top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 15, 2021



ree

Tulaley ang ina ng It's Showtime host na si Vice Ganda na si Mommy Rosario Viceral sa panibagong sorpresa na bonggang balur para sa kanya ng Unkabogable Star.


Clueless si Mommy Rosario at iba pa niyang Kapamilya kung saan sila dinala ni Vice para sa selebrasyon ng birthday ng kapatid niyang doktora, ang kanyang Ate Tina.


All along, they thought iti-treat sila ni Vice for his Ate Tina's birthday sa isang resto. Kaya, ganu'n na lang ang pagkabigla nila nu'ng dalhin sila sa isang bagong bahay.


May pa-clue ang pamilya ni Vice habang nasa loob ng sasakyan patungo sa lugar na dadalhan sa kanila, not knowing na may hidden camera sa loob ng kotse, ay nakita nila ang bahay ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto along the way.


Dagdag-tsika pa ng mga kapamilya ni Vice, doon pa rin nakatira si Angeline at 'di pa rin lumilipat sa bago niyang bahay.


Meaning, may bago raw bahay si Angeline.


Aba, may bagong van na, and now, bagong bahay pa. Bongga ni Angeline, ha?


Going back sa bagong balur ng Viceral family, ang tagal bago nag-sink-in sa pamilya ni Vice, especially sa mom niya na inakalang pina-prank lang siya ng anak.


Walang masabi si Mommy Rosario nu'ng tinanong siya ni Vice kung happy ba siya sa bago niyang bahay.


“Wala ka namang dapat sabihin. Just be happy. You deserve this,” pag-alo ni Vice sa ina.

May tatlong palapag ang bagong bahay nina Mommy Rosario at pito or walo raw ang kuwarto kasama na ang napakalaking master's bedroom dahil sa napakalaking walk-in cabinet at toilet & bath na may mamahaling bath tub.


At ang nagpasosyal pa sa bagong bahay ng Pamilya Viceral ay ang swimming pool.

Sabi ng ate ni Vice, “Ang bongga mo lang dito. Walang enough na words to say thank you sa ‘yo. Kaya ang bongga ni God sa iyo, kasi ang bongga mo rin sa amin,” habang mangiyak-ngiyak.


ree

At the end of the video, naghayag si Vice ng kanyang damdamin at rason kung bakit niya binigyan ng bagong bahay ang kanyang pamilya.


“Meron na rin akong fear na, ‘Oh, my God, ako kaya, kailan ako babawiin? Sino pa kaya ‘yung mas malalapit pa na mawawala?’


“Kaya bago pa mangyari ‘yun, hangga’t kaya kong magbigay ng masayang memory o magandang regalo sa kanila, gagawin ko na.


“Hindi ko alam kung nandoon pa ako bukas, next month, o next year.

“Sobra naman ‘yung ipon ko. Sino’ng makikinabang?


“Eh, di kami-kami rin naman. Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience nila ‘yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila.


“Gusto kong maramdaman naming lahat ‘yung masarap, ‘yung masaya, ‘yung maganda.

“Napaka-precious sa akin ng panahon, kaya ayoko nang mag-aksaya. Hangga’t may time, gusto kong makagawa at makapagbigay ng magandang pakiramdam sa pamilya ko,” lahad ni Vice.


Wish pa ni Vice, sana, lahat ay mabigyan ng magagandang oportunidad sa buhay para ma-experience rin ang sarap ng buhay.


Sana raw, lahat ay daanan ng suwerte.


“Pinakamasarap na pakiramdam ‘yung alam mo na ang pamilya mo, masaya,” say pa ni Vice.


Samantala, patuloy na tinututukan ng mga televiewers ang Madlang Pi-POLL segment ng noontime show nina Vice, ang It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


Congrats sa mga taga-It's Showtime na nakaisip ng concept about Madlang Pi-POLL!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 14, 2021


ree

Tinabunan ni Kris Aquino at ng bago niyang lover na si former DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary Mel Sarmiento ang pag-amin ng another celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ang tagal ding pinilit na umamin si Bea sa relasyon niya kay Dominic, pero sina Kris and Sec. Mel, umamin agad.


Say nga ng mga netizens, 'di muna pinainit ni Kris ang curiosity at excitement ng mga followers sa kanyang love life. Ni hindi man lang daw tumagal ng isang araw.


Kunsabagay, matanda na sina Kris at Mel para magpabebe pa sa relasyon kumpara kina Bea at Dominic. Time is running out, 'ika nga nila.


And since dating mayor at congressman ng Calbayog, Western Samar ang boyfriend ni Kris, hindi malayong balikan nito ang kanyang political career.


Why not? And why not this coming 2022 national elections?


Puwede na ring tumakbo bilang senador ang former DILG secretary under Liberal Party next election.


Habang may tsika na kulang pa raw ang senatorial line-up ng Liberal Party na partido rin ng brother ni Kris and former President Noynoy Aquino (SLN) this coming election.


Bukod kay PNoy, kapartido rin ng boyfriend ni Kris sina Mar Roxas at Sen. Francis 'Kiko' Pangilinan.


Nananahimik si former Senator and DILG Secretary Mar sa politics for couple of years now at ine-enjoy ang kanyang pagiging private citizen with his wife Korina Sanchez and their twins na sina Pepe and Pilar.


But just in case na tumakbo ulit si Mar bilang senador sa 2022, can you imagine kung gaano ka-star studded ang political campaigns ng LP around the country?


Imagine, may Kris na for Sarmiento, may Korina pa si Roxas at si Sharon Cuneta naman for Sen. Kiko na posibleng tumakbo ulit for another term sa Senate sa 2022.


Idagdag pa d'yan ang balitang papasok na rin sa pulitika si Dingdong Dantes at ina-eye raw ang Kapuso actor na isama sa senatorial list ng LP. Kapag natuloy si Dingdong, siyempre, todo-support sa kanya ang misis niyang si Marian Rivera.


Kabahan kaya ang ibang political parties sa mga kandidato ng LP and their respective partners na super famous?


Wala pa d’yan ang tiyuhin ni Angel Locsin na si Atty. Neri Colmenares na baka tumakbo ulit na senador sa 2022.


So, alam na ang mga magiging “kakampi” ni VP Leni Robredo sa pagtakbo niya bilang presidente.


Sharon, Kris, Marian, Korina and Angel, ‘di ba? Umaapaw na “woman empowerment” ito, hah?

 
 

MALALASWANG PIKTYUR NIYA.


ni Julie Bonifacio - @Winner | August 13, 2021



ree

Dumarami ang mga celebrities na naghahayag ng kanilang suporta para kay Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno pagkatapos umani ng batikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Pero mismong si Yorme, ayaw sagutin ang mga “pasaring” sa kanya ni P-Digong. Instead, mas gusto na lang daw niyang mag-focus sa pagseserbisyo sa mga taga-Maynila.


Sa pagkakatanda namin, matagal nang ginawang isyu 'yan kay Yorme nu'ng tumakbo siya noong 2007.


Last time na nainterbyu namin si Mayor Isko, naitanong na sa kanya ang gagawing demolition job sa kanya just in case na makapag-decide siya na tumakbong presidente sa magaganap na eleksiyon next year.


Sabi ni Yorme, “I am not ashamed of these. Makikita ninyo ang buong katawan ko, except ang harapan ko. That is for private use only.”


Anuman daw ang ginawa at pinagdaanan niya sa showbiz noon, masaya siya dahil naka-survive siya.


“Because, in portrayal of character, there are challenging scenes and I'm happy when I do and give justice to a particular scene. And sometimes, it requires some extra ability and some guts to do it,” esplika ni Yorme.


Ibinulgar din ni Yorme na ang sexy photo na lumabas ay kuha ng sikat na talent manager na si Douglas Quijano.


“The picture was taken by Douglas Quijano in a pool, yes, pero wala namang maitatago sa akin. Bulatlat na katotohanan ang buhay ko. Wala namang pagkukubli. My ups and downs, my challenges, (it) was made public. It's an open book,” diin pa ni Yorme.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page