top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 20, 2024




Tinanggihan ng Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu ang pakiusap ni President Joe Biden na kanselahin ang planong ground assault sa Rafah.


Ang Rafah ang huling takbuhan sa Gaza para sa higit isang milyong katao, na pinaniniwalaan ng Israel na pinagtataguan ng militanteng grupong Hamas.


Binigyang-diin din ni Netanyahu sa mga mambabatas nu'ng Martes na nilinaw niya kay Biden na determinado sila sa kanilang plano.


Matatandaang nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang lider sa telepono nu'ng Lunes para subukang pigilan ang plano ng Israel na pag-atake sa Rafah.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 15, 2024




Nagsagawa ng pag-atake ang Israel laban sa Lebanon.


Ito ay matapos masawi ang isang babae at nasugatan ang 8 iba pa sa rocket attacks na isinagawa ng grupong Hezbollah ng Lebanon laban sa Israel.


Nagbagsak ang Israel ng mga missiles gamit ang mga fighter jets sa lugar sa Lebanon, ayon kay Israel Defense Forces (IDF) spokesman na si Daniel Hagari.


Matatandaang ang grupong Hezbollah ay isang Shia Muslim organization na kinilala bilang isa sa pinakamalakas na armadong non-state military force.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 13, 2024




Pinaigting ng Egypt ang presensya ng militar sa kanilang border sa Gaza.


Inihanda nila ang kanilang mga sasakyang pandigma laban sa pinalakas na mga operasyong militar ng Israel.


Agad ding nagpatupad ng checkpoints sa Rafah upang maiwasang makaladkad ang kanilang mga mamamayan sa hidwaan.


Matatandaang Rafah City na lang ang natitirang lugar sa Gaza na hindi pa nasasakop ng Israel mula ng kanilang sinimulang atakihin ang Hamas at ang mga mamamayan ng Gaza.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page