us be truthful. Let us open our eyes to our surroundings. Let us feel what others are going through, what is in the hearts of our fellow Filipinos. Let us truly see, not just look. Because in seeing, we will find something far more meaningful,” paglalahad pa ni Direk Brillante.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page