top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 12, 2021


ree

Naudlot pala ang pagbebenta ni James Reid ng kanyang bahay sa Loyola Grand Villas, QC sa halagang P85 million, more or less. This is the same house na nabalitang tinirhan nila ng ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre noon.


Naitanong ng King of Talk na si Boy Abunda kay James kung ibinebenta pa rin ba ng aktor ang kanyang bahay during their last conversation sa YouTube channel niya, ang The Boy Abunda Talk.


"What do you think?" sagot ni James kay Kuya Boy.


Sinabi ni Kuya Boy na hindi kailangang sagutin ni James ang kanyang tanong. But still, nagpaliwanag si James sa tunay na estado ng kanyang bahay.


"No, ahhh... I ... Uhm, I was and then, I didn't," papalit-palit na statement ni James.

Pero naitawid naman niya kung ano ang gustong sabihin regarding his house na for sale.


"I actually moved back into it. But, I am currently selling the house, yeah. But I plan to (sell), in about... like a month or so," esplika ni James.


Sa bahay na ito nagsama ng mga ilang taon din sina James at Nadine.


We heard, kumpleto sa amenities ang worth P80M plus na 3-storey house ni James. May swimming pool, gym equipment, CCTV security, pitong bedrooms, dalawang kitchen at anim na carpark.


Anim na garahe talaga? Meaning, napakarami palang kotse ni James.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 11, 2021


ree

Binatikos ni Presidente Rodrigo Duterte ang isang mayor sa Metro Manila dahil diumano sa magulong pagpapatupad at pamimigay ng financial aid sa kanyang mga constituents. Ikinumpara ni Pres. Duterte ang naturang mayor sa "trained like a call boy" at "disorganized mind."


Duda ng marami, ang mayor ng Maynila na si Isko Moreno ang tinutukoy ni Pres. Duterte.


May pa-"added clue" pa ang pangulo sa mayor na tinawag niyang "trained like a call boy" na iba lang ang descriptions pero malapit na malapit sa mga pinagdaanan ni Yorme nu'ng nag-aartista siya.


Si Yorme raw kasi ang "flavor of the month" ngayon ng Duterte administration pagkatapos umalma ng Manila mayor sa kumalat na balitang 'di puwedeng lumabas ang wala pang bakuna. Aside of course sa nababalitang pagtakbo ni Yorme bilang presidente sa 2022 national elections.


Pahayag ni Pres. Duterte, "Iyan ang gusto ninyo? Ang training, parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini, tapos 'yung garter, tinatanggal niya."


Eh, sino'ng mayor ba na nakaupo ngayon ang gumawa nito dati? Alangan namang si Pasig City Mayor Vico Sotto? Lalo namang dehins si QC Mayor Joy Belmonte.


Mas umigting ang paniniwala ng mga netizens na si Yorme ang tinutukoy ni Pres. Duterte dahil nagbigay siya ng hint na gustong maging presidente ng Pilipinas ng naturang mayor.


“Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip,” banggit pa ni Pres. Duterte.


We wonder kung sasagutin ito ni Yorme. Kunsabagay, hindi naman lihim 'yan, as if napakalaking kabawasan kay Mayor Isko ang kanyang nakaraan sa showbiz.


In fact, he's proud pa nga na ikinuwento niya sa amin last time we had an interview with him sa set visit ng kanyang biopic titled Yorme, directed by Joven Tan and produced by Saranggola Media Productions, na may piktyur siya na nakasuot lang ng trunks.


At ang naturang piktyur ay kuha ng isa sa mga talent managers na inirerespeto sa showbiz, walang iba kundi ang yumaong si Douglas Quijano na dating manager nina Ormoc City Mayor Richard Gomez, former Parañaque Mayor Joey Marquez at Anjo Yllana.

 
 

TABACHOY SI ANGEL.


ni Julie Bonifacio - @Winner | August 10, 2021


ree

Speaking of Luis Manzano and Rep. Vilma Santos-Recto, dinepensahan ng misis ng TV host at daughter-in-law ng Star for All Seasons na si Jessy Mendiola si Angel Locsin from a basher.


Tinawag kasing 'tabachoy' si Angel nu'ng basher na follower din ng account ni Jessy sa social media.


"Love you queen, mas maganda ka nang di hamak kay tabachoy na Angel Locsin. Yuckie."

Hindi ito pinalampas ni Jessy. Sinita ng misis ni Luis ang netizen by posting a comment sa reply section.


"Please tama na 'yung ganyan. We are all happy na. Peace and love lang please. Ingat ngayong ECQ," reply ni Jessy.


Umani ng papuri si Jessy sa paninita sa basher ni Angel.


"Jessy is such a darling doll."


"Better if Jessy also called him out for body shaming. These people are unbelievable."


But as usual, may mga nega pa rin talagang netizens kahit ano'ng linis ng intensiyon ng mga celebrities. At 'yung iba, duda pa rin kung ano ang dating ng pagtatanggol ni Jessy kay Angel.


"Na-appreciate kaya ni Angel Locsin 'yan? Baka ibang kahulugan na naman para sa kanya 'yan?"


Anyway, ngayong parehong happily married na ang dalawang controversial female stars na naugnay kay Luis (kaguwapo talaga, eh), looking forward na sina Angel at Jessy on having their own kid.


Sa recent vlog ni Jessy kung saan nagpunta sila sa Amanpulo para sa honeymoon daw nila ni Luis, nagbiro ang Kapamilya host at binanggit ang paggawa nila ng baby doon. Pinaabangan pa ni Luis sa mga netizens na after 9 months ay baka may mabuo na.


Nabanggit din ni Angel sa isang post niya after ng wedding nila ni Neil Arce na baby naman ang susunod na paghahandaan nila.


Naku, ha, baka magkasabay din ang taon ng pagbubuntis at panganganak nina Angel at Jessy.


Wala namang masama, if ever.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page