- BULGAR
- Jan 12, 2022
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 12, 2022

Nakahinga na nang maluwag si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos makuha ang resulta ng COVID test nila ng kanyang pamilya.
Matatandaang ilang araw pa lang ang nakararaan ay nagpositibo sa COVID sa RC PCR test ang mister ni Mega na si Sen. Kiko Pangilinan.
Sa caption ng pinakahuling Instagram post ni Sharon na isang image na may nakalagay na ganitong text: "God is good even when times are bad," inihayag ni Mega ang kanyang kasiyahan.
“Praise God! We all tested NEGATIVE!!!" aniya.
Bago makuha ang result ng kanyang test ay labis na nalungkot si Megastar dahil kinailangan nilang mag-isolate nang ilang araw.
Sabi niya sa isa pa niyang IG post, “I have not been this lonely in years… and right after New Year came in, right after my birthday…(sad emoji)”
Isa naman sa mga celebrity friends na nag-encourage sa kanya si Judy Ann Santos.
“Everything will be fine ate…,” comment ni Juday.
Pero dahil okey na si Mega, baka sumabak na siya sa pangangampanya ni Sen. Kiko bilang VP aspirant ka-partner ni incumbent Vice-President Leni Robredo na tumatakbo naman as president sa nalalapit na eleksiyon.






