top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 12, 2025



Richard Poon - IG

Photo: Richard Poon - IG



Inulan ng batikos ang Filipino-Chinese singer-songwriter na si Richard Poon sa post ng isang restaurant sa Marikina City kung saan nakatakdang mag-show ang tinaguriang “The Philippines’ Big Band Crooner”.


Hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers si Richard sa pag-endorso niya kay former President Rodrigo Duterte nu’ng tumakbong pangulo. 


Sa madaling salita, isang DDS (diehard Duterte supporter) si Richard.

Sey ng mga netizens…

“A Big NO to DDS!!"

“Hell no. DDS ‘to si Poon.”

“Kulto = Poon.”


Pero may mga nagtanggol naman kay Richard at sey ng fan, “The guy is brilliant and talented. To hell with politics.”


Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pangungutya kay Richard sa pagiging DDS.

“Bring him home? Nope!”


Hindi ito pinalampas ni Richard at sinagot niya ang isang komento.

Reply ni Richard, “Hi! Michael ****, sadly no, I wear a black full suit with white inner when I play music for Senior Citizens.”


Isa pang comment-post ang pinatulan ni Richard.

Comment ng netizen, “Kaya pala ‘di na nakikita sa ASAP, DDS pala! Idol ko ‘to, eh, manonood sana ako sa gig n’ya, kaso nu’ng nabasa ko mga comments, nawalan na ako ng gana. Sa isang iglap naging DEMONYO na rin ang tingin ko sa maamong mukha n’ya! Magagaya rin ito kay Jimmy Bondoc, lalangawin ang mga concerts at gigs.”


Reply ni Richard sa netizen, “Naging demonyo na tingin mo sa mukha ko? Because I do not subscribe to your preferred political beliefs?”


Pati ang eskuwelahan na pinasukan ni Richard ay nalait.

Sey ng isang netizen, “La Salle nag-aral pero DDS. Sayang ang tuition fee.”

Of course, sumagot ulit si Richard, “Sayang ang tuition fee? I don’t believe I need to demonize my deceased father’s hard-earned money to send me to school just because I don’t subscribe to your political beliefs.


“And all DLSU graduates should have your same political beliefs in order to justify tuition fees? I think not. Stay healthy & safe,” sabi ni Richard Poon.

Oh, ‘di ba?



SPOTTED namin si Enrique Gil na palabuy-laboy sa sinehan sa Shangri-La EDSA kung saan ginaganap ang Cinemalaya.


Ewan ba namin kung bakit tila gustong itago ng aktor ang kanyang mukha sa mga tao roon. Nakasuot kasi siya ng sumbrero na nakababa na halos matakpan na ang kanyang mga mata. Tila ayaw niyang makilala o mabati ng mga tao.

Mabuti na lang at hindi naman ganoon karami ang tao na nagpunta sa Cinemalaya event kaya mabibilang lang talaga sa mga daliri ang nakapansin kay Enrique. 


Although, hindi rin siya ganoon ka-welcoming sa mga bumabati sa kanya. Paglampas at paglingon namin muli kay Enrique, naglaho na siyang parang bula habang kami naman ay pumasok na sa loob ng Cinema 2 ng Shangri-La para makinig sa book reading ng dalawang bagong libro ng National Artist for Film na si Ricky Lee.


Ang dalawang bagong libro ni Sir Ricky ay ang Pinilakang Tabing at Agaw-Tingin (Koleksyon ng non-fiction ni Ricky Lee).


Ang mga batikang direktor ang mga nagbasa ng excerpts sa mga libro ni Sir Ricky. Una na d’yan ang box-office director na si Erik Matti na sinundan nina Jerrold Tarog, Paolo Villaluna, Zig Dulay, Jade Castro, Carlitos Siguion-Reyna, Laurice Guillen atbp..


Hindi nakarating ang iba pang directors na inimbita para sa book reading gaya nina Cathy Garcia-Sampana at Joel Lamangan.


Nakahabol at nag-perform naman si Karylle kasama ang dalawang Tawag ng Tanghalan (TNT) champions. Pinilit talaga niyang makahabol mula sa live episode ng It’s Showtime (IS) at sa taping nito. Hindi agad nakaalis si Karylle sa taping dahil umupo pa siya bilang isa sa mga hurado sa TNT.


Anyway, tama si Sir Ricky when he said na mas mahusay ang pagbabasa sa mga linya sa kanyang libro ng mga direktor kaysa sa mga artista sa mga nakalipas niyang book reading events.

Agree kami d’yan.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 8, 2025



FB Gretchen Ho

Photo: FB Gretchen Ho



Affected ang kamag-anak ng TV host na si Gretchen Ho sa malalang korupsiyon sa bansa. 


Nakarating na worldwide ang balita ng katiwalian sa hanay ng mga mambabatas natin at ilang kawani ng gobyerno.


Sila ang mga naturingang lider sa bansa na dapat nangangalaga sa kapakanan ng mga Pinoy, pero hindi pala. Bagkus, sila pa ang nagpahamak sa atin para masadlak sa kahirapan at mabaon sa malaking utang ang bansa.


Ang nakakalungkot, umabot na ang isyu pati sa ibang bansa at apektado na ang mga kapwa Pinoy nating naninirahan du’n dahil nadi-discriminate na sila. 


Tulad na lamang ng nangyari sa mga kamag-anak ni Gretchen Ho na nag-travel sa Oslo, Norway.


Post ni Gretchen sa X (dating Twitter): “One of our family members traveling abroad got denied at the foreign exchange counter in Oslo, Norway.


“Lady at the counter goes — ‘You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines.’ This family member (along with a group of friends) told me they were asked to exchange their money elsewhere but not at the airport. A family member was just trying to exchange 300 USD.

“Terrible. What are we going to do about this, Pilipinas?”


Dahil sa post ni Gretchen, maraming Pinoy ang nag-reveal na sila man ay nakaranas ng ganitong panggigipit sa ibang bansa na pinuntahan nila.


“Turns out the experience isn’t isolated to our family members. Sending a report to the Philippine Ambassador to Norway. Similar experience on my FB (Facebook) post,” sabi ni Gretchen sa post niya na screenshot ng comment sa Facebook.


Hanggang sa nakarating na rin sa embahada ng Pilipinas sa Norway ang X post ni Gretchen.


Pahayag niya, “I have already spoken with the Philippine Ambassador to Norway. He called me up last night after I emailed an official incident report on what happened to my family member at Gardermoen Airport in Oslo.


“The Ambassador was surprised. As far as he knows, these incidents shouldn’t be happening. He says he’ll be meeting with the Norwegian foreign ministry to address the issue.


“For context, the Philippines was already taken out of the ‘grey list’ of the Financial Action Task Force (FATF) just this February of 2025. We want to get some clarity on this, if there is a new policy, given recent events, or just a failure to update and disseminate information. 


“I believe getting some clarity would help not just our family, but other Filipinos who have shared similar experiences at the same airport in Oslo, saying they have been declined foreign exchange services upon knowing their country of origin is the Philippines.


“So are we back on the ‘high-risk’ list for money laundering? Or is this an overeager clerk who was simply not updated on the grey list?”

‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 4, 2025



Regine Velasquez-Alcasid

Photo: Regine Velasquez-Alcasid



Tinawag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na “makakapal ang mukha” ng mga tiwaling kawani ng gobyerno at pulitiko sa kanyang latest post sa Instagram (IG).

Hindi na napigilan ni Regine na ilabas ang kanyang nararamdaman laban sa mga magnanakaw ng pera ng bayan.


Ipinost ni Regine ang isang video mula sa TikTok na nagpapakita ng isang maunlad at makabagong Pilipinas.


Caption ni Regine, “Kung hindi ninanakaw pera natin, kaya ‘to, eh! The thing is, hindi sila marunong mahiya. 


“Kahit sabihan silang magnanakaw, makapal ang mukha at isinusuka na natin sila, waley pa rin. Magtuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hanggang maubos na lang nila ‘yung ninakaw nila, tapos nakaw uli.


“In the meantime, we continue to pay taxes na pinagpaguran natin. Ano pa puwede nila lagyan ng tax, ano pa! Baka paggising natin isang araw, pati hangin may tax na!

“Ano ba gagawin natin? Bakit parang I feel helpless, naghihintay tayo na may maparusahan na most likely wala.


“Ano ba gagawin natin para maituwid ang baluktot na pamamalakad na ito?

“At kahit iba ang ilagay natin d’yan, I don’t think it will change. I’m 55 (years old), konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo. Sana man lang maabutan namin ang isang maluwalhating pamumuhay para sa mga Pilipino.”


Kinampihan si Regine ng mga netizens sa mga pahayag niya sa kanyang IG post.

“Mabuhay ka, Ms. Regine! Our National Treasure in Music. Thank you for voicing out!”

“Powerful voice indeed.”


“Ate, I feel you. Gusto ko rin silang batuhin ng kamatis.”

Kamatis lang?!



TWENTY days na lang ang hihintayin ng mga nag-aabang sa 20th anniversary concert ni Power Diva Frenchie Dy titled Here to Stay (HTS) na gaganapin sa Music Museum, Greenhills, San Juan City on October 24, Friday, 8 PM.


Malaking milestone para kay Frenchie ang anniversary concert dahil ihahatid nito ang naging journey ng kanyang career sa showbiz for more than 20 years. Ito rin ang kauna-unahang solo major concert ni Power Diva.


Isa sa mga highlights ng concert ni Frenchie ay ang pagiging survivor niya bilang Bell’s Palsy patient—hindi lang minsan kundi tatlong beses. Sa kabila nito, napagtagumpayan niya ang kanyang karamdaman at patuloy na hinaharap ang mga hamon ng buhay.


Pahayag ni Frenchie, “Naging inspirasyon ko po ang mga anak ko, tapos ‘yung pamilya ko po. ‘Yung mga tao po na nagme-message sa akin, ‘yung iba’t ibang istorya nila na pinagdaanan ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy.”


Special guests sa HTS sina Ice Seguerra, Sheryn Regis, OJ Mariano, Ala Kim the Magician at ang El Gamma Penumbra.

Makakabili ng tiket sa Ticket2Me website.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page