top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | January 15, 2026



Kris Aquino - IG

Photo: Kris Aquino - IG



Natuloy na rin ang operasyon ni Kris Aquino kahapon. Ibinahagi ni Kris ang latest medical procedure na pinagdaanan niya.


Ipinost ng aktres-TV host sa Instagram (IG) ang isang larawan niya habang nakahiga sa loob ng medical room ng ospital, kalakip ang ilang detalye ng naganap na operasyon.


Caption ni Kris, “This is for me a short post. Thank you for continuing to pray for me to get better, for having faith that God will make all things possible. I haven’t fully processed what happened. It was supposed to be a minor PICC line procedure, but there was a span of time totaling almost two minutes when my lung stopped functioning—I stopped breathing.


“I credit my anesthesiologist, my two surgeons, and as soon as I awakened, the reassuring face of my rheumatologist whose concern and love I felt.


“In my post-op recovery room, it was future pediatrician, neurologist, or anesthesiologist Bimb’s kiss that made me realize we owe all of you my life. Utang namin na buhay pa rin ako. The Holy Spirit guided my doctors and everyone in the OR. As the song lyrics say: ‘And when the night is cloudy, there is still a light that shines on me… Shinin’ until tomorrow, let it be… I wake up to the sound of music, Mother Mary comes to me speaking words of wisdom, let it be…’”


Supposedly, Monday ang nakatakdang operasyon ni Kris, pero tumaas ang kanyang blood pressure dahil sa pag-atake ng kanyang migraine.


Paliwanag ni Kris sa kanyang Instagram post last Tuesday, “This surgery was delayed from yesterday to very soon because my BP was sky high the whole of Sunday—the culprit, my migraine.


“Thank you to my pain management doctor Henry Lu and his entire team for finding the right formula, although Sunday night and yesterday I was given a pharmacy.”

Ikinuwento rin ni Kris sa caption ang namalas niyang concern ni Bimby para sa kanyang kuya na si Josh.


“Entering the pre-OP area. Kuya was shaking and automatically grabbed Bimb’s hand. I did something right in making sure Bimb grew up knowing he’ll be responsible for his Kuya. And Kuya feels secure with Bimb. Going in. #family,” tsika pa ni Kris.



Mister na doktor pa mismo ang taga-inject…

CARLA, GUSTONG MAGKAANAK, NAGPAPA-FREEZE NG EGG



VERY open si Carla Abellana sa pagpapa-freeze ng kanyang egg sa usapan nila ni Boy Abunda sa programa ni King of Talk sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Pahayag ni Carla, “Of course, pangarap ko pa rin po na magkaroon ng sarili kong anak. Of course, we want to have our own family.”


Tinanong ni Kuya Boy si Carla kung ano ang sabi ng bago niyang mister na si Dr. Reginald Santos.


Sagot ni Carla, “Ay, ano naman po, supportive s’ya. In fact, he was there. He was there to support me. Kulang na lang po, pati sa OR, nandu’n din po s’ya bilang doktor din naman po s’ya. Allowed naman po s’ya. But he was actually there for me po, supporting me.


“At times, even with the injections, he did the actual injections on me. At one point, he gave me my daily injection. He was there. He was present whenever he could be present. Supportive naman po s’ya.”


For the first time, idinetalye ni Carla ang simula ng kanilang relasyon hanggang sa araw ng kanilang kasal.


It turned out na si Dr. Reginald pala talaga ang first love ni Carla. First year high school pa lang si Carla ay naging girlfriend na siya ni Dr. Reginald, who by that time ay nasa senior year.


It was also revealed na si Dr. Reginald pala ang nakipag-break kay Carla para i-pursue ang pag-aaral niya ng Medicine. Kailangan daw mag-focus ni Dr. Reginald sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo, and in order to do that, isinakripisyo niya ang relasyon kay Carla.


Maayos naman daw nila itong napag-usapan, pero inamin ni Carla na nasaktan siya.


“A heartbreak is still a heartbreak, Tito Boy,” sabi ni Carla Abellana sa host.

Muli raw silang nagrekonek nu’ng makatanggap siya ng Christmas greeting from Dr. Reginald Santos noong 2023.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 14, 2026



Piolo Pascual - IG Bench

Photo: Piolo Pascual / IG



Pinainit ni Piolo Pascual a.k.a. Papa P ang social media nang inilabas ang video ng photoshoot niya para sa pagbabalik niya bilang underwear endorser ng kilalang local clothing brand.


Abs overload ang regalong hatid ni Papa P sa mga netizens sa mismong araw ng kanyang kaarawan nang mag-viral sa social media ang kanyang daring photoshoot last Monday.


Nag-apoy ang social media dahil dito. Todo ang reaksiyon ng mga netizens sa pasabog na abs reveal ni Piolo habang rumarampa sa underwear shorts.


Sey ng mga netizens:


“Grabe!!!! (fire and heart emoji).”

“Hotness never fades (fire emojis).”

“Grabe naman ‘yan, Papa P.”


Hindi talaga kinaya ng mga netizens ang tindi ng dating ni Piolo sa video na agad nag-viral at pinagpiyestahan online.


“Nag-iisa lang ang Papa P. Piolo pa rin sa 2026.”

“Papa P forever (heart emojis).”

“Happy Monday talaga, literal.”


Piolo just turned 49 last Monday. Next year, golden boy na si Papa P.

“Sino ang magsasabi na 49 would look this great. Nakaka-inspire.”


“Akala ko si Josh ng SB19.”

“Napakasarap!”


True…



21 ang babae, 20 ang lalaki… 

JUDAY, PASIMPLE RAW INIRERETO ANG ANAK SA BINATA NI JODI



PINUNTAHAN ni Jodi Sta. Maria ang restaurant ni Judy Ann Santos kasama ang kanyang anak na si Thirdy Lacson.


Ipinost ni Jodi sa kanyang Instagram (IG) ang video ng pagkikita nila ni Juday sa restaurant ng aktres.


Personal silang sinalubong ni Juday mula sa kusina upang batiin pagdating nila sa kanyang restaurant.


Excited ang dalawang aktres na nagtsikahan at personal na ipinakilala ni Jodi si Thirdy kay Juday.


Gulat na gulat na tinanong ni Juday si Thirdy kung ilang taon na siya.

Sagot ni Thirdy, “20 (years old).”


Tsika naman ni Juday, “21 (years old) si Yohan.”


Dahil dito, buking si Juday ng mga netizens sa umano’y panrereto nito ng anak niyang si Yohan kay Thirdy.


Ilan sa mga komento ng mga netizens ay… “21 si Yohan, Hahaha!”

“Lowkey reto (laughing emoji).”

“Ang cute ni Juday pero may GF na si Thirdy.”

“Typical na nanay na mang-lowkey reto sa anak (laughing emoji).”


Puwede…


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 11, 2026



WINNER - DINGDONG AT MARIAN, NAG-POST NG PIKTYUR NA HAPPY TOGETHER_FB Dingdong Dantesl

Photo: FB Dingdong Dantesl



Nginusuan lang ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang piktyur na ipinost nila sa kanilang Facebook at IG page.


Pang-asar daw ito ng mag-asawa sa mga nagdadawit sa kanila sa kumakalat na blind item sa social media tungkol sa celebrity couple na on the rocks ang marriage.


Si Dingdong kasi ang tinutukoy ng ibang netizens sa blind item na mestizo hubby na nagpi-flirt daw sa ibang babae. At tanggap naman daw ito ng kanyang misis para hindi masira ang kanilang pamilya.


Caption ni Dingdong sa piktyur nila ni Marian na naka-nguso, “Day two ng kanyang workout for 2026 at fresh pa rin (smile emoji) Marian Rivera.”


Na-happy ang mga fans nina Dingdong at Marian sa latest post ng Kapuso actor.

“Oh ‘yan, super-kilig, ‘di ba? Nasaan na r’yan ‘yung pa-blind item pa kayo?”

“Confirmed, hindi sila.”


“Hahaha! ‘Yun, nag-upload si Daddy Dong. Mga Marites kasi, manghuhula sila. Sila raw ang power couple na naghiwalay na. Stay strong, DongYan.”


Dahil diyan, nanghula ang mga netizens ng ibang celebrity couples na sa tingin nila ay pasok sa blind item.


Sey ng mga netizens:


“It’s either Anne and Erwan, K and Yael, Heart and Chiz.”


“For me, Luis and Jessy or Toni and Paul.”


“Yeah, same. Super in love si Paul kay Toni.”


So, sino nga kaya?



Deboto ng Nazareno…

COCO, JOIN SA TRASLACION 2026



ISA si Coco Martin sa mga celebrities na nakita sa simbahan ng Quiapo sa ginanap na Kapistahan ng Hesus Nazareno noong nakaraang Biyernes. 


Alam ng marami na deboto ng Hesus Nazareno ang aktor at hindi ito nagmi-miss sa pagpunta sa Quiapo tuwing Pista ng Nazareno.


Noong nakaraang taon, nagkaroon pa ng entablado sa isa sa mga maliliit na kalsada sa gilid ng Quiapo ang produksiyon ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco.


Siyempre, maraming dapat ipagpasalamat si Coco sa mga biyayang ginawa ng Panginoon sa personal life at career niya. Hanggang ngayon ay umeere pa rin ang BQ kahit marami nang nagbalitang mawawala ito sa ere.


Patuloy pa ring namamayagpag ang action-drama serye ni Coco, gaya na lang sa huling episode ng hit Kapamilya action series kung saan matindi ang sagupaan nina Coco Martin at Baron Geisler matapos na bigong patayin ni Rockyboy (Baron) si Tanggol (Coco). 


Napapanood na rin ito sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Hindi umubra kay Tanggol ang kalupitan ni Rockyboy nang subukan nitong patumbahin siya habang nakasuot ng costume na parang serial killer. Kahit nag-aagaw-buhay na si Tanggol bago pa ang pag-atake ni Rockyboy, nagawa pa rin niyang makaganti sa kabila ng madugong engkuwentro.


Ngayon, kailangan nang gumawa ng panibagong plano ni Tanggol bago pa siya maunahan ni Rockyboy, na gigil na gigil makaganti dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Tanggol noong una nilang pagkikita.


Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM, sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Cinemo, iWant, at Kapamilya Online Live.

Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page