top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | July 12, 2023




Nananatili pa ring matatag ang samahan ng U.S. at United Kingdom. Ito ang pahayag ni U.S. President Joe Biden sa pakikipagpulong niya kina King Charles at UK Prime Minister Rishi Sunak.


Dagdag ni Biden, wala nang makahihigit pa sa solidong samahan ng U.S. at UK. Dumaan umano si Biden sa UK bago ito magtungo sa Lithuania para dumalo sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) meeting.


 
 

ni Mabel Vieron | June 24, 2023




Ipinagmamalaki ng U.S at India ang pagkakaroon nila ng malaking respeto sa human rights.


Sa pagbisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi, pinag-usapan umano nila ang pagpapatibay ng relasyon sa U.S at India.


Pinalawig din ni Biden ang educational visas sa mga India kung saan posibleng madagdagan pa ang 125,000 na estudyante ng India upang makapag-aral sa U.S.


Natalakay din nila ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia kung saan handa umano silang pumagitna upang matigil na ang kaguluhan.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 3, 2023




Inihayag ni U.S. President Joseph Biden nitong Lunes na magpapadala siya ng "first of its kind" presidential trade and investment mission sa Pilipinas.


Ginawa ni Biden ang pahayag kasunod ng kanyang bilateral na pagpupulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington.


Binanggit ng pinuno ng US ang "matibay na partnership" ng Manila at Washington at malalim na pagkakaibigan


Nakatuon din si Biden na palakasin ang suporta ng Amerika sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang pagpapagaan ng pagbabago ng klima at ekonomiya.


Pinasalamatan ng pinuno ng Pilipinas si Biden para sa tulong ng Amerika at hinahangad na palakasin ang mga alyansa at pakikipagtulungan sa harap ng bagong ekonomiya na kinakaharap pagkatapos ng pandemya.


Kabilang sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pinalawak na bilateral meeting ay sina National Security Adviser Eduardo Ano; Defense Sec. Carlito Galvez, Jr.; Environment and Natural Resources Sec. Antonia Yulo Loyzaga; Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual; Information and Communications Technology Se. Ivan John Uy; Justice Sec. Jesus Crispin Remulla; Migrant Workers Department Sec. Maria Susana “Toots” Ople at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page