top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 23, 2021



ree

Ang daming pinakawalang revelations ni Angelu de Leon nu'ng maging special guest namin sa BULGAR's online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na with Ateng Janice Navida sa Facebook Live last Saturday.


Unahin na natin ang bali-balitang pagpasok niya sa pulitika. Makikita sa socmed account ni Angelu ang ginagawa niyang community pantry sa Pasig City.


"Matagal pa ang filing. Sa October pa yata ang filing, 'di ba?" sabi ni Angelu.


Although, inamin ni Angelu that she's considering entering the political arena.


Aniya, "Yes, I think, it's always been there. Basta ngayon, kung ano lang 'yung kaya kong gawin. 'Yun, kapag may tumawag, may ‘Nagko-community pantry kami rito,’ more of 'yun ang ginagawa namin dito. Okey, tutulong kung meron, 'di ba? Naghahanap kami ng sponsors, hahaha!"


Kuwento pa niya, nu’ng huling nagbaha sa Pasig, sobra siyang natuwa kasi when she reached out sa kanyang mga friends, ang daming nagbahagi ng tulong sa kanila para makapagbigay ng mga packed meals sa mga barangay. Bagama't noon pa man daw ay lagi na siyang tumutulong.


Tinanong siya ni Ateng Janice kung ano ang nagtulak sa kanya para lawakan ang ginagawa niyang pagtulong at kung na-inspire ba siya sa ginagawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto?


Aniya, "Hindi naman natin puwedeng sabihing hindi. Kasi totoo naman 'yung part na because of the good governance that… posible because of Mayor Vico. Tapos, ang dami na rin nating nakikita na mga officials na you know, vying talaga for good governance. Mai-insipire ka talaga at sasabihin mo, 'I want to be a part of that.'


"Gusto kong maging legacy sa mga anak ko na nu'ng na-sail 'yung boat ng good governance, I wanted to make sure that I'll be a part of it. I'll support it, 'di ba? 'Yun 'yung maganda kasi, kung sa Pasig, ha, gagawin ko, 'Ay, gusto kong sumagwan sa umaagos na pag-asa.' Ang bongga-bongga nu'n. Hahaha!


"Think this is the era, I mean, nakikita naman natin na nandoon na tayo sa era na… wala akong minamaliit... You have to give credit to where credit is due. Pero 'yun lang ang gusto kong ipakita sa mga anak ko na the legacy that I wanted to be part of something. Kasi para sa kanila na 'yun, eh, hindi na para sa akin. Kumbaga, ‘yung sa akin, nu'ng ginawa ng Mommy (Flora) ko 'yung mga pagtulong niya, nakikita mong out of her abundance, eh. So, ikaw ngayon, gusto mo, 'Heto na, halika na,' 'di ba?"


Incidentally, it's the eve of Angelu's 42nd birthday nu'ng pagbigyan niya ang #CelebrityBTS Bulgaran Na na mainterbyu siya nang live.


Two years ago, bonggang nai-celebrate niya ang kanyang birthday. Mabuti raw at nakapag-celebrate siya dahil after that, nagkaroon na ng pandemya sa bansa.


Sey pa ni Angelu, "So ngayon, it's all about giving back. Kasi nga ngayon, bukod sa birthday mo, hindi mo maiaalis, may pandemic, may mga nangangailangan. So, talagang as much as makakayang tumulong, 'di ba? Tutulong, parang ganoon."


Tiniyak naman ni Angelu sa amin na maayos nilang naisasagawa ang kanyang community pantry.


"Talaga namang nag-iingat tayo kasi nga as much as, I mean, may mga ganoon mang kontrobersiya, hindi mo naman masisisi talaga roon sa tao. So, for me, kung ano lang talaga 'yung dapat na sinasabi ng batas, 'yung sa IATF, kailangang sundin. Kailangan siyang pag-aralan din. Pero alam mo, marami pa rin naman ang sumusunod.


"Madali namang kausapin ang mga tao kapag sinabing kailangan may social distancing, kailangan, may mask, ganu’n. Hindi tayo nahihirapan kapag nagko-community pantry. Minsan nga, ako na rin 'yung nagiging marshal like naninita ako sa mga walang suot na face mask."


Kahit pumasok daw siya sa pulitika, never niyang iiwan ang showbiz. Dapat naman, kasi may mga nagre-request na gumawa sila ng movie nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.


Aniya, "I'm not sure but as of the moment, wala pa. Pero if it could happen, lahat naman kami umaasa... magandang istorya, ‘di ba? Tapos, mabuhay ang ‘90s. Hahaha! Mabubuhay ang dugo ng mga ‘90s."


Pero bago ang movie with her co-young superstars noong dekada '90, mukhang mauuna muna ang reunion ng TGIS.


"Well, it has always been there sa mga pinag-uusapan, lalo na nu'ng nag-25th kami last year. Now, 26 na."


Sa ngayon, natapos na ni Angelu ang series na 'Di Na Muli with Julia Barretto, Marco Gumabao, Mickey Ferriols, Baron Geisler and Marco Gallo na ipapalabas sa TV5.


We asked Angelu kung kumusta ang working experience niya with Julia na binabato ng sandamakmak na negative issues.


Aniya, "I admire her. She was very professional. Magaling siyang artista. Mabait siyang bata. 'Yun 'yung nakita ko. Kung ano 'yung naririnig ko… ako 'yung tipo ng tao na gustong makilala ka muna. I don't do judgment right away.


"So, nu'ng nakasama ko na siya, all praises talaga ako sa kanya. Kasi, hindi ko siya nakitaan ng… nakita ko ang pagod niya. Alam ko 'yung pagod niya dahil sa aming lahat sa locked-in taping na 'yun, siya 'yung everyday, may eksena. Mabibigat 'yung mga eksena niya.


"Doon, hindi ko siya nakitang nagreklamo. Doon, hindi ko siya nakitang… sabihin ko na, nag-diva. All praises ako sa kanya kasi pinadali niya ang trabaho ko.


"At kung sasabihin kung gusto ko siyang makatrabaho ulit? Yes, kasi mabuti siyang tao sa akin. Wala siyang ginawang masama, wala siyang ipinakitang hindi maganda sa set, at sa lahat naman ng nakatrabaho ko sa 'Di Na Muli."


As for her birthday, winish ni Angelu na magkaroon ulit ng anak na babae para sa kanyang guwapo at mabait na husband na si Wowie Rivera.


Lalaki ang first baby nila ni Papa Wowie na si Rafa. Boy din ang anak ni Papa Wowie sa kanyang dating karelasyon, kaya wish daw nito na magkaroon ng anak na babae.


Kering-keri pa naman ni Angelu na magka-baby since she's only 42 at saka malalaki na ang two elder daughters niya na sina Nicole and Louise.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 22, 2021



ree

Spotted again ang controversial actress na si Nadine Lustre with her rumored boyfriend na French-Fil-Am surfer/swimmer na si Christophe Bariou sa Siargao.


Isang netizen ang nag-upload ng kuha niyang video ng tila bagong ligo lang na si Nadine habang nagpe-prepare paalis sa restaurant with her "entourage" including Christophe.


Kita rin sa video nu'ng game na game si Nadine sa mga gustong magpapiktyur sa kanya at ang pagkuha ni Christophe ng towel na gamit ng aktres while preparing to leave the resto.


Ang daming positive comments na nabasa namin from netizens on how nice and kind si Nadine na ine-entertain ang mga nagpapapiktyur sa kanya and on how pogi at 'di maepal na galawan ng Afam na boyfriend niya.


"Bet ko na si Nadine ngayon. Parang nagsisimula na s'yang mag-good vibes. Good influence yata ang jowa."


"I like this new guy. He is not from showbiz and he knows how to handle this relationship with a celebrity. Hindi mukhang insecure."


"Mukhang mabait sa mga tao ang boyfriend kaya nag-rub-off kay Nadine."


"I like when the BF said 'Let her finish first' tapos siya pa nag-take ng photo. He seems nice and treats Nadine well.


"Guwapo naman pala 'yung guy. Hindi kasi clear 'yung face niya sa mga stolen photos dati. He seems to be taking care of Nadine and parang ang gaan lang. Hindi rin snob sa mga fans. Parang may part pa na siya pa nag-initiate to hold the phone for the fans to take photos with Nadine. Hope he treats her well kung talagang jowa na. Baka ito magdala ng positive aura kay Nadine."


Meron ding netizen ang naghayag ng concern kay Nadine na mukhang siya na raw ang mag-a-adjust sa guy since mabi-busy na uli sa work ang aktres.


Meaning, si Nadine na naman daw ang magpaparoon at parito sa Siargao kung saan naka-based si Christophe.


Ganyan naman talaga 'pag love mo ang isang tao, kahit gaano kalayo, parang ang lapit lang at pilit gagawan ng paraan para magkita kayo.

Whew..... hugot!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 21, 2021



ree

Speaking of U.S. of A, walang kagatul-gatol na sinagot ni KC Concepcion ng "yes" ang netizen na nagtanong sa kanya kung posible ba na manirahan na siya habambuhay sa Amerika.


Si KC ay kasalukuyang nasa Los Angeles, California, USA for the last couple of months already.


Ang kuwestiyon na 'yan ay ipinukol kay KC during her pa-question-and-answer session with her fans last Thursday, August 19.


Say ni KC, "I've lived and studied in Boston and NYC. There is plenty to do here and I miss Europe very much but have great friends here, too."


True naman si KC d'yan. Ang dami-dami niyang puwedeng gawin sa Amerika lalo na sa LA na sandamakmak ang Pinoy na puwede niyang bentahan ng kanyang Avec Moi jewelries.


Also, she can freely date anyone na type niya sa US na hindi masyadong "mabubulabog" gaya rito.


May chance ring magka-career pa si KC sa LA as an artist.


At kamakailan nga ay nag-post pa si KC sa kanyang socmed asking kung may alam na place ang mga netizens sa LA kung saan puwede niyang tirhan.


Legal resident kasi si KC sa US gaya ng kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta. Sa pagkakaalam namin, legally adopted si KC ng kanyang maternal grandparents, kaya ang legal surname niya ay hindi Concepcion but Cuneta.


There was even a time nga na nagkaroon ng isyu sa apelyido ni KC. Gusto rin kasi siyang i-adopt nina Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at Sharon para maging Pangilinan na rin siya gaya ng siblings niyang sina Frankie at Miel.


Dunno lang kung natuloy na i-adopt siya legally nina Sen. Kiko at Sharon. Mukhang hindi.... hmmm.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page