top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 18, 2026 (Lunes): Tinitiyak ng kapalaran mo na magtatagumpay ka sa iyong mga ambisyon, lalo na kapag alam mo ang pinagkaiba ng pangarap at ambisyon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Kung gusto mong umasenso, aasenso ka. Pero kung sasayangin mo ang magandang kapalaran, walang mangyayaring maganda sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-22-29-30-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatapang ka ngayon. Ikaw mismo ay magugulat sa sarili mo. Lalakas ang iyong loob, hanggang sa maipatupad mo ang lahat ng mga balak at nais mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-28-33-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Sino ang pikit-matang sumusugod sa mga panganib? Sino pa nga ba, eh ‘di ikaw! Gayunman, ang nakakatuwang balita ay hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-24-31-36-39.


CANCER (June 21-July 22) - Magaganap na ang ayaw mong mangyari. At sasabihin mo, tunay nga na ang nakakaalam ng kung ano ang mabuti ay langit mismo. Sapagkat, kahit na ang ayaw mo mismong mangyari, iyon pa palang magbibigay ng panibagong sigla at dagdag na magaganda at malalaking buwenas na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-11-17-23-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit. Ang mga bagay na ‘di mo kayang gawin, langit mismo ang gagawa para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-20-24-30-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabigla-bigla ang mga kilos mo ngayon. Gayunman, ito ang panimulang hakbang sa pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-18-28-30-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aakalain mo na matatagalan pa bago guminhawa ang buhay mo. Ang ‘di mo alam, lihim na kumikilos ang langit upang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-21-28-36-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtatagumpay ka kaya ang tagumpay na walang pinag-aalayan ay tagumpay na walang katuturan. Kailangan mo ng kaagapa, dahil hindi ka puwedeng mag-isa sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-20-25-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo anumang gusto mong gawin, ang mga pangamba mo ay walang basehan, tinatakot mo lang ang sarili mo sa kung ano-anong negatibong ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-22-31-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natatanaw mo na ang sinasabing liwanag sa gilid ng madilim na ulap. Ibig sabihin, gaganda na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-18-24-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbabago bigla ang damdamin mo. Magugulat ang iba, pero ikaw, noon mo pa kilala ang iyong sarili at pabagu-bago ka naman talaga ng pasya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-22-26-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring hindi mo alam pero nasasagap ng mga lihim mong kaaway na lumalakas ka at papaganda nang papaganda ang buhay mo. Iibahin nila ang kanilang mga plano pero mabibigo pa rin sila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-21-25-30-37.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2026 (Linggo): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo, may ilang aamin at may ilan din na magmamatigas. Mas makakabuti para sa iyo na ang likas mong suwerte ay gamitin mo sa sarili mo upang hindi na ito mapunta sa iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa pagpapalawak ng negosyo ang suwerte mo. Kaya ngayon ang panahon para ituloy mo ang noon mo pa balak na palakihin ang iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-21-24-31-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag maayos ang takbo ng buhay-pamilya, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyong harapan. Kaya pagsikapan mong maayos ang mga gusot sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-22-28-32-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nasa mabilis na pagpapasya ang sikreto ng pagkakaroon ng magandang kapalaran. Kaya ang pangkaraniwang payo na ‘wag mag-alinlangan ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-20-25-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Dumikit ka sa mga taong gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Sa ganitong paraan, siya ay masosorpresa, at walang pagdududa na magbabago ang pakikitungo niya sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-14-26-36-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng mga aktibidad. Sa katunayan, noon mo pa ito inisip pero wala kang magawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-23-27-30-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ka maiinip? Naaalala mo ba na noong nakaraan ay naipanatag mo ang sarili mo nang dumating ang mga hinihintay mong magagandang bagay? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-22-32-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang sarili mo. Kapag may kalayaan ang isang tao, mas gumaganda ang kanyang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-21-25-31-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit na malungkot ka, magsaya ka pa rin, dahil lalaki ito nang lalaki kapag hindi ka na nagsaya. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-16-27-30-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makinig sa payo na nagsasabing hindi maganda ang pagiging ambisyoso. Dahil para sa iyo, ang malalaking ambisyon ay bagay na bagay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-13-20-26-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Haluan mo ng pagsasaya ang trabaho. Sa ganitong paraan, ang pagkabagot ay malalabanan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-29-33-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isuot mo ngayon ang paborito mong kuwintas. Ito mismo ang pampasuwerte mo na magsisilbing magnet sa mga suwerte na nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa-2-14-21-28-30-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumakad ka habang nakataas ang ulo mo. Ito ngayon ang iyong espesyal na pampabuwenas. Kapag ginawa mo ito, magugulat ka, positibo at magagandang resulta ang magaganap. Masuwerteng kulay-mint green. Tips sa lotto-6-7-16-25-34-44.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2026 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napansin mo ba na hindi naman pala talaga nakakatakot ang mga negatibong balita? Kaya huwag na huwag mong ititigil ang mga plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-27-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iniingatan ka mismo ng langit upang ang mga hadlang at sagabal sa landas ng iyong buhay ay hindi makaapekto sa mga pagsisikap mong maabot ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-20-24-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Ang mga pagsubok ay para lang panakot sa mga ibon. Kaya anuman ang iyong ginagawa, magpatuloy ka dahil nagpasya na ang langit na ang malalaking suwerte ay ipagkakaloob sa mga matatapang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-21-28-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit pa may pag-aalinlangan ka. Ang mahalaga ay nagawa mo ang mga unang hakbang para sa maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-18-22-29-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Madaragdagan ang mga magagandang ideya na pumapasok sa isipan mo. Kaya marami kang puwedeng pagpilian. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-26-31-39-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bago mo simulan ang proyektong gustung-gusto mo, magtanong ka muna sa mga may alam at may karanasan na. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-23-36-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humugot ka ng lakas ng loob at tapang sa mga taong dati nang nagtagumpay. Ito ang sikreto para matalo mo ang napakalakas na puwersang gustong magpabagsak sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-24-28-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magplano ka at dapat ang plano mo ay para sa mahabang panahon. Dumating na ang tamang pagkakataon para maiguhit ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-21-27-30-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka! Ito ang susi upang maayos ang gusot. Sa pagpaparaya, tatakbo nang maayos ang mga pangyayari, na para bang wala namang naganap na hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-13-19-25-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo. Higit nilang alam kung ano ang makabubuti para sa iyo. Ang tigas ng iyong kalooban ay huwag mo munang pairalin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-17-20-25-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iniisip mo bang lumayo muna? Huwag, dahil ang mas maganda ay bigyan pa ng isa pang pagkakataon na maayos ang mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-16-25-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tinatangay ng malalakas na hangin ang mga nagbabantang problema. Kaya ang mga pangamba mo ay bigla na lang mawawala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto; 07-10-15-24-28-37.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page