top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2021



Patay sa COVID-19 ang 14 doktor sa Indonesia kahit mga nakakumpleto na ng bakuna laban sa Coronavirus, ayon sa Indonesian Medical Association noong Biyernes.


Nagkaroon ng surge o biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia noong mga nakaraang linggo at nu’ng Lunes, lumagpas na ito sa 2 milyon.


Ayon sa awtoridad, simula nang tumama ang pandemya, malapit nang lumagpas sa isang libo ang bilang ng mga pumanaw na Indonesian health workers dahil sa COVID-19 kabilang na ang 401 doktor kung saan 14 ang nakakumpleto na ng bakuna.


Saad ni COVID-19 Mitigation Head Mohammad Adib Khumaidi, "We are still updating the data and confirming whether the other cases had been vaccinated or not.”


Samantala, ang Sinovac COVID-19 vaccine ng China ang ginamit ng Indonesia sa mga medical workers na priority group.


Ngayong buwan, mahigit 300 doktor at healthcare workers sa Central Java ang nabakunahan na ng Sinovac ngunit nagpositibo pa rin sa COVID-19 at karamihan umano sa mga ito ay asymptomatic ngunit ang ilan ay kinailangang i-admit sa ospital.


Maging ang West Java ay nakararanas din ng COVID-19 surge at ayon kay Medical Association Spokesperson for the Province Eka Mulyana, ang Delta variant strain ang posibleng dahilan nito.


Aniya, "In West Java, bed occupancy rates have exceeded 90 percent. Some hospitals' rates are even more than 100 percent.


"At this rate, our health system is close to collapse."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page