top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 13, 2022


ree

Respeto ang hiling ni Ivana Alawi sa mga bashers after niyang manindigan sa kandidatura ni VP Leni Robredo.


Idinaan ni Ivana ang kanyang mensahe by posting sa kanyang Twitter account, recently.


“Respect is one of the greatest expressions of love,” tweet ni Ivana.


Tsika ng ibang followers ni Ivana sa Twitter, nabawasan ang sexy vlogger ng mga followers sa kanyang social media accounts.


“Wala kayong narinig kay Ivana na negative pero ano'ng ginawa n'yo, kinansel n'yo, in-unfollow.”


Isa si Ivana sa mga artista na may pinakamaraming followers sa Twitter at Instagram.


Habang ang kanyang YouTube channel naman ay pangalawa sa may pinakamaraming subscribers (14.1 M) sa Pilipinas, as of last year.


But as of this writing, umabot na sa 15.4 M ang YT subscribers ni Ivana.


Ayon pa sa mga netizens, “Du'n sa in-unfollow, nakita 'yung post ni Ivana 30 mins pa lang tungkol sa support n'ya kay VP Leni. 19.005 M followers niya turn .004, .003. It means nag-a-unfollow na 'yung iba, ngayon tumaas na.”


Duda ng mga netizens, BBM supporters ang mga nag-unfollow kay Ivana.


“May lumalabas na polls sa Facebook. You have to choose between Ivana and other artist/vloggers. Tapos ang mga comments, 'Pass, kakampink 'yan!' at 'Ayoko d'yan, Pinklawan 'yan!' 'Lutang din 'yan gaya ng Mama Leni n'ya! Nasa'n ang respect du'n!! Jusko.”


Pagsilip namin sa Twitter account ni Ivana, mukhang true nga na nabawasan ang kanyang followers, ha?


Nasa 5.2M ang followers ni Ivana at 7.9M naman sa Instagram. Mataas pa rin naman kung tutuusin, bagaman, laglag si Ivana sa Top 10 ng may pinakamaraming followers sa Instagram.


Umalma naman ang mga followers ni Ivana na BBM supporters. Sabi nila, hindi raw nila in-unfollow si Ivana.


“You're blaming us for that? Luhhhh... Mag-fact checking ka muna, idol. And Ivana is not like you all that's why we support her.”


“Ha, walang nag-cancel kay Ivana. 'Di ganu'n ugali namin. Kahit nga sina Angel at Melai, 'di ko ina-unfollow. Kayo 'yan. 'Yan ugali ninyo. Kasi mga entitled kayo. May pag-protest pa na akala mo ang lapit ng lamang.”


'Yun na!


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 12, 2022


ree

Umani ng batikos ang mga celebrity friends ni Mariel Padilla na nag-congratulate sa mister niyang si Robin Padilla sa social media.


Dinagsa ng pagbati ang post ni Mariel sa Instagram pagkatapos lumabas sa bilangan na No. 1 sa senatorial race si Robin, last May 9 election.


Caption ni Mariel sa IG post niya last Tuesday: “My Senator (green heart emoji) is #1 (3 loudly crying emojis) We are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming-maraming salamat.”


Ilan sa mga celebrity followers ni Mariel sa IG na binash ng mga netizens ay sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Pops Fernandez, Charlene Gonzales, RR Enriquez at Martin Nievera.


“@martinnievera No Martin, don't taint your legacy like this.”


“@martinnievera Luh, kumanta ka lang d'yan!”


“@cathygonzaga Kadiri ka at ang pamilya mo! Naturingan na maka-Diyos ngunit panay suporta sa mga kriminal! Nawa'y mapunta kayo sa impiyerno sapagkat doon kayo nababagay. Alam kong ikinakahiya na kayo ng Diyos sa itaas!” ang sobrang harsh na comment ng isang netizen.


“@cathygonzaga Kasuka ka, beh.”


“@celestinegonzaga Bobo ka for life.”


“@celestinegonzaga KADIRI KA. DIRING-DIRI AKO SA 'YO. PALIBHASA MAYAMAN KA NA, WALA KANG PAKI SA KAHAHANTUNGAN NG ATING... BAYAN. Ikinakahiya kitang tawagin na Pilipino.”


“@rr.enriquez Deserve because??? Ano ang gagawin niya? Barilan."


“Galing sa isang ina na may 2 anak, wow.”


“@itsmecharleneg Yuck, magsama kayo ng asawa mo.”


“@lizzzuy Home wrecker na nga, enabler pa.”


“Walang hiya," reply ng netizen sa comment ni Pops Fernandez.


At the same time, may ibang netizens din naman ang nagtanggol sa mga celeb friends ni Mariel na nag-comment sa IG post ng misis ni Robin.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 11, 2022


ree

Nag-rally si Frankie 'Kakie' Pangilinan kasama ang mga protesters na nagpunta sa harap ng opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.


Isa si Kakie sa mga estudyanteng sumama sa rally at daan-daan pang protesters para manawagan sa Comelec sa resulta ng botohan, last Monday.


Ayon sa ulat, may mga pahayag si Kakie kontra kay Bongbong Marcos na nangunguna sa bilangan sa pagka-pangulo as of this writing.


“I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos again,” pahayag ni Kakie.


Si Kakie ay anak nina Megastar Sharon Cuneta at VP candidate nitong eleksiyon na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page