top of page
Search

ni Lolet Abania | June 2, 2021




Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa permanent validity ng birth, death at marriage certificates ngayong Miyerkules.


Pasado na ang House Bill 9175 o ang panukalang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act, kung saan nakakuha ito ng 199 affirmative votes sa Kamara.


Nakasaad sa mandato ng bill na permanenteng balido na ang mga certificates ng live birth, death at marriage na na-issue, pinirmahan, sinertipikahan o authenticated ng Philippine Statistics Authority at National Statistics Office, at maging ang mga na-issue ng local civil registries.


Gayundin ang permanent validity para naman sa mga reports ng birth, death at marriage registered na na-issue ng Philippine Foreign Service Posts at naipadala sa PSA kahit anumang petsa ng issuance nito.


Layon din ng panukala ang pagsasagawa ng isang civil registry database at ang pagkakaroon ng isang virtual viewing facility sa mga local civil registries at Philippine Foreign Service Posts upang ma-verify ang authenticity ng mga certificates.


Sa ilalim ng bill, ipinagbabawal na sa mga national government agencies, government-owned at controlled corporations, local government units, pribadong kumpanya, pribado at pampublikong educational institutions at iba pang non-government entities ang paghingi ng mga bagong kopya ng nasabing mga certificates sakaling may isa nang valid nito ang maisa-submit.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021



Inaprubahan na ng House of Representatives ang House Bill 9072 o ang proposed Free Annual Medical Check-up Act ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa nito.


Nakakuha ng 245-0 votes ang naturang bill na naglalayong gawing libre ang medical check-up sa mga Pilipino sa mga pampublikong ospital at institusyon.


Kabilang sa medical check-up ay ang blood sugar at cholesterol tests at mga laboratory at diagnostic tests.


Saklaw ng naturang panukala ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa ilalim ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021



Pumanaw na si Antipolo 2nd District Representative Resurreccion Acop. Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ngayong Biyernes.


Ayon sa pahayag na kanilang inilabas sa social media, “Paalam at maraming salamat po, Antipolo City 2nd District Congresswoman Resurreccion ‘Dra. Cion’ Marrero Acop...


“Taos-pusong pakikiramay at panalangin sa mga naiwang pamilya at mga kababayan sa ikalawang distrito ng lungsod...”


Maging ang House of Representatives ay nagpahayag din ng pakikiramay sa pagpanaw ni Acop.


Pahayag pa ng House of Representatives, "She will be remembered for her kindness, passion and commitment to selflessly serve the people of the 2nd District of Antipolo City."


Wala namang inilabas na pahayag ang pamilya ni Acop tungkol sa sanhi ng pagkamatay nito.


Samantala, si Acop ay isang pediatrician at asawa ng dating congressman na si Romeo Acop.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page