top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 2, 2025





Hindi lang si Kyline Alcantara ang inulan ng pamba-bash ng mga netizens matapos ang mga ibinulgar ng ina ng ex-boyfriend niyang si Kobe Paras na si Jackie Forster tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.


Maging si Jackie mismo ay na-bash din ng mga hindi naman pabor sa kanyang ginawang SONA o “State of the Nanay Address” kung saan may mahabang script pa itong binasa para isa-isahin ang mga nangyari sa pagitan nina Kobe at Kyline maipagtanggol lang ang kanyang anak na diumano’y na-physical abuse ng Kapuso actress.


Ilan sa mga komentong nabasa namin sa social media…


“Ingay! Kobe, Andre.. nanay n’yo pakiawat pls?”


“Ewan ko sa ‘yo, Jackie, kung naaabuso pala ang anak mo, dapat noon pang magkarelasyon sila ikaw nag-iingay. Bakit ngayon lang kung kelan may bagong karelasyon na si

Kobe?” “Jackie, why don’t u let your son talk? Ang laking mama. U have the right to be upset as a mother pero ‘yung sabihin mo pang Kobe’s parents (u, Benjie and your husband ) provide for him at ibang-iba ang family n’yo w/ the other side is kinda off.


Mali ka, Jackie. Ikaw nagpalala, ikaw nagsimula, ikaw panira sa buhay ng mga bata. 2025 na, character development is waving. Useless ka sa issue na ‘to.”


“Sa laki ng guy, s’ya pa ‘yung nasaktan? Tapos ‘yung nanay na naging negligent noon, compensating ngayon. Parang medyo ‘di nagtutugma ang kuwento sa mga kilalang pagkatao nila?”


“Isn't this bullying? An old lady fighting with a young girl?”

May mga komento pang malakas ang loob ni Jackie na magsalita laban kay Kyline dahil nasa ibang bansa ito at hindi maidedemanda ng Kapuso actress.


Samantala, may ilang netizens din ang nagpaalala sa cheating issue noon ni Jackie kay Benjie Paras kaya sila naghiwalay at nasira ang kanilang pamilya.


Komento ng mga netizens na mukhang tandang-tanda pa ang mga ginawa noon ng dating aktres, kaya raw todo-tanggol ngayon si Jackie sa kanyang anak na si Kobe ay dahil nagmana lang naman ito sa kanya at pareho raw silang cheater.


Tsk! Ayun lang! ‘Pag may record ka talaga, ang hirap kumuda at mag-SONA dahil tiyak na may ibabalik sa ‘yo ang matatalas ang isip at dilang netizens.



YEAR talaga ni Kathryn Bernardo ang 2025 dahil sa sunud-sunod niyang blessings tulad ng movies, TV shows, endorsements etc., etc..


Last January, muling pinagtibay ng TCL Electronics, isa sa mga nangungunang TV brands sa buong mundo at lider sa larangan ng consumer electronics, ang kanilang matatag na ugnayan sa Asia’s Superstar at Box Office Queen na si Kathryn Bernardo, bilang kanilang pangunahing endorser at brand ambassador kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Pilipinas.


Ang contract signing ay ginanap sa Studio Simula na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng TCL kabilang sina Deputy Marketing Director Shae Xiaoling Yu at Brand Manager Joseph Cernitchez. Kinatawan naman si Kathryn ng kanyang mga co-managers na sina Lulu Romero at Kali Vidanes, Account Manager ng VCM The Celebrity Source—ang ahensiyang naging susi sa matagumpay na kolaborasyong ito.


“This partnership is built on authenticity,” ani Cernitchez. “We’re thrilled to celebrate Kathryn’s third year with TCL. Her genuine connection with the Filipino audience and her influence as a trusted icon have made her a perfect fit to champion our message of ‘Inspire Greatness.’”


Nagpahayag si Kathryn ng taos-pusong pasasalamat at inilahad kung paano naging bahagi ng kanyang personal na buhay at ng maraming Pilipino ang mga produkto ng TCL.


“I’m incredibly happy to have contributed to TCL’s rise to the top. I’ve personally experienced the quality of their products—and they truly make life better,” pagbabahagi ni Kathryn.

“I especially love my TCL QLED Pro TV. It helps me relax, bond with family, and enjoy my downtime despite my hectic schedule.”


Ipinunto ni Kathryn ang makabago at praktikal na disenyo ng mga produkto ng TCL na sumasalamin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng modernong Pilipino.

Mayo pa lang at may seven months pang natitira, anu-ano pa kayang endorsements ang darating kay Kathryn?


Bongga ng anak ni Mommy Min!




 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 1, 2025





“So, natuloy na rin po ang pagkalugi ko dahil sa inyo,” ang pabirong hirit ng dating Ilocos Sur Gov. at chairman ng LCS Group of Companies na si Manong Luis “Chavit” Singson kahapon sa ginanap na contract signing at factory opening ceremony ng kanyang dream project-advocacy na e-jeepney sa Batangas.


Hindi man natuloy si Manong Chavit sa pagtakbong senador, itinuloy pa rin niya ang pangako sa mga transport group na maglalabas ng mga eco-friendly vehicles para makatulong sa kabuhayan ng maraming Pinoy at transport sector sa bansa.


Ayon kay ex-Gov. Chavit, gusto niyang patunayan na may isang salita siya kaya tinupad ang pangako at hindi isipin ng mga tao na tumutulong lang siya dahil may intention siyang tumakbong senador.


No regrets daw si Manong Chavit na umatras siya sa pagka-senador dahil nabigyan niya ng higit na oras na maisakatuparan ang paglalabas ng e-jeepney dito sa ‘Pinas.



Katuwang ang kanyang mga Korean investors, sa LCS Emon Factory sa Lima Estate, Lipa, Batangas ia-assemble ang mga electric vehicles na ayon nga kay Manong Chavit ay mabilis namang gawin ng kanyang mga manggagawa.


Kaya excited siyang ibinalita na kayang-kaya ng workforce nila ang mga orders mula sa Paraguay na sabi nga ng businessman-philantropist ay maibebenta niya ng P2.5 M per unit at doon na lang siya babawi.


Sa ‘Pinas daw kasi, P1.2 M lang ang presyo ng bawat e-jeepney at puwede pang installment kaya nga nakapagbiro siya na matutuloy na ang pagkalugi niya.


Nangako naman ng suporta ang Dept. of Transportation (DOT) sa dream project na ito ni Manong Chavit na ngayon nga ay naisakatuparan na.


Umaapela lang si Manong Chavit na sana ay mailabas na ng LTFRB ang prangkisa para sa e-jeepney nang sa gayon ay maging operational na ito sa buong bansa.



Samantala, naitanong din namin kay ex-Gov. Chavit Singson kahapon kung totoo bang tumulong din siya sa gastos sa pagkamatay ni Superstar Nora Aunor.


“Ah, oo, nu’ng araw pa, tinutulungan ko na siya,” ani Manong Chavit.


Hindi lang daw sa burol ni Ate Guy siya nagbigay ng instruction sa mga staff niya na mag-abot ng tulong-pinansiyal dahil kahit nu'ng buhay pa ang Superstar, kasama na ito sa mga senior citizens na artista na binibigyan niya ng P50K bilang ayuda.


“Bago namatay, nagpunta sa bahay. ‘Ako na ang bahala para sa operasyon na hinihingi mo,’ kako, hindi naman umabot. Nagkataon naman na nasa bahay ako,” kuwento pa sa amin ni Gov. Chavit.


“‘Yung mga in-adopt na pami-pamilya niya, hindi ata tinutulungan, eh,” dagdag na chika nito kaya binibigyan daw talaga niya si Ate Guy noon pa.

May ibinebenta palang property sa kanya ang Superstar na hindi na natuloy dahil nakamatayan na nga nito.


“Sinabi ko sa opisina ko, tulungan. Ewan ko lang kung… Kaya lang sabi nila, ‘yung mga in-adopt-adopt niya, wala naman daw, ‘di naman pinapansin nu’ng buhay pa. ‘Yun ang balita ko, ‘yung mga in-adopt niya, hindi naman daw siya tinutulungan,” ani pa Manong Chavit na siyempre ay gusto rin niyang makumpirma kung totoo at hindi pa raw niya nakakausap ang mga anak ng Superstar.



NAHIHIYA raw si Kiko Estrada ‘pag sinasabing siya ang bagong Prince of Teleserye ng TV5.


Ang suwerte naman kasi ni Kiko na after ng Lumuhod Ka sa Lupa, may kasunod na agad siyang action serye sa TV5 dahil siya ang bibida sa remake ng Totoy Bato na ginampanan noon ni the late Fernando Poe, Jr. (SLN) sa pelikula at una na ring ini-remake ni Sen. Robin Padilla sa TV series noon ng GMA-7.


Ano nga ba’ng feeling niya na after FPJ and Robin, siya ang bagong Totoy Bato?

“Wala akong masabi, sobrang nakakataba ng puso,” ani Kiko na aminadong may pressure sa kanya na lumabas na maganda ang action serye lalo't kasama raw sa orig na Totoy Bato movie ang kanyang Lolo Paquito Diaz (SLN).


Si FPJ naman daw ang kanyang fave boxer at kung paano ito sumuntok at paborito rin niya ang Panday movie nito.


Ngayong Mayo 5 na magsisimula ang ipinagmamalaking handog ng TV5 na hango sa obra ni Carlo J. Caparas at sa classic film na pinasikat ni Fernando Poe Jr.. Mapapanood ito sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM kapalit ng magtatapos na Lumuhod Ka Sa Lupa.


Makakasama sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Bea Binene, Diego Loyzaga, Art Acuña, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Mark Anthony Fernandez, at Ms. Eula Valdez. 

May mga espesyal na pagganap din sina Joko Diaz, Tanya Garcia, Carlene Aguilar, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco. 


Sina Cindy Miranda, Gold Aceron, Ivan Padilla, Andrew Muhlach, Billy Villeta, Benz Sangalang, at Lester Llansang naman ang kukumpleto sa cast sa kanilang pagganap sa kanilang mga natatanging karakter. 


Mula ito sa direksiyon ng Lumuhod Ka Sa Lupa director na si Albert Langitan, at sa produksiyon ng MavenPro, Sari Sari Network Inc., at Studio Viva.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 30, 2025





May magandang anekdota si Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana kung bakit siya nauwi sa pagiging professional car racer at ngayon nga ay founder ng Yllana Racing na in partnership with Okada Manila ay muling binuhay at ibinabalik ang country’s most anticipated racing events, ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025.


Sa ginanap na media launch kahapon ng Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 na magki-kick-off sa May 4 (Linggo), naikuwento ni Jomari na nu’ng Gwapings days nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, nasa underground (meaning, illegal at walang permit) drag racing pa siya.


And that time nu’ng nagsisimula pa lang siyang mangarera, ang purpose niya ay para sa pusta at kumita.


One time, sa isang underground drag racing sa Greenhills, nahuli raw siya ni Jinggoy Estrada (maybe mayor ng San Juan that time) at nu’ng hinarap at kinausap na raw sila ng kanyang mga kasamang nagkakarera, nakilala siya nito bilang isa sa Gwapings na barkada ni Mark Anthony Fernandez na anak naman ng kaibigan ni Sen. Jinggoy na si the late Rudy Fernandez.


Hindi na raw siya hinuli ni Jinggoy at sinabihang ‘wag nang sabihin sa iba na pinalusot siya nito (Hahaha! Those were the days na lang talaga!), pero siyempre, kaakibat nu’n ang pagpapaalala na ‘wag nang uulitin ang kasalanan.


So, du’n na tumigil si Jomari sa underground drag racing hanggang kinuha na nga siya ng Toyota at ginawang professional car racer at inilaban pa sa mga competitions abroad.





Kaya naman to give back sa mga katulad niyang passion ang car racing, naisipan ni Jomari at ng partner niyang si Rikki Dy-Liacco na ibalik ang Motorsport Carnivale nang sa gayun ay magkaroon ng venue ang mga mahilig sa car racing sa legal na paraan, kung saan ang advocacy nila ay makapagturo ng road safety at discipline sa mga car racing enthusiasts.


Gusto rin nilang makilala ang big event na ito globally kaya mas malaki raw at mas maraming categories ang puwedeng salihan ng mga kalahok sa Motorsport Carnivale this year kumpara nu’ng 2023.


Magsisimula ang Motorsport Carnivale sa Super Sprint category, 6 AM to 6 PM on Sunday, May 4, na puwedeng salihan ng mga amateur car racers.


Sa May 31 naman sa Jom’s Cup, an 1.8 mile drag racing challenge ang gaganapin sa Boardwalk and Gardens ng Okada Manila kung saan mas advanced at exciting ang laban sa Super Car, Muscle Car and Vintage categories.


May special EV car showcase rin with guest celebrities na puwedeng mapanood nang live at sa livestream ng mga fans ng car racing.


Tinanong namin si Jom kung sino sa mga international car racers ang gusto niyang i-invite sa kanilang Motorsport Carnivale kung sakali para mas makilala ito globally at sagot niya, si Vin Diesel ng sikat na Fast and Furious movie series.

Ohhh, why not? Super bongga ‘yun ‘pag nagkataon.


Samantala, nabanggit din ni Jomari na gusto ring sumali ng kanyang wifey na si Abby Viduya sa Motorsport Carnivale 2025 at first time gagawin ng tumatakbong konsehala sa 1st District ng Parañaque ito.


So, ‘di lang tumatakbo sa pulitika si Abby, magpapatakbo rin ng kotseng pangarera!


Todo-sigaw na ipaglalaban ang karapatan ng mga Pinoy bilang senador… NETIZENS KAY IPE; UNAHIN MONG IPAGLABAN ANG KARAPATAN MO KAY JOSHUA


Maraming bumilib kina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go at senatoriable Phillip Salvador na despite their super busy sa campaign, nagawa pa rin nilang maglaan ng panahon para sa libing ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Kaya naman natuwa ang mga Noranians sa pagpapahalagang ibinigay ng tatlo na nagpapakita lang daw ng kanilang respeto sa Superstar.


Si Sen. Robin ay naging close kay Ate Guy nu’ng buhay pa ang kanyang discoverer na si Deo Fajardo, ayon sa isa sa mga closest sa Superstar na si Tita Mercy Lejarde.

Si Sen. Bong Go ay kilalang movie fan at for sure, may mga movies din si Ate Guy na napanood niya.


Habang si Phillip, ilang beses nang nakasama sa movie ng Superstar at kung ‘di kami nagkakamali ay naging karelasyon pa nga niya noon.


Kaya lang, disappointed ang ilang netizens at tipong binara si Kuya Ipe sa isinisigaw niya sa kanyang mga kampanya na ipaglalaban daw niya ang karapatan ng mga Pilipino kaya gusto niyang manalong senador.


Sigaw ng mga netizens, “Phillip, unahin mo munang ipaglaban ang karapatan mo sa anak mo kay Kris Aquino na si Joshua, bago ang karapatan naming mga Pilipino!”

Aguy, sunog!!!


Baka mapilipit ang dila o utak? 

AKTOR-PULITIKO, TODO-PAKIUSAP SA MAG-IINTERBYU NA ‘WAG LALIMAN ANG TANONG


BLIND ITEM:

TAWANG-TAWA naman kami sa kuwento ng isang kasamahang writer na nu’ng mag-file raw ng candidacy ang isang aktor na tumatakbo ngayong 2025 midterm-elections ay nagpaunlak ito ng panayam sa ilang kaibigang press people.


Kaya lang ang siste, may pakiusap agad ang aktor sa mga mag-iinterbyu sa kanya, “‘Wag n’yong laliman ang mga tanong, ha?”


Naku po! Sa interview pa lang, takot na ang aktor, pa’no pa siya magiging kapaki-pakinabang sa posisyong tina-target niya sakaling manalo siya?


Baka magkandapili-pilipit ang dila at pati utak niya sa pag-iisip ng mga batas. Wahahahahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page