top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 11, 2024


Showbiz News
Photo: Manny Pacquiao & Floyd Mayweather Jr. / FB

Balik-Pelikula na ang hunk actor na si Tony Labrusca. Pasok ang psychological thriller movie niya titled What You Did (WYD) bilang isa sa mga ilalaban sa 2024 Sinag Maynila Film Festival.


Natagalan bago nakagawa muli ng movie project si Tony. Ang last film niya ay Hello Stranger: The Movie noong 2021. 


Ayon sa direktor ng WYD na si Joan Lopez Flores, perfect si Tony sa role. Although, medyo nagkaproblema sila sa schedule ni Tony, kaya may ibang aktor pa silang kinonsidera for the film gaya ni Joshua Garcia.


But she took a chance raw na kay Tony finally ibigay ang lead role. Pinasubalian naman ito agad ni Tony.


“No, Direk took a chance on me. And honestly, I’m so grateful for it. I think how me and Direk got to working with each other or how I get to working with her production company, all happened so serendipitously.


“As if someone is pulling somewhere where it just had… it had to be kami ‘yung magkakatrabaho together. I mean, like people’s schedule wasn’t lining-up. Like, this person isn’t available and then, also me like, okay, wanting to. You know, I was kind of apprehensive.

“I was very apprehensive to take this role just because honestly, I was so scared that if I didn’t do a good job here, it would be just like wala. Everyone be like, ‘Tony is a terrible actor.’ I mean, that’s scary, you know. It’s such a nice story kasi and thank you for writing this,” mensahe ni Tony kay Direk Joan.


Inamin ni Tony na nag-audition siya for his role sa WYD.


“I would have to like self-tapes, yeah. So, tine-tape ko ang sarili ko and send it over. Hoping that Direk wasn’t cringing watching it. Hahaha!”


Panahon ng pandemic ang timeline ng WYD. And knows naman natin na ang daming mga pinagdaanan natin during pandemic especially sa ating mental health. 


Paliwanag ni Toni, “It was nice kasi this movie kind of validates a lot of feelings that all of us experienced during the pandemic. So, you’ll get to see one of the characters there, you know, getting anxious not being able to leave the house. Or you will see na naiinip na ‘yung isa kasi hindi niya alam kung ano ‘yung nangyayari sa mundo. Kailan matatapos?


“And yes, I think lahat tayo, makaka-relate on that level like none of us knew when the pandemic was gonna end. All of us need to pay for our bills. Always needed to work. Uhm, the work landscape is changing. So, this film touches on some of those themes. 


“And so it was nice. It was nice  being able to act that out. 'Coz I was like, ‘Hey, this is what I was going through,’ you know. So yeah, it’s gonna be very relatable.”


Ayon naman kay Direk Joan, “It is about trying to survive conflict na malaki after you’ve been through a lot of trauma in your life. It’s just about an ordinary guy that people can relate to. Trying to land a job pero ang hirap-hirap.


“And then suddenly the pandemic happened. Parang whoops! Shooting down. Dreams again. So, everybody was having mental breakdowns.


“Ako, ang feeling ko, I was close to that time. So, I wrote the storyline. I pitched it to my very supportive business partner in our production company, si Ms. Josie (executive producer). And, she turned around from being just one of our partners in the company into an executive producer.


“And we got also Mr. Wilbert Tolentino, her co-producer, fully supported the project and funded it. Independently-produced po ito. Wala kaming studio backing. Buti nga may mga pumansin sa amin na mga artista like Tony. Kasi napakarami nang indie in-houses na may mga pangalan na. Kami, this is our first. This is my first-ever feature film. Uh, first-ever festival, you know, at least in the Philippines.” 


Pero hindi pa man naipapalabas ang WYD ay may malaking proyekto agad na gagawin si Direk Joan. Ibinalita kasi ni Ms. Josie na kakapirma lang ni Direk Joan para sa gagawin niyang documentary film tungkol sa world boxing champions na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather para sa Netflix. 


“That’s our next project actually. We’re gonna do a reality series with Manny Pacquiao and Floyd Mayweather. We’re gonna start shooting next week,” lahad ni Direk Joan Lopez Flores. 


Anyway, ang iba pang cast members ng What You Did ay sina Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral and Ana Abad Santos.



          



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 8, 2024


Showbiz News
Photo: Jinggoy Estrada & Circulations / FB

Gaya ng inaasahan namin, umabot na sa Senado ang alleged sexual abuse complaint ni Niño Muhlach para sa kanyang anak na si Sandro Muhlach kontra sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Cruz.


Humarap si Niño sa Senado at idinulog ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang anak. At doon ay ‘di niya napigilan ang pag-iyak habang dinidinig ang kanyang reklamo sa Senate inquiry na pinangunahan ni Sen. Robin Padilla. 


Pinayuhan daw kasi si Sandro na huwag um-attend ng Senate hearing mula sa Behavioral Science ng Department of the National Bureau of Investigation. Ito’y para na rin sa mental health ni Sandro.


Pahayag ng ama niya sa Senado, “Bilang ama, I may not have been a good husband but I could proudly say that I did my best to be a good father sa abot ng aking makakaya. ‘Yung mga anak namin, tinuruan namin maging magalang, maging marespeto.”


Hindi makapaniwala si Niño sa ginawa ng mga sangkot sa sexual abuse complaint niya sa kanyang anak dahil kilala ng dating Child Wonder si Jojo Nones, ang headwriter ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na kasama rin sa ginanap na Senate hearing.


“Sobrang galang ko sa kanya, sobra ang respeto ko sa kanya. ‘Pag may events kami, ako pa ‘yung unang lumalapit sa kanya. Sir Jojo pa nga tawag ko sa kanya, eh. ‘Di ko talaga matanggap na nagawa n’ya sa anak ko ‘to, sobrang sama po talaga ng loob ko kay Jojo Nones. Kung makita n’yo lang talaga anak ko,” lahad niya.


Hindi naman nakarating sa Senate hearing sina Jojo Nones at Richard Cruz kaya pinadalhan sila ng subpoena ni Senator Jinggoy Estrada for the next session.



Hats-off talaga kami sa mga OFWs ever since. Hindi lang ang pamilya nila ang kanilang iniaangat kundi maging ang ating bansa. Sila ang tunay na nagbibigay ng ginto sa kaban ng ating bayan.


Tulad na lamang ng pamilyang Pinoy na nag-viral sa socmed. Nakaka-inspire ang pamilyang Pinoy na napanood namin sa isang video na nagtiyaga at nalampasan ang struggles sa naging buhay nila sa Canada.


Bakit nga ba tayong mga Pinoy ay pinipili nating mangibang-bansa?


Ang video ay pinamagatang Kuwentong OFW: Buhay Canada Para sa Pamilya. Ang pamilyang OFWs na nasa video ay sina Ralph Pineda, Cone Mantilla and Maricar Bonifacio-Mantilla.


Ginawa ang napanood namin na video na konektado sa ini-release na movie na pinamagatang Maple Leaf Dreams starring LA Santos at Kira Balinger na isinulat at idinirehe ni Benedict Mique.


Si Direk Mique ang nagdirek ng much-talked about films na ML (a Cinemalaya entry) at ang Monday First Screening.


Ipapalabas ang Maple Leaf Dreams sa mga sinehan sa September 25.


          



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 7, 2024


Showbiz News
Photo: Baron Geisler / FB

Excited si Baron Geisler sa mga projects na gagawin niya for the rest of 2024 till next year.


May dalawang “big” movies si Baron at bagong Kapamilya action-drama series na kukunan sa iba’t ibang foreign countries.


Una na d’yan ang isinu-shoot na niya ngayon na pelikula, ang Danggo, kasama sina Cedrick Juan, Tirso Cruz III at Bianca Umali sa direksiyon ni Catherine “CC” Camarillo.


Then, ang Kapamilya action-drama series with Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Ian Veneracion.


Looking forward si Baron sa new project niya with ABS-CBN dahil tantiya niya ay tatakbo ng nine months ang programa. Maaaring umabot ang serye hanggang 2025.


Pagkatapos ng matagumpay na Doll House ay may bagong Netflix movie ulit si Baron titled The Delivery Rider.


Baka late November or early December ang streaming ng The Delivery Rider sa Netflix.

Ayon kay Baron, noong isinu-shooting niya ang Netflix film na The Delivery Rider ay pinayuhan siya ng direktor na umiwas muna sa crazy characters.


“Sabi ni Direk Lester [Pimentel Ong] ‘Baka naapektuhan na ang psyche mo d’yan, ‘yung mental health mo.’ So ‘yun, naisingit ako sa project na ‘to. Ang karakter ko rito, I’m a high functioning autistic person,” pahayag ni Baron nu’ng mainterbyu namin sa birthday celebration ni Cannes Best Director Brillante Mendoza.


And ‘yung isa pa na nabanggit ni Baron sa amin ay ang historical film  tungkol sa buhay ng bayaning si Juan Luna.


“Ipinapasulat na ni Arnold (Vegafria, his manager) ‘yung Juan Luna kay Sir Roy Iglesias. Nag-usap na kami sa phone. So inaasikaso na rin ‘yan ni Boss Arnold, isa s’ya sa mga producers,” sambit ni Baron.


Kabilang sa magpo-produce ng life story ni Juan Luna ang mga gumawa ng Quezon’s Game noong 2018. 


“So, hahatakin niya ‘yung mga taong ‘yun,” sey ni Baron.


Hindi raw isasama sa pelikula ang nangyaring krimen sa buhay ni Juan Luna.


Aniya, “Ganito ‘yun, we’re not showcasing that part. Of course, may quirks but we’ll showcase his brilliance. How he started, how he became the first ilustrado.” 


Ang Juan Luna ang kauna-unahang pagganap ni Baron bilang national hero sa pelikula.

“Lagi akong Español dati. Like sa El Presidente (2012), saka sa Baler (2008). I’m praying na matuloy.”


Nasa pre-production na raw ang team na gagawa ng biopic ni Juan Luna at umoo na raw sa project ang multi-awarded cinematographer ng GomBurZa na si Carlo Mendoza.


Sa dami ng gagawing projects ni Baron, hoping siya na makabili ulit ng bahay sa Maynila.


Sa Cebu kasi naka-based si Baron with his wife and kid na malaki ang pagkakahawig sa anak niya kay Nadia Montenegro na si Sofia.


Hindi naman lingid sa showbiz ang nangyari sa buhay nina Baron at ng kanyang pamilya noon. 


Gusto kasi ni Baron na kasama na rin ang kanyang bagong pamilya sa Manila kapag nagwo-work siya. Hindi ‘yung matagal bago siya makabalik ng Cebu para makita ang kanyang anak dahil sa schedule niya sa kanyang mga projects. 


And then later on, para makasama rin siguro ni Baron Geisler si Sofia at maka-bonding ng anak niya kay Jamie.



Nagsalita na ang Oympics gold medalist na si Carlos Yulo bilang kontra sa mga sinabi ng kanyang ina na si Angelica sa mga interbyu.


Isa-isang kinlaro ni Carlos ang mga ibinatong “isyu” ng ina sa kanya pati na sa girlfriend nito na si Chloe San Jose.


Panimula ni Carlos, “May mga gusto lang po akong i-clarify sa mga interviews at sagot ng nanay ko po sa mga interviews n’ya po.


“Unang-una po, ‘yung P70K na incentives na sinasabi n’ya na World Championships 2021 po, unang-una po, 2022 po ‘yun at hindi lang P70K  ‘yung na-received ko po du’n. Alam ko, six digits po ‘yun. Uh, dahil dalawang medalya po ang nakuha ko du’n.    


“After nu’n, mga bandang December, ‘di niya sinasabi sa ‘kin na na-received na pala n’ya ‘yung incentives from World Championships. Hindi ko pa po malalaman na na-received ko na ang incentives ko kung ‘di ko pa hinanap. Never ko na po na-received ‘yung incentive na ‘yun at never ko na rin po hiningi sa kanila.”


Ibinigay na raw ni Carlos ‘yung incentives niya sa kanyang ina at ang gusto lang daw niyang malaman ay kung saan napunta ang incentives na ‘yun. 


Wala raw sa laki o liit ng halaga ang napunta sa kanyang ina, kundi sa pagtago at paggalaw nito nang walang consent mula kay Carlos.


Nag-react din si Carlos sa bintang na red flag ang girlfriend niyang si Chloe. Isang Australyana ang girlfriend ni Carlos.


“Hinusgahan n’ya agad si Chloe sa pananamit at sa pag-akto n’ya, magkaiba po kami ng kinalakihan. Unang-una, lumaki si Chloe sa Australia at ‘yun ang kinagisnan n’yang culture.


Ibang-iba po talaga sa Pilipinas kung paano tayo gumalaw, magsalita at manamit,” diin pa ni Carlos.


Hindi rin daw mauubos si Carlos dahil sa girlfriend niya na gaya ng sabi ng ina niyang si Angelica. May sarili raw income si Chloe San Jose kaya keri nitong bumili ng mga gamit. 


Hoping na magkaayos na sina Carlos Yulo at ang kanyang ina.

          



 
 
RECOMMENDED
bottom of page