ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 17, 2024
Photo: Screengrab from Fast Talk with Boy Abunda
Ang daming interesting topic na na-discuss sa interview ni Tito Boy Abunda sa mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday.
Kung dati, kilala lang natin si Heart bilang aktres at alam nating fashion icon siya at mahilig rumampa sa mga Fashion Week abroad, dahil sa interbyu na 'yun, nakilala ng mga tao si Heart bilang asawa at stepmom ng dalawang anak ni Sen. Chiz sa unang pinakasalan nito. Kinakitaan din namin ng maturity si Heart sa pagsagot sa mga tanong at 'yung mga point of views niya na hindi na tunog-spoiled brat.
Obviously, ang laki-laki ng naging pagbabago ni Heart sa ugali at pag-iisip courtesy of Sen. Chiz.
At ramdam mo talaga sa kanya kung gaano niya kamahal at inirerespeto ang mister, dahil para aminin niyang natataranta siya kapag may iniuutos si Sen. Chiz na para raw empleyado siya nito, that shows na submissive wife si Heart kahit pa ang tingin sa kanya ng mga tao ay 'matigas ang ulo' at aminado naman siya rito.
'Kaaliw din 'yung pag-amin ng mag-asawa tungkol sa 'happiness' moment nila nang tanungin ni Tito Boy kung sino ang mas madalas mangalabit. Itinuro ni Heart ang mister dahil siya raw ay laging tulog at pagod.
Birong pambubuking ni Sen. Chiz, "Ngayon lang 'to. Noon, hindi, ha?"
Kaya napa-laugh out loud tuloy si Tito Boy na si Heart pala ang madalas mangalabit noon. Hahaha!
Pero ang mas tumatak sa amin sa mga sinabi ni Heart sa naturang interview ay ang sagot niya sa tanong ni Sen. Chiz na "'Pag wala ako, magpapakasal ka ba uli?"
Diretsong sagot ni Heart, "Never! Never TikTok everybody, never! I'll never get married again." Oh, ha?! At least, mukhang pang-forever na nga silang dalawa. Congrats!!!
NADINE, BALIK-ACTING,SUPORTADO NG MISTER
Photo: Nadine Lustre / IG
Matagal-tagal ding nagpahinga sa pag-arte ang dating StarStruck avenger na si Nadine Samonte mula nang mag-asawa ito.
Pero nang makita namin siya sa premiere night ng comeback movie niyang Layas last Tuesday sa SM Megamall Cinema 8, parang hindi naman nagbago ang hitsura ni Nadine, maganda at sexy pa rin.
Na-miss daw niya ang pag-arte kaya nang ialok sa kanya ang role sa inspirational movie ng Pinoyflix Films na Layas, tinanggap niya agad lalo't three days lang ang shooting schedule niya.
Nagustuhan din ni Nadine ang script at story ng Layas kaya siya pumayag na makasama sa pelikulang idinirek ni Jose "JR" Olinares.
Suportado naman daw ng kanyang mister na si Richard Chua ang kanyang showbiz comeback at in fact, sinamahan pa siya sa premiere night ng Layas.
Bukod sa movie na ito, nagbabalik din si Nadine sa pag-arte sa telebisyon at kasama siya sa upcoming GMA-7 series na Forever Young with Alfred Vargas at ang bidang si Euwenn Mikael.
Samantala, kahit napahinga sa pag-arte, pinuri ni Direk JR si Nadine sa Layas movie dahil wala raw siyang kupas at puro take one lang ang mga eksena niya.
Based sa true-to-life stories ang Layas na isang heart-rending na kuwento ng limang naglayas na bata na nakaranas ng hirap at mga pagsubok sa buhay hanggang sa makamit nila ang inaasam na tagumpay.
Isinulat ito ni Jocelyn Rayton at executive producers naman sina Norida Nakamura, Tricia Bancod at Mary Ann Villamor.
Kasama rin sa Layas na gumanap na mga batang naglayas sina Alodia Buenio, Kristine Buenio, RG Guinolbay, Gwynn Villamor at James Estrella.
Also in the cast are Joem Bascon, Alex Medina, Michelle Vito, Dianne Medina, Ping Medina, Dindo Arroyo, Pamela Ortiz, Poppo Lontoc, Trish Bancod, at may special participation
ni Norida Nakamura.
Bukod sa theatrical run dito sa 'Pinas, mapapanood din ang Layas sa ibang bahagi ng Amerika, gayundin sa Japan.
Rated R-13 ang Layas ng MTRCB at sinuportahan ng Municipal Social Welfare and Development (Binangonan), Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Pamahalaang Bayan ng Tanay, at Team Foundation.