top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | January 28, 2026



WINNER - ANNE, NAPRANING SA BAGONG VIRUS_ FB Anne Curtis

Photo: FB Anne Curtis



Natakot si Anne Curtis sa balitang pagkalat ng Nipah virus. 

Nag-post ang aktres sa X (dating Twitter) ng kanyang saloobin tungkol sa bagong virus.


Sey sa news, may mga naghihigpit na protocols sa airport sa ibang bansa.

Napakahigpit na raw at may ipinapatupad na health and safety protocols sa airport ng Thailand, Hong Kong, at Taiwan. 


Nagkaroon daw kasi ng outbreak ng Nipah virus sa West Bengal sa India.

Caption ni Anne, “I was just reading about this. Afraid. #praningSiANNEing.”

Kinumpirma naman ng mga netizens ang mga balita tungkol dito.

Sey ng mga netizens…


“The recent news about NiV (Nipah virus) is concerning, especially after the new cases reported in West Bengal. Your information is absolutely correct.”


“I know. And wala man lang warning from @DOHgovph? Hihintayin na naman ba na may makapasok ulit dito sa atin at kumalat bago maghigpit?”


Pinakalma naman ng isang netizen si Anne, “Ms. Anne, you don’t need to be afraid. Just be prepared. Nipah virus is not as transmissible as the virus causing Covid-19. Just have on hand a respirator (like N95) which filters more effectively than surgical masks. In your house, have good quality air purifiers.”


‘Yun naman pala!




IDINISPLEY ni Xyriel Manabat ang kanyang underwear sa recent Instagram (IG) post niya. Nakangiti pa si Xyriel habang ipine-flex ang kanyang undies.


Nakasulat sa kanyang underwear ang ‘break rules’ na tila may nais siyang ipahiwatig.

Pinagpiyestahan din ng mga netizens ang dibdib ni Xyriel. Halos lumuwa ang boobs niya sa suot niyang bra na katerno ng kanyang ipinapakitang bikini.





Sinuportahan naman si Xyriel ng kanyang mga celebrity friends sa kanyang IG post.

Sabi ni Esnyr, “GANYAN NGA.”


“HOTTIE,” reaksiyon ni AZ Martinez.


“Wowowowow,” sabi ni Daniela Stranner.


Samantala, sa comment section, may tumawag na ‘Bruha’ kay Xyriel at ito ay ang vlogger na si Senyora.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 27, 2026



WINNER - PIA, BALIK SA PAGRAMPA SA PARIS FASHION WEEK_FB Pia Wurtzbach

Photo: FB Pia Wurtzbach



Rumampa ulit si Pia Wurtzbach-Jauncey sa Paris Fashion Week (PFW).

Ipinakita ni Pia sa Instagram (IG) ang larawan niya na naka-check-in sa isang malaking room sa isang mamahaling hotel sa Paris.


Caption ni Pia, “Back in Paris! A new season unfolds at @lemeuriceparis (France flag).”

Ayon sa isang netizen tungkol sa hotel kung saan nag-check-in si Mrs. Jeremy Jauncey, “Pia is staying at @lemeuriceparis, the hotel of Artists and Thinkers! (in love & clap emoji).”


Marami ang nagbunyi sa pagbabalik ni Pia sa PFW.

Sey ng mga netizens…


“Queens don’t chase, we reign. Woohoo Mrs. Jauncey attending this year’s PFW Haute Couture edition!”


“Our Queen is back in Paris!”


“Wurtz, back in Paris.”


Muli, hindi pa rin tumigil ang pagsasabong ng mga netizens kay Pia at sa Kapuso star na si Heart Evangelista.

Komento ng mga fans… 


“Always lusting for people’s money to buy bots.”

“Pero ‘yung YSL ranked 2 organic din, LOL (laugh out loud).”


“Galing ni Miss Universe Pia, dahil sa pagsusumikap n’ya kung nasaan s’ya ngayon.”

“Yes, we stan hardworking self-made queen (crown & heart emoji).”


May nagtanong din sa comment section tungkol sa ina ni Pia, na halatang patama sa ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco, na ka-tandem na ng misis ni Sen. Chiz Escudero sa pagrampa sa Paris Fashion Week.


Tanong ng isang fan, “Is your mom coming too? Char! (laughing emoji).”

Kabog!



Naging gay performer sa Japan…

DATING ACTION STAR, TRANSWOMAN NA NGAYON



NAIS magbalik-showbiz ng dating male star na si Arthur Benedicto at ngayon ay isa nang transwoman bilang si Bambi Moreno.


Pagkatapos ng kanyang stint sa showbiz noon, kung saan nasubukan din niya ang maging action star, pumunta si Bambi sa Japan at doon ay naging male performer. 


Hindi kalaunan ay nag-iba siya ng gender preference. Bilang gay performer sa Japan, naakit siya sa laki ng kinikita ng isang transgender performer sa isang bar na pinagtatrabahuhan niya. 


Hindi nagtagal, nagdesisyon siyang magpa-sex change at ngayon ay isa na siyang transwoman. 


Bumabalik-balik pa rin siya ng Pilipinas every now and then gaya na lamang noong mainterbyu namin siya kamakailan.


This time, nais ni Bambi na muling humarap sa kamera bilang artista.


“Hinahanap ng katawan ko ang pag-arte kahit sa TV, kahit konting role lang. Kaya gusto kong bumalik. Sabi ni Tito Alwyn Ignacio (her publicist), bagay daw ako magkontrabida,” pahayag ni Bambi.


Willing daw siyang gawin kahit ano ang ipagawa sa kanya. Gusto niyang makaeksena sina Judy Ann Santos at Ivana Alawi.


Type rin niyang makipagsabayan ng pagkokontrabida kina Gladys Reyes at Angel Aquino.


“Ang napapanood ko sa online like Netflix, si Kim Chiu,” sabi niya.

Gusto rin niyang makatrabaho sina Jay Manalo at Alfred Vargas. 

Sa younger generation naman ay sina Darren Espanto at Kyle Echarri.


Dream ni Bambi na makalabas siya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin. Sana raw ay magkaroon ng opportunity na makita siya ni Direk Coco.

Well, sana nga ay mapagbigyan si Bambi Moreno.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 26, 2026



Ivana Alawi - IG

Photo: Ivana Alawi - IG



Sinita si Ivana Alawi ng isang netizen bilang endorser ng skin care product. Nagdadabog ang netizen dahil sa kredibilidad ni Ivana bilang endorser.


Ayon sa netizen, may sarili raw skin care products na ibinebenta ang aktres-vlogger, kaya bakit ibang produkto raw ang inaalok ni Ivana?


Sey ng netizen, “Curious tuloy kami, ano’ng nangyari sa business mo, Ivana? Owner ka ng skin product pero ito ang endorsement mo, ibang skin product.”


May nagtanggol naman kay Ivana laban sa nasabing netizen ukol sa sarili niyang beauty products.


Sagot nito, “Nagkaroon ng issue sa factory, or manufacturer or something. Na-Tulfo pa yata ‘yung issue n’ya sa skin care n’ya.”


Samantala, nag-post ng reaksiyon ang isang fan ni Kim Chiu kaugnay ng skin product na ine-endorse ni Ivana.


Sey nito, “Tinanggal na sina Kim at Paulo.”


Ang tinutukoy na Paulo ay ang aktor na si Paulo Avelino.

Komento ng mga fans:


“‘Di tinanggal. ‘Di sila nag-renew para wala nang issue kay Glenda at kay Pau na crush n’ya.”

“Mukha mo! Ano’ng ‘di tinanggal? Mukhang mga pera idol ninyo. Ang sabihin ninyo, hindi ni-renew.”


“Mukhang pera, ‘di ba? Bayarang basher ka n’ya? Kahit ‘di nag-renew ang KimPau, milyonaryo na ang mga ‘yan at ‘di rin naman brilliant ang ine-endorse nila na mas higit pa ang Hyundai.”




Pinusuan ng BF, not just once but twice… 

ANDREA, NAGPA-BLONDE, NAGMUKHANG BARBIE



IBINIDA ni Andrea Brillantes ang bagong kulay ng buhok niya sa Instagram (IG) kahapon. 


For the longest time ay kulay itim ang buhok ni Andrea.

Caption ng aktres, “Someone blonde.”


Marami ang nag-react sa bagong kulay ng buhok ni Andrea, kabilang na ang kanyang ina na si Belle Brillantes at rumored boyfriend na cager na si Francisco Juan ‘Pankie’ Capistrano, na nag-post ng dalawang yellow hearts.


Sey ng ina ni Andrea, “Barbie ‘yan?”


Nag-react naman ang mga followers ni Andrea sa comment ni Belle.


“Tita Belle, paano po s’ya ginawa?”


“So pretty po ni Blythe.”


“Ipinagdasal mo po nang malala?”


In fairness, nagmukhang Barbie doll talaga ang aktres sa kanyang new look.

Malamang ay may kinalaman sa role ni Andrea Brillantes sa movie nila ni Enrique Gil na A Secret in Prague ang bagong kulay ng buhok niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page