top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 30, 2022


ree

Physically exhausting para kay AJ Raval ang mga eksenang ginawa niya sa kanyang latest film na ipapalabas sa Vivamax, ang Kaliwaan with the newest international award-winning actor na si Vince Rillon at si Denise Esteban.


So far, ang role ni AJ sa Kaliwaan ang masasabi niyang pinaka-challenging amongst her other sexy films on Vivamax.


To the point na kahit tapos na ang shooting ay nag-iiyak pa rin daw siya sa harap ng kanyang kaibigan and relating to her kung gaano siya nadala sa mga eksena at napagod physically.


Pinaghalong sex and violence kasi ang tema ng Kaliwaan na inspired sa totoong buhay. Ang kuwento ng Kaliwaan ay mula sa batikan at multi-awarded director na si Brillante Mendoza na ipinadirek niya sa isa sa kanyang mga estudyante on film directing na si Dante Palacio.


Si Direk Brillante rin kasi ang producer ng Kaliwaan under his film outfit, ang Centerstage Productions, at katuwang ang Vivamax.


“Well, matagal na ang kuwentong ‘to. 'Di ba, nabanggit ko naman in the past na kahit hindi ako gumagawa ng pelikula, naghahanap ako talaga ng kuwento. Kumbaga, sa ngayon, lifestyle ko na ‘yun,” sabay tawa ni Direk Brillante pagkatapos ng special screening ng Kaliwaan last Wednesday.


Dugtong niya, “So, isa ito sa mga na-gather ko nang mga kuwento sa mga ano kapag nagre-research ako. Tapos, si Daniel naman, marami na akong nai-produce sa mga pelikula niya. Ako ang nag-produce ng first film niya, ‘yung Pailalim na nag-compete sa San Sebastian, at ‘yung second film niya na nag-compete sa Tokyo. So, ito ‘yung third film niya sa Vivamax. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang project na ‘to kasi bukod sa mga pelikula niyang nagawa, kaya niyang gawin.”


Parang musika naman sa pandinig ni Direk Daniel ang mga narinig at nakita nitong reaksiyon sa mga members ng media, cast and crew ng movie at pati ang iba pang special guests na nakapanood ng Kaliwaan during the special screening.


“Ano siya, eh, parang musika siya sa tenga ko. Kasi, it means effective siya. Kasi we did that to my first film when it was shown in Spain, ganyan din ‘yung naririnig ko. So, mas lumabas ‘yung emosyon nila dito (ng mga manonood). Mas effective ‘yung boses na ginawa ng buong grupo namin,” pahayag ni Direk Daniel.


Isa sa pinakalutang ang reaksiyon ng audience sa movie ay sa torture scene ni Vince. Kaya nahingan siya ng konting kuwento kung ano ang feeling niya doing that scene.


“Ano po, masakit. Nakakaiyak the first time na makita ko ‘yung hitsura ko na tino-torture. Uh, kawawa. Kawawa ako,” sabay iling ni Vince na na-overwhelmed sa kanyang napanood.


Going back to AJ, nilinaw niya na hindi niya last film ang Kaliwaan kahit plano niyang ipagpatuloy ang kanyang naantalang pag-aaral.


“Meron po akong naka-line-up na ibang pelikula. At ang pagpapaseksi naman po sa showbiz, never ko naman po sinabing mawawala ako. Gagawa pa rin po ako at ‘yung pagpapaseksi, gusto ko po siya, masaya po ako doon. Never ko rin pong bibitawan ‘yung pagpapaseksi. Siguro, parang bawas-bawas lang din po ako ngayon,” esplika ni AJ.


Kaya huwag magduda ang iba r’yan na magiging hadlang sa pagpapaseksi ni AJ ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica. Malinaw na ‘di naman siya pinagbabawalan ni Aljur na itigil na ang pagpapaseksi kahit sabihin pang grabe ang mga eksena ni AJ sa pelikula kung saan dumaan at pinagpasa-pasahan siya ng iba't ibang lalaki.


So, huwag magpahuli sa panonood ng Kaliwaan sa Vivamax dahil maraming aral ang kuwento ng pelikula.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 28, 2022


ree

Hayagan na rin ang pagiging Kakampink ni Jodi Santamaria. Sa kanyang Twitter account ay ‘di lang ang tumatakbong senador na si Atty. Chel Diokno ang kanyang inendorso.


On that same day na nag-tweet si Jodi about Atty. Diokno ay lumantad na rin siya bilang Kakampink, ang tawag sa mga supporters nina VP Leni Robredo bilang presidente at Sen. Kiko Pangilinan bilang bise-presidente.


“Papunta pa lang tayo sa exciting part,” tweet ni Jodi na kilala rin as “Doc Jill” sa tinututukang drama series ng ABS-CBN.


Nag-comment si Jake Ejercito, isa rin sa mga artistang very active sa pangangampanya for VP Leni and Sen. Kiko, sa post ni Jodi.


“Let’s go, doc!!” comment ni Jake.


Nagulat naman ang ilang netizens sa naging desisyon ni Jodi dahil knows ng public na lolo ng anak niyang si Thirdy si Sen. Ping Lacson na isa rin sa mga presidential aspirants this coming election.


Anak ni Jodi si Thirdy kay Pampi Lacson na anak ni Sen. Ping.


“OMG!!! Akala ko, kay Sen. Ping si Jodi kasi nga father-in-law niya, but I was wrong!!! Go, Jodi a.k.a. Jill!!!"


“Divorced po sila ng anak ni Ping but they are friends.”


“Grabe, pati si Ma'am Jodi, na-Ping Lacson.”


“Kahit hiwalay na, eh, lolo pa rin ng anak niya si Ping, respeto lang sana.”


Sinagot naman ng current partner ni Pampi na si Iwa Moto ang tanong ng netizen sa kanyang Instagram post na “Ask me anything."


Tanong ng netizen kay Iwa, “Ano po ang masasabi n'yo na Leni-Kiko si Jodi?"


Sagot ni Iwa, “Hmmm…not that surprised.. 'coz we talked about it before. She said she’s still undecided that time. Of course I will respect her decision.”


Dagdag pa ni Iwa, “Kahit naman iba iboto niya, 'di naman mababago na pamilya kami. At mahal namin at inirerespeto ang isa't isa. Siyempre, may sarili kaming utak at iba kami ng opinyon.”


Sa kabila nito, naglabas ng hinaing si Iwa sa huling bahagi ng kanyang statement.


“Was just hoping na 'di na lang siya nag-announce, hihi. Siyempre, father-in-law namin 'yung kalaban na candidate. Lol! Bwahahaha!” sabi pa ni Iwa.


Dinepensahan naman si Jodi ng ibang netizens sa pahayag ni Iwa.


“Nanindigan si Jodi, respect. It happens to the best of families, kita n'yo nga si Sotto at si Kiko. Ang importante, may maayos na pagninilay-nilay bago mag-endorso o bumoto. Rerespetuhin ka naman basta alam ng mga tao na pinag-isipang tunay 'yan.”


Pero say ng mga bashers, okey na raw sana 'yung sinabi ni Iwa except pagdating sa dulo na may “father-in-law namin”.


“Ok na sana, except 'yung last part... Annulled na sila ni Pampi, so hindi na niya (Jodi) father-in-law si Ping...”


“HAHAHA! True, napaisip ako tuloy kung kasal na sila ni Pampi.”


“Iwa dear. Father-in-law lang ni Jodi. Ikaw, hindi ka pa 'in-law'”


Sabeee?


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 27, 2022


ree

Samantala, nagpahatid din ng pagbati kay Regine Velasquez ang “nananahimik” na si Kris Aquino. At sa mensaheng ipinost ni Kris sa social media for Regine ay nai-announce niya ang nalalapit na pag-alis sa Pilipinas.


Nakatakda na raw ang pagtungo nila ng kanyang mga anak sa Amerika for her medical treatment na tatagal nang mahigit isang taon.


Mensahe ni Kris kay Regine, “May inihanda akong THANK YOU from our family for you & Pareng Ogie – honestly I need to ask my sisters if it ever reached you – because Alvin (your #1 fan) took care of everything – he’s on leave now because his mom is in the hospital. Mare sorry if my greeting is late- we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments.


"Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas (Jasmin Pallera, Magandang Buhay executive producer) & Darla (Sauler, writer) and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kumusta ako.”


Finally, matutuloy na rin ang pagpapagamot ni Kris sa US. Maraming followers ni Kris sa socmed ang natuwa sa latest medical news ng TV host. Ang dami pa rin kasing nag-aabang sa pagbuti ng kalagayan ni Kris.


“Sana gumaling ka na Ms. Kris."


“That’s right. Focus ka muna sa health mo, Krissy.”


“Yes, Kris, please stay quiet and focus on your health, pati sa social media, para maging maginhawa ka.”


Napa-wow naman ang mga netizens sa haba ng gamutan ni Kris, at sa US pa na knows nila kung gaano kalaking halaga ang magagastos ng TV host.


“Ang yaman niya. 1 year abroad for medical treatment is terribly expensive.”


“1 year for a medical treatment, my gosh, that would be really exhausting physically, mentally emotionally and financially. STILL, laban, Kris! She has the resources, laban lang!”


Dahil sa sinabi ni Kris na in a few days ay aalis na siya ng 'Pinas, tanong ng ibang netizens, makakaboto pa kaya siya sa May 9 elections?


“So, 'di siya makakaboto sa May 9?”


But knowing Kris, kung gusto niya talagang bumoto, maraming paraan.


Sabi nga niya sa ginanap na rally sa Tarlac ng partido nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, in effect, walang makakapigil sa kanya kapag ginusto niya.


So, there.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page