top of page
Search

MAGKASAMA, BAKASYON-GRANDE PA SA BAGUIO.


ni Julie Bonifacio - @Winner | September 10, 2021



ree


Bistado si Paolo Contis na hindi lang isang araw sila nagkasama ni Yen Santos sa Baguio gaya ng inilahad niya sa kanyang Instagram account nu’ng Miyerkules.


May kumalat kasi uli na piktyur nila ni Yen sa social media na magkasamang kumain sa isang ramen resto sa Baguio nu’ng August 25.


Sa kanyang Instagram ay isa-isang sinagot ni Paolo ang mga isyu sa kanya kabilang na ang mga unang larawan at video nila ni Yen na nag-viral sa socmed for the past days.


Narito ang paliwanag ni Paolo sa ilang isyu na ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon:


"Yen Santos- She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ (Reyes), it was mainly because of me. Masyado n’yo siyang idiniin sa issue na ‘to. Pati pag-promote namin ng movie, nabahiran na ng kung anu-ano.


“Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag-isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nu’ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya nang ganito. I'm sorry for this."


Ilang oras pagkatapos i-post ni Paolo ang kanyang mensahe sa IG, nalantad naman ang dalawa pang litrato nila ni Yen sa isang restaurant sa Baguio.


Pinabulaanan ng mga netizens ang statement ni Paolo sa IG niya na nagpunta siya sa Baguio for three days at isang araw lang daw siya sinamahan ni Yen.


May nagsabi pang nagpunta sila sa Agare Ramen sa Baguio nu’ng Aug. 25 at sa Lemon and Olives nu’ng Sept. 3.


"1 day pala ha… as a friend. Hahahaha! Huli kayo balbon!"


"Baka naman nagkita ulit ng Sept. 3, hehe."


"Akyat Manaoag lang sa Baguio, ganyan."


May tsika pa ang mga netizens as to how many days nag-stay sa Baguio si Paolo at ‘di lang three days.


"Wow. Bakasyon-grande rin, ah. Kung based sa dates dito sa resibo, 10 days sila magkasama sa Baguio and they probably even stayed few days more after Sept. 3. Nakapag-Manaoag pa... as friends."


"Malay n’yo naman, umakyat ulit ng Baguio, kayo naman.”


"As a friend uli. Tinawagan niya kasi taga-North din."


"Ang sinabi lang naman niya, invited Yen as a friend for a day. So ‘yung mga next days, invited her as a what? Hahaha! ‘Wag na kasi magpalusot. Kung aamin, diretsuhin na."


May comment din na tila nagmamarunong ang netizen kesa kay Paolo.


"‘Di nag-iisip si Paolo, alam naman niyang kahit saang lupalop ng Pilipinas pa sila magpunta, eh, may CCTV. Daming dahilan."


"Yes, baks, laos na ang 'Time is the ultimate truth teller' na inilagay ni Paolo sa kanyang statement, mas in na ang ‘CCTV is the truth teller.’”


At dahil may lumabas ulit na "ebidensiya," feeling ng mga netizens, 'di ito ang huling lulutang sa socmed.


"Oh, no! Feeling ko, marami pang resibo ang lalabas :)"


Pati paghingi ng sorry ni Paolo ay 'di ikinatuwa ng mga netizens.


"Dapat kasi nag-sorry na lang si Paolo sa mga nasaktan niya and ended it there at hindi na nagdetalye para makalusot. Mas lalong nakikita ang inconsistencies, mas lalong nakukuwestiyon ‘yung sincerity ng pagso-sorry."


"Don't believe in his sorries kasi labas-ilong lang ‘yang sorry niya. ‘Yan din ang sinabi niya sa mga babae na nasaktan niya noon and yet, here he is again...s’ya ang patunay na once a cheater always a cheater...not worthy of second chances and benefit of a doubt."


Say pa ng mga netizens, damage control lang daw ang paghingi ng sorry ni Paolo para sa kanyang career.


"‘Yung pag-sorry ni Paolo is for damage control sana dahil may soap siyang lalabas with Heart at baka ma-nega pa because of him. Naging honest na lang sana, mas ok pa. Lupet ng SOCO peeps, walang lusot."


Ang iba naman, naghayag ng pag-boycott sa anumang proyekto ni Paolo.


"Cancel Paolo...he is one selfish person who only thinks of his "s" needs. Kesehodang makasakit siya. Won’t support any of his projects."






 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 09, 2021



ree

Usap-usapan hanggang ngayon ang kumalat sa socmed na video at photos ng 'mysterious girl' na kasama ni Paolo Contis. Naisulat na namin sa aming kolum dito sa BULGAR ang hinala ng mga netizens na si Yen Santos ang babaeng kasama ni Paolo sa video at photos.


But as of this writing, wala pang confirmation or denial from both camps kung sina Paolo at Yen talaga ang nasa video at photos.


Sa kabilang banda, itinanggi na ng ex-live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes na siya ang tinutukoy na "third party" sa hiwalayang Paolo at LJ Reyes.


Nagsalita na rin si Joy na hindi siya ang babaeng kasama ni Paolo sa video at photos. Nangatwiran pa si Joy na paanong siya ang mysterious girl na kasama ni Paolo sa Baguio samantalang nasa bahay daw siya at busy sa pag-aalaga sa mga anak nila ni Jomari?

Pero wala naman daw info na nakalagay sa piktyur kung kailan ang eksaktong oras at petsa nu’ng araw na napiktyuran si Pao with the mysterious girl. Kasi puwede naman daw na matagal nang nangyari ‘yung piktyuran and then, later on na lang nai-post sa socmed.


Isa pang kinakitaan ng pagdududa ng mga netizens ay ang sinabi rin ni Joy sa kanyang Instagram na hindi niya kilala si Paolo personally.


Pero may source kami na ipinadala ang dalawang pictures nina Joy at Paolo na magkasama years back. 'Yung isang piktyur ay kuha during Bruno Mars concert sa ‘Pinas as stated sa caption ng IG post ni Joy noong May 22, 2016. ‘Yung isa naman ay same date (May 22, 2016) ang nakalagay nu'ng ipinost sa IG ng ex-partner ni Jom.


But very obvious na magkaiba ang petsa nu'ng araw na kinunan ang dalawang pictures nina Joy at Paolo together. Halatang mas matagal nang nakunan ang piktyur ni Joy na may braces sa ngipin with Paolo.


So, maaari kayang magkakilala na sina Paolo at Joy noon pa man?


Well....

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 08, 2021



ree

Nagsalita na si Vice Ganda sa kumakalat na balitang nagpakasal na sila ng boyfriend niyang si Ion Perez sa super laugh trip na latest vlog ng komedyanteng si Negi sa kanyang YouTube channel.


Sumalang si Vice sa lie detector challenge ni Negi sa host ng It's Showtime kasama ang kaibigan nila at komedyante ring si Petite.


Tinanong ni Negi si Vice kung ikinasal na siya kay Ion.


"Wala kayong pakialam. Hahaha!" pabirong sagot ni Vice.


Muli siyang tinanong ni Negi at sumagot naman si Vice ng "Hindi."


At base sa lie detector machine, nagsasabi raw nang totoo si Vice.


Aliw na aliw ang mga netizens sa super laugh trip na vlog ni Negi. Nakakatuwa naman kasi talaga ang mga questions nina Negi at Petite sa It's Showtime host.


Bagama't meron ding mga tanong na seryoso, gaya na lang kung type ba ni Vice na magkaroon ng anak.


"Ang saya-saya ng buhay mo ngayon, kumpleto. May balak ka ba na magka-baby?" usisa ni Petite.


"Oo," mabilis na tugon ni Vice.


Hirit na tanong ni Negi, "Mag-adopt?"


"Hindi," sabay iling ni Vice.


At sabi pa ni Vice, dalawang anak ang gusto niya.


"Pero puwede rin namang mag-adopt kung hindi mag-work. Gusto kong mag-baby," diin pa ng Unkabogable Star.


Pero nakuryente si Vice sa lie detector machine na ibig sabihin ay 'di true ang sinabi niya na gusto niyang magka-baby. Kaya, 'di napigilang mag-react ni Vice sa machine.


"Ayyy! Bakit? Nangingialam ka pa sa akin, eh, plano ko naman talaga 'yun!" tili niya sa machine.


Ang isa pang tanong kay Vice ng mga kaibigan niyang komedyante ay kung naranasan na ba niya ang kumuha ng bagay na hindi sa kanya.


"Bakla, nagtatrabaho ako para kumita ako. Para 'pag may kita na ako, mabili ko lahat ng gusto ko. Para hindi ako mahirapan ma-avail ko, matugunan ko lahat ng pangangailangan ko."


Kapagkuwan, nag-iba rin ang sagot ni Vice, "Pero oo, nang-uumit pa rin ako ng hindi sa akin. Hahaha! Gaya ng bath robes sa hotel. Ano pa ba'ng kinukuha ko? Toiletries. Saka sa bahay ni Karla (Estrada), nangunguha ako ng mga gamit niya na hindi niya alam."


At pati raw sa kasamahan niyang host sa It's Showtime na si Anne Curtis ay "gumegetlak" siya ng gamit.


"Si Anne Curtis, 'yung mga gamit niya, kinukuha ko. Tapos, makikita na lang niya, nasa sa akin na. Hahaha!" pag-amin ni Vice.


Naloloka na lang daw si Anne kapag nalaman niya na may kinuha si Vice na gamit niya.

"Oo, wala na siyang magagawa. So, magnanakaw po ako. Hahahaha!"


Honest din si Vice sa kanyang sagot na "hindi" when asked kung nagpa-massage na siya na may "happy ending."


"Hindi," ngiti niya. "Hindi ko naranasan 'yan. Hindi talaga."


Another question was kung nagawa na ba niyang makapag-cheat kay Ion.


"Ay, no," pa-sweet na sagot ni Vice.


Kahit daw makipagharutan sa ibang lalaki sa social media ay 'di ginawa ni Vice. At kahit tumingin-tingin lang daw sa ibang lalaki ay 'di niya ginawa.


"Na-experience mo na ba ang tinatawag na 'serbis,'" tanong ni Negi kay Vice.


"Ay, hindi," bulalas ni Vice. "Alam ng mga (kaibigan niya) bakla 'yan."


Pero nahalatang pinigilan ni Vice ang mag-react nang may lumabas na kuryente sa lie detector machine, kaya wala siyang nagawa kundi aminin ang totoo.


"Siguro nu'ng mga ano ako, 19 (years old). Hahaha!"


Hirit na tanong pa ni Negi kay Vice ay kung nagpapalit na raw ba ng sex organ ang Unkabogable Star.


"Nagpalit na po ako ng six organs, seven na po siya. Hahaha!"


But seriously, sinabi ni Vice na hindi raw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page