- BULGAR
- Jul 8, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 08, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 8, 2021 (Huwebes): Mas malakas at masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Marami ang gusto kang pabagsakin pero silang lahat ang magsisibagsak.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit pa gaano kabigat ang mga suliranin sa iyong buhay, harapin mo ito at ‘wag mong takasan. Makakaasa ka na ikaw ang mananalo at ang premyo mo ay malalaki at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mong matangay ka ng mga taong akala mo ay may magandang motibo, pero mapapansin mo rin na may mali sa kanilang mga sinasabi. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-27-29-36-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Tuloy-tuloy lang, ‘wag kang hihinto at aatras. Ang mga hadlang sa landas na iyong tinatahak ngayon ay hindi kasing-tindi ng mga napagtagumpayan mo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-24-25-26-34-39.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na labis kang mag-aalala sa paparating na mga obligasyon. Mas maganda na paghandaan mo ang mga ito kaysa talunin ka ng iyong mga pag-aalala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-22-23-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madarama mo ang biglang pagbabago mula sa malapit sa iyo, pero ngayon ay parang lumalayo ang loob niya at tila wala kang nagawang mabuti sa kanya. Ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-25-33-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaani ang nagtanim, pero umaani rin ang hindi nagtatanim. Huwag mong pabayaan ang bunga ng iyong pagsisikap. Sarilihin mo kaysa ipamigay sa mga wala namang karapatan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-21-28-38-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang maganda at hindi maganda sa mga nagpapadama sa iyo ng pagmamahal. Alisin mo sa iyong isip na dahil mahal ka ay gaganda ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-29-30-31-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang masasayang araw mo kahit may mga nakakasingit na pangyayaring hindi umaayon sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-24-36-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang magpapakita sa iyo ng pagkontra sa mga gusto mong mangyari. Huwag mo silang pansinin dahil kumokontra lang naman sila dahil gusto nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-19-21-31-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibalik mo ang saya sa nagpapasaya sa iyo. Hindi ka dapat matulad sa mga pinasaya pagkatapos ay kinalimutan na ang nagbigay ng saya sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-25-33-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat magbago ng pasya. Kailangang maipakita mo na may pagpapahalaga ka sa mga salitang nagmula sa bibig mo. Makakaasa ka na marami ang hahanga sa gagawin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-23-25-35-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat umiwas sa mga hadlang sa buhay mo. Tao man sila o mga pangyayari, harapin mo nang sa gayun ay bigyan ka ng premyo ng butihing langit sa sandaling nagapi mo na ang mga humadlang sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-22-26-27-38.




